Love Me, Mr. CEO
Ms. Morimien
Malaki ang kapasidad ni Laura pagdating sa negosyo kung kaya’t paborito siya ng kanyang Lola at inaasahang magiging hahalili rito sa pamamahala ng kompanya. Subalit ang taglay na galing ni Laura ay ang nagbigay sa kanya ng mga sekretong kaaway na hihila sa kanya pababa.
Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya nang i-set up siya ng pinsan at tiyahin. Nangyari ang isang gabing pagkakamali na siyang bumago sa buhay ni Laura ng tuluyan.
Subalit marahil ay likas siyang pinagpala dahil nagbunga ng kambal ang pagkakamaling iyon. Iyon ang naging dahilan ni Laura para bumangon muli. Matapos ang limang taong pagpapakahirap niya sa ibang bansa ay bumalik siya sa Pilipinas para ipamukha sa pamilyang tumaboy sa kanya na hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpapabagsak sa kanya.
“Mommy!” Pumihit sa direksyon ni Michael si Laura at sinalubong ng mahigpit na yakap ang anak.
“Where have you been?” Nakasimangot na tanong ng bata. Akmang magsasalita si Laura ngunit natigilan siya ng lumitaw mula sa likuran ng bata ang pamilyar na lalaki.
Ganoon na lamang ang pag-awang ng kanyang labi habang nakatitig sa kanya ang lalaki.
“So, he’s your son?” Tanong nito dahilan para awtomatikong mapraning si Laura.
“Mommy! This guy said he is my Daddy! Is that true, Mommy?!”
Ngumisi ang magagandang uri ng labi ng lalaki. He’s assumptions are right. He’s biggest competitor in the world of business, Laura De Silva Goldsmith is the woman he’d been looking for five long years. And now that he caught her with his twins — he won’t let her go again.
Suddenly, her plan to revenge was melted by his love. And Laura found herself saying…
“Love Me, Mr. CEO.”
But the question is, will there be a happy ending for them?