Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Night, Bound Forever

One Night, Bound Forever

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
Romance
9.8209 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Starved Passion ( Taglog Version)

Starved Passion ( Taglog Version)

Lori
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga Mature na nilalaman, mahigpit na R18+ Inilipat si Ivana Davies sa NYC dalawang linggo matapos makuha ang kanyang pangarap na trabaho na maging pribadong sekretarya ng pangalawang anak ng pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa Russia. ."The Gilbert group of company" isang multi-bilyong dolyar na imperyo sa pananalapi at software, matapos mahuli ang kanyang amo na nakikipagpalitan ng init ng katawan sa kanyang receptionist. .Sa labis na kawalang-paniwala, hiniling si Ivana na magtrabaho bilang permanenteng sekretarya ng panganay na anak ni The Gilbert, si Davin Gilbert na walang gustong gawin sa kanyang ama o sa negosyo ng pamilya. .nang dumapo sa kanya ang mga pares ng madidilim na mata na iyon, sa unang araw ng pagtatrabaho para kay Davin Gilbert, kakayanin kaya nina Ivana at Davin ang mga kislap at pananabik na mayroon sila sa isa't isa habang pareho silang nagtatrabaho nang malapit sa kanyang kumpanya?
Romance
13.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fierce Love of the Arrogant Man

Fierce Love of the Arrogant Man

“Nasaan ang singsing?” “Ano?” Mabilis na binawi ng babae ang kanyang kamay. “Tinatanong ko kung nasaan ang singsing,” mariing ulit ni Stefan habang nakatitig nang masama sa kanyang kasintahan. “Ah... naiwan ko yata sa opisina. Kasi madalas akong naghuhugas ng baso ng kape, kaya tinanggal ko muna at itinabi. Baka magasgas kasi,” paliwanag ng dalagang si Natalie na bahagyang nakapagpakalma kay Stefan. “Kapag tinanggal mo ‘yan, ituturing kong gusto mong makipagbitiw sa kasunduan ng kasal.” “H-hindi naman po. Itinabi ko lang, hindi ko naman tinatanggal ng tuluyan.” “Kung gano’n, isuot mo ngayon din,” singhal ng lalaki na may halong pagbabanta. “Oo na, isusuot ko,” sagot ng babae na may bahid ng tampo. Kinuha niya ang bag sa tabi, binuksan iyon, at inilabas ang singsing ng kanilang kasunduan. Isinuot niya iyon sa kanyang daliri at ipinakita sa kanya ang likod ng kamay.
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Accidentally Inlove with Mr. President

Accidentally Inlove with Mr. President

Kung ilarawan ng mga tao si Raya Digo, siya ay masayahin, maganda, at matalino. Taglay niya rin ang buhay na kinaiinggitan ng marami. Ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng mga ngiti ay may nakatago na matinding lungkot sa kaniyang dibdib, na nagpapa miserable rito sa araw-araw. Lumaki si Raya sa puder ng kaniyang lola dahil sa trabahong tinahak ng kaniyang mga magulang. Sadya nga namang malupit ang tandhana. Makakayanan pa kaya ng dalaga ang ibabatong unos kung haharapin niya ito ng mag-isa, at kung siya ay wasak na wasak pa?
YA/TEEN
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The JANITOR’S Secret

The JANITOR’S Secret

Blurb Tanner- isang janitor na may malalim na tinatago, hindi siya basta-basta na kalaban dahil isang pitik ka lang mabubura ka na sa mundo! Kung sa hitsura nito ay talagang perfect na, nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng babae. Everlee- isang mayaman at taga pagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila, maganda nga ngunit kabaliktaran naman ang ugali. Paano nga ba magkakasundo ang ating mga bida? Tara samahan niyo akong lakbayin ang kanilang kwento na may kilig, iyak, tawa at marami pang iba na ating tutuklasin.
Romance
71 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ghost be with me (TAGLISH)

Ghost be with me (TAGLISH)

Pseudonym
Bata palang ay nakakakita na si Melody ng mga multo. Sinusubukan nya itong iwasan dahil 'yon ang sabi ng mama nya dahil nakikita nitong na bu-bully sya noon ng mga kaklase dahil sa pagiging weirdo. Pero kahit anong iwas nya ay wala, naiinis sya sa mga multo kaya hindi minsan ay hindi nito mapilang awayin at sigawan ang mga multong kinaiinisan nya at sanay na 'tong tawaging weirdo sa skwelahan nila. Lahat na yata ng studyante ay ayaw sakanya, bukod sa mahirap siya ay napalalapit din sya sa heartthrob ng school nila... Sa skwelahan na hindi sya bagay pero nakikibagay. Nakapasok lang naman sya sa school na 'yon dahil kaibigan ng mama nya ang may-ari non... Pero pano kung isang araw ay malaman nyang 'yon ang totoo nyang ama? May mam-bu-bully pa kaya sakanya? Ano nga bang magiging buhay nya kasama ang ama at ang mga multong nakapaligid sakanya? Makakahanap pa kaya sya ng lalaking tatanggapin ang pagka weirdo nya? Yong lalaking naniniwala sakanya...pero pano kung makatagpo sya ng lalaking hindi naniniwala sa multo? Tunghayan natin ang kwento ni Melody at pati ang mga multong laging nakasunod sakanya, tunghayan natin ang sari-sarili nilang kwento.
YA/TEEN
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Endless life with my Billionaire Lover

Endless life with my Billionaire Lover

Sa walong taon ni Jhaxien Montejas sa dating ay ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kanit anong pagtingin sa mga taong nakakameet niya, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Tiya Veron na makaahon sila sa hirap ay hinanapan siya nito ng lalaking kayang ibigay ang karangyaan sa kanila. until she meet Exell Fabillos isang Mayaman na hari ng mga Sanggano na kung tawagin nila ay mga Mafia ng Eresalve land, na ang sabi nila ay pagmamay-ari nito. unang kita pa lang niya kay Exell ay nakaramdam na siya na hindi sila magkakasundo, dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, na malayo sa crush niyang si Lexford Guevarra na isang mayaman rin na may ari ng isang coffee shop na malapit sa pinagtatrabahuhan niya. Ngunit makakatanggi nga ba siya sa sapilitang kasal agrisibo at sangganong leader ng Mafia.
Mafia
404 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)

MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)

Sa kabila ng kanyang buong tiwala at wagas na pagmamahal sa asawa, hindi kailanman inakala ni Isabella na sa bawat ngiti at yakap nito ay nakatago ang isang kasinungalingang wawasak sa buo niyang mundo. Hanggang isang gabi, tuluyang nabunyag ang mapait na katotohanan: ibinenta siya ng sariling asawa. Hindi bilang katuwang, hindi bilang mahal sa buhay—kundi bilang isang kabayaran sa kasunduan na iniligtas ang naluluging negosyo nito. Ang kapalit? Isang multi-milyong dolyar na kontrata. Isang kasunduang isinakripisyo ang kanyang dignidad. Mas lalong bumigat ang lahat nang malaman niyang ibinenta siya kay Sebastian Montgomery—isang kilalang business tycoon na kinatatakutan ng marami. Malamig, walang kompromiso, at may kapangyarihang durugin o buuin ang sinuman sa isang iglap. Ngayon, ang tanong: Paano mo lalabanan ang isang lalaking may legal na pagmamay-ari sa’yo… ngunit unti-unting inaangkin pati puso mo?
Romance
107.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status