My Best Friend Is My Husband Mistress
PROLOGUE:
Meet Celestina Guevara-Sy_ Isang Masayahing Babae , Walang ibang inaatupag kundi ang pagiging isang mabuting asawa. Maganda , Mayaman , Mabait , Matalino at higit sa lahat Sexy na halos kinababaliwan ng kalalakihan.
Gabriela Javier_ Ang Matalik na kaibigan ni Celestina. Pinagkakatiwalaan at tinuring na kapatid. Sya ang KABIT ng Kanyang asawa.
Zander Ford Sy_ Ang lalaking asawa ni Celestina. Na ubod ng sungit , malamig kung makitungo Simula ng bumalik sa pilipinas si Gabriela.
Paano kung pinagtataksilan sya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nya? Ang taong minahal nya ng lubos higit pa sa kanyang BUHAY.?
Magpaparaya nalang ba sya? Dahil alam nyang wala syang puwang sa puso ng kanyang asawa? O ipaglalaban nya ito kahit sya pa ang masasaktan.
"B-bakit nyo ito ginagawa sakin? Pinagkakatiwalaan KO kayo? Bakit? Bakit sya pa Gabriela? Alam mo kung gaano KO sya kamahal? Simula noon? Iniwan mo sya sa ere at ako ang laging nasa tabi nya? Bakit gab.? Ngayon pa na kasal na kami? Ngayon kapa bumalik at sirain ang nabuo kung pamilya? Tinuri kitang kapatid pero niloko at inahas mo sya sakin". Celestina.
" Dahil mahal ko sya Celestina. Alam mo na simulat sapul palang ay ako na ang minahal ni Zander? Alam kung alam mo yon Celestina? Nagmamahalan kami ni Zander? Kaya pakiusap palayain muna sya. Alam kung mayron pang mas deserve sa pagmamahal mo. Pakiusap Celestina kung mahal mo ako palayain muna sya? Patawad kung niloko kita o namin. Patawad Bestfriend". Gabriela
natameme Ako dahil sa sinabi nito na agad Kong kinatahimik at nanatiling nag proseso pa ng mga sinasabi nya.
"I'll try to love you Celestina , but I'll fail. Alam muna noon na si Gabriela lang ang minahal KO at wala ng iba. Sorry kung padalos dalos Ako sa disisyon ko. I'm sorry and please Set me FREE Celestina.". Zander.
________
Date Started: 01_24_2024
Ended: Ongoing
103.5K viewsOngoing