Twin Fate: Wife, Please Love Me Again
Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Valerie na may pag-asa siyang mapalambot ang pusong kasingyelo ng kanyang asawang si Harvey Alcantara. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat—nalaman niyang hindi siya ang tunay na anak ng pamilyang Lozano, at kasabay nito, itinakwil siya ng kanyang sariling pamilya at itinaboy mula sa buhay na marangyang inakala niyang kanya.
Sa isang iglap, nawala ang lahat—pamilya, pangalan, at maging ang kasal na pinanghawakan niya nang buong puso. Pinalitan siya ng babaeng tunay na may karapatang maging anak ng Lozano… at maging asawa ni Harvey.
Ngunit sa gitna ng kanyang pagkawala, isang hindi inaasahang katotohanan ang mabubunyag—isa siyang bahagi ng isang makapangyarihang pamilya na mas higit pa sa kayang ipagkait ng mga Lozano at Alcantara. At sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang Valerie na kayang aapihin ng sino man.