Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marriage for Convenience

Marriage for Convenience

Misa_Crayola
Si Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Kidnapped by my Ex

Kidnapped by my Ex

Warning: Rated SPG(R-18) Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw. Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata. Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki. Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya. Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, kaya anong ibig sabihin ng lahat? “Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon. Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya, nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan. Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban. “Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong. “Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?”
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
When The Casanova Falls In Love (Possession Series)

When The Casanova Falls In Love (Possession Series)

Possession Series Mula ng mamatay ang kapatid ni Raphael ay naiwan sa pangangalaga niya ang pamangking si Riley. Pinangako niya sa kapatid na gagawin niya ang lahat huwag lang mapunta sa mga De Lobo ang bata. Para magkaroon siya ng pagkakataong maipanalo ang custody ng bata, bukod sa financial ay kailangan kasal siya. Kaya nang alukin siya ni Nicolo ng kasal ay hindi niya ito nagawang tanggihan. Ang problema ni Raphael kay Riley ay nabigyan ng solusyon, pero hindi ang puso niyang nahuhulog ng tuluyan sa binata. Tama bang umibig siya sa isang De Lobo kahit na ang pamilya nito ang dahilan ng paghihirap ng kapatid niya? O ang tamang tanong, magagawa kaya siyang mahalin ni Nicolo kahit isa siyang lalaki, gayong pinakasalan lang naman siya nito alang-alang sa mana. WARNING!!! DON'T READ IF YOU ARE NOT A BxB LOVER!
LGBTQ+
94.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1011.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Baby's Father

Seducing My Baby's Father

Ano ang gagawin mo kung ang taong pinakamamahal mo higit kaninuman ay sapilitang inilayo sa iyo? "I'll seduce him," sagot niya. "Hindi lang para bawiin ang nararapat sa akin, kundi para iparamdam din sa kanya ang sakit na naranasan ko noong kinuha niya ang anak ko."
Romance
1064.5K viewsCompleted
Read
Add to library
WRECK ME, MY SUGAR DADDY (SPG/R18+)

WRECK ME, MY SUGAR DADDY (SPG/R18+)

"Do you want me to stop?" tanong ni Nicholas sa akin gamit ang pang-aakit na boses. Naglalakbay ang kaniyang mga kamay patungo sa aking perlas na sinilangan. Napaarko ang katawan ko sa kiliti at sensasyon na binibigay sa akin ng kaniyang kamay. "Tell me, Rosetta. Do you want me to stop?" "No..." "No what, Rosetta? No what?!" "No, Daddy. Please Daddy, Wreck me. Pleasure me...." **** After losing everything—her father, her fortune, and her future—Rosetta Morgan is desperate. The bills are stacking up, and the world she's known has turned cold. Then comes an offer she can’t refuse: one man, one deal, one way out. Nicholas Rivas is a billionaire with a body built for sin and a heart frozen by the past. He doesn’t do love. He does control. But Rosetta is unlike anyone he's ever met—fierce, vulnerable, and too tempting to ignore. Their arrangement is simple: no strings, no emotions. Just pleasure, power, and enough sparks to burn down every rule he’s ever made. But when passion turns possessive and feelings get in the way, the lines start to blur—and the cost of falling might be more than either of them bargained for.  
Romance
8.947.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Melting The CEO's Cold Heart

Melting The CEO's Cold Heart

Glen Da O2r
Davidson is known as a cold as Ice CEO of Montevella Corp. Everyone in Montevella Corp can't get close to him, unless they are executive members or family-related. At age of thirty, he didn't expect na kailangan niya ng magpakasal kahit wala sa plano niya. He needs to make a marriage arrangement with the daughter of Benavidez Company.  Pero bago pa mangyari ang kasalang pinaplano ay biglang dumating ang isang babae sa buhay ni Davidson. She's Keirah Gustavo, a twenty-years old childish employee of Montevella Corp.  Akala ni Davidson ay normal lang ang lahat, ngunit hindi niya alam na ito na pala ang umpisa na magulo ang nananahimik niyang mundo.  Ang kaibahan ni Keirah ay nagpabago sa malamig na binata. Dahil unti-unti lang naman nitong pinapainit ang ulo niya. But Keirah is always approaching him even tho tinataboy niya ito.  He can’t accept the fact na napapasaya siya ng dalaga sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.  Kung kailan naman ay masaya na si Davidson sa presensya ng dalaga ay saka naman ito naglahong parang bula. And for the second time doubting himself, he couldn’t accept the fact na namimiss niya ang dalaga. Nahuhulog na ba siya dito o nadadala lang siya sa mainit na pakikisama nito sa kanya?  At isang tanong ang bumabagabag kay Davidson… Paano niya ba sasabihin sa dalaga na ikakasal na siya? Paano niya ba sasabihin dito na nakatali na siya sa isang kasunduan? 
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10485 viewsOngoing
Read
Add to library
Muling ibalik

Muling ibalik

Memories
Sabi nila lahat ng bagay at tao my lugar may pwesto, may panahon at oras makakapagpasaya man sayo o hindi. Gaya na lang ng araw sa umaga bwan sa gabi, ang tubig sa ilog umaagos at ulan ay pumapatak, ang tao ay nabubuhay at namamatay... But Im not buying it kasi kung ganon? Bakit kinuha agad ang mahal ko? Ang lugar at pwesto pati panahon at oras nya ay dapat sa tabi ko. Kaya isa lang ang ibig sabihin LIFE IS A BIG BULLSHIT UNFAIR! Sandali ko lang syang nakasama pero kinuha na lang sya bigla. Marami pa kaming gustong gawin at puntahan. Marami pa syang pangarap na gustong tuparin. Kung maibabalik ko lang ang oras. Pero kahit anong gawin ko di na ko makakabalik sa oras na yon. Yong masaya at kasama ang mahal ko. *** Tumgin ako sa salamin at yuko. Tumingin uli ako sa salamin... Tingin sa likod.... Sa salamin uli.... "Oh jesus!!!!" "Waaaaaaahhhhhh..." Sigaw ko habang nakaturo sa salamin. Subra talaga ang takot ko kaharap ko ang bata kong pag mumukha! Sigaw pa rin ako ng sigaw buti na lang walang tao kundi para akong baliw. Totoo ba to? Kinurot ko sarili ko at pinag sasampal. "Aray! Putik ang sakit" "Ano bang nangyayari? Ganito ba sa heaven?" Lumabas ako hahanapin ko na si mahal walang duda patay na ko! As in dead. Pero pano si mommy? Hinihintay ako. "Bala na si batman basta mahanap ko si mahal." Napadaan ako sa labas ng at.. Ano ba showing nila mga luma na pang 2014 pa. sariwa pa sa akin ang mga taon ng nakilala ko si mahal. Teka? Parang may di tama. Kaya nag duda na ko nagtanong- tanong ako at sa 20 na taong tinanong ko isa lang ang sagut... Today is APRIL, 17,2014. Hindi pwede, 2055 na sa panahon ko.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status