Somebody You Love
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila Harry at Reyna dahil mayabang ito at antipatiko. Kapag nakakita naman ng mga magagandang chicks, mabilis pa sa alas-kwatro ang mga mata nito para titigan. Kaya asar talaga siya sa pagmumukha nitong chickboy at manloloko.
Pero tinamaan si Reyna sa kasabihan na "The more you hate, the more you love". Ang tunay niyang nararamdaman para kay Harry, kaya umiiwas siya dito. Pero sa katagalan, hinahanap-hanap na nito ang mga pang-aasar ni Harry sa kanya. Ngunit balakid sa kanilang namumuong pagtitinginan si Julliene Cheng, ang spoiled brat na younger sister ni Harry. Hindi niya gusto si Reyna para sa kanyang kapatid, dahil may napipisil na itong iba para sa kanyang kuya Harry, si Ruiz De Vera, ang bagong Restaurant Manager ng resort.
Nahuhumaling sandali si Harry kay Ruiz, pero napatunayan niyang si Reyna nga ang kanyang gusto dahil labis s'yang nagseselos ng makita nitong may kasamang ibang lalaki si Reyna. Kaya ipinaglalaban nito ang kanyang pagmamahal para sa kanya. Kung kailan masaya na silang dalawa sa kanilang pag-iibigan, tsaka naman nagparamdam muli ang lalaking minahal noon ni Reyna ng labis. Pero sinaktan lamang siya at iniwan lang basta-basta na parang basura dahil walang silbi sa kanya.
Pero hanggang saan sila dadalhin ng kanilang masayang pagsasama, dahil hindi lang si Julliene Cheng ang tutol sa kanilang relasyon. Kundi pati ang dati niyang kasintahan na si Jonel Cornelio. Isang bangungot ang muling pagbabalik nito sa buhay ni Reyna. Ang dahilan kung bakit siya naging matigas ang kanyang puso at ang nagtulak sa kanya para lumayo para lang makalimutan siya.
Mananaig pa kaya ang second chances para sa dati nitong kasintahan? O ang bagong pag-ibig nito para kay Harry Cheng, that against all odds? Dahil hindi siya tanggap ng family nito. Ano ang pipiliin ng kanyang puso?
1.9K 조회수Ongoing