Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
425 viewsCompleted
Read
Add to library
Surrendering to the Billionaire's Seduction

Surrendering to the Billionaire's Seduction

Si Lev Lawson Valdemar ay walang habag o awa sa mga nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, isang babae ang tumagos sa kanyang malamig na puso. Ngunit isang babae ang nagpapabaliw sa kaniya- si Clementine Lecaroz. Makakahanap kaya sila ng tunay na kaligayahan at pagmamahal sa isa't isa? O masisira nila ang buhay ng isa't isa? Ito ba ay tadhana na nagmula sa langit—o impiyerno—para sa sa kanilang dalawa?
Romance
1024.5K viewsCompleted
Read
Add to library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage With The Mommy Of My Son

Arranged Marriage With The Mommy Of My Son

Limang taon ang nakakalipas sinet-up si Althea ng kanyang step-sister at ng kaibigan nito para mawala ang kanyang pagkababae. Pagkalipas ng limang taong pagtira sa Paris ni Althea ay sa wakas bumalik na siya ulit sa Pilipinas kasama ang kanyang lalakeng anak. Hindi niya lang aakalain na sa pagbabalik niya ay mayroong mag-aalok ng kasal sa kanya upang makabayad sa kanya. Ngunit tinanggihan niya ito, hindi niya kailangan magpakasal sa lalake. Kaya niyang palakihin mag-isa ang kanyang anak at hindi nito mababayaran ang buhay ng kanyang ina na nawala sa pagpapakasal lang. Ngunit mapaglaro ang tadhana, ang nag-alok ng kasal sa kanya ay kanya na ngayong amo sa kumpanyang kanyang pinapasukan. At tila ba gusto nitong makipagkunsaba sa kanyang anak upang mapapayag siya sa kasal na inaalok nito. "Gusto mo ba maghanap ng ama?"
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG SENYORITONG BILYONARYO

ANG SENYORITONG BILYONARYO

Si *Amilia Guerrero* ay isang ulila na lumaki sa simpleng bayan ng San Rafael. Dahil sa kabutihan ni *Don Manuel San Sebastian*, isa sa pinakamayayamang tao sa bayan, nakapag-aral si Amilia bilang iskolar. Kilala siya sa paaralan bilang maganda, matalino, at palaban sa mga patimpalak, ngunit kahit marami ang humahanga at nanliligaw sa kanya, wala siyang pinapansin. Samantala, si *Daniel San Sebastian*, ang kaisa-isang apo ni Don Manuel, ay isang 32-anyos na binatang kilala sa kanyang yaman at kakisigan. Bagaman maraming kababaihan ang nahuhulog sa kanya, wala pa ni isa ang nakasungkit ng kanyang puso—hanggang sa makilala niya si Amilia. --- Please Read With your own risks.. Story written by: Dwivirain02
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge of the Century

Revenge of the Century

Joyang
Rosie Fleur Bamford is a half human and half vampire that comes from a royal family. Bumalik siya sa Pilipinas upang maghiganti sa kanyang asawa na ngayong kinasal sa kaibigan nito noon at sa ina ng lalaki na mula’t sapul ay ayaw siya para sa kanyang anak. Gusto niyang iparamdam sa kanila ang sakit na binigay nila rito sa pamamagitan ng dati niyang asawa, kung saan gagamitin niya ang kanyang mga abilidad bilang bampira upang akitin ang kanyang asawa’t paikutin ang lahat para sa ganti na ibibigay niya sa kanila. Darating sa punto na hindi niya inaasahan na may mga darating na mga pangyayari na susubok sa kanyang lakas, sakit na mas magpapa-usbong ng galit nito para sa kanila. Magkakaroon ng isang bunga ang mga pangyayaring ito at sa huli’y kailangan niyang mamili at magdesisiyon para sa mga resulta na siya lang ang may hawak. “Revenge can heal the heart, but not the soul. It is a cycle that will not stop until a person end the cycle that should not have existed at the beginning, as it will get worse and can be passed from generation to generation.”
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status