Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

Mican
Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangahasan nila, nagising nila ito at napakawalan nila ang sumpa na lumulukob sa dalagang naandoon. Sa pag-gising ng dalaga sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa bakasyon nilang iyon at sinisisi ng dalagang si Cassandra, na natagpuan nila sa ilalim ng basement, ang mga kababalaghang iyon sa mangkukulam na nagkulong sa kaniya sa sumpang pagtulog sa mahabang panahon. Paano nila matatakasan ang kababalaghang kalakip ng dalagang nagising nila? At sino nga kaya ang mangkukulam na gumugulo sa kanila at pati buhay nila, ay nasa bingit na ng kamatayan? Makakatakas pa nga ba sila kapahamakang iyon? O kamatayan din nila ang kahihinatnan ng kapangahasan nila? Dark Fantasy CollectionSLEEPING BEAUTY@KamijoMican
9.649.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Unexpected Royal

Unexpected Royal

AillexSkcy
Si Diala Madrigal ay isang stylist sa isang sikat na kompanya sa Gemolis City, ngunit natanggal siya ng makilala niya ang isang lalaki na si Nicolai Swisly. Muli siyang naghanap ng trabaho para sa nalalapit na operasyon ng nanay niya, natanggap agad siya ngunit sa hindi inaasahan doon din pala nagtatrabaho ang lalaking kinaiinisan niya matapos siyang matanggal sa trabaho, hindi niya alam na si Nicolai Swisly pala ay isang Duke na bumisita lang sa Gemolis City upang hanapin ang Grand Princess ng Rallnedia. Simple lang ang pamumuhay ni Dia noong hindi niya pa nakikilala si Nicolai Swisly, ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin ng lubusan niyang makilala ang totoong pagkatao niya kasama ang lalaking kinaiinisan niya noong una niya pa lamang ito nakikilala. Siya nga ba ang totoong Grand Princess ng Rallnedia? O siya lang ang naibigan ni Duke Aeneas Nicolai Swisly na maging Grand Princess ng Rallnedia.
1025.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

"Hypersexuality is not a good thing. It was a need that I had to fill." -Gabe Howard BLURB Bata pa lamang si Dhalia Uson ay nakaranas na ito ng iba't ibang pang-aabuso sa mga kalalakihan. Hanggang sa magdalaga ito'y dala-dala nito ang mapait na karanasan. Ginamit niya ang ganda ng mukha at kakaibang alindog na sadiyang bumabaliw sa mga lalaking naiuugnay sa kaniya. Hanggang isang lalaki ang dumating sa kaniyang buhay. Tinanggap siya nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Nahanap niya rito ang tunay respeto at pagmamahal na matagal din niyang inaasam. Ngunit... Sadiya yatang mapagbiro ang tadhana, dahil lalong naging magulo ang mundo ni Dhalia magmula noon. Unti-unting gumuho ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Maski ang kaniyang pagkatao na pilit niyang isinasalba ay naiwala niya ng tuluyan...
1099.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
One night with Mr.Tanner Grimes

One night with Mr.Tanner Grimes

Malayo naman ang Cebu sa Manila—dahilan kung bakit pumayag si Anastasia Ocampo sa proyekto na kaniyang dinaluhan sa Pilipinas, ngunit pagkarating niya sa meeting place ay nandoon ang lalaking pinakang iniiwasan—Mr.Tanner Grimes—pinakabatang multibilionare; ama ng kaniyang kambal na anak. Dalawang paraan lang ang alam niya; una 'wag na wag pagkitain ang mag-aama. Pangalawa, ay tapusin agad ang proyekto.
1099.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
8.9103.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Runaway Bride Of A Billionaire   (Original)

Runaway Bride Of A Billionaire (Original)

Young Love Sweet love hindi ganyan ang unang pangyayari sa buhay ni Darwin. Dahil aso't pusa sila ni Perla hanggang sa nagbago ito ng aksidente niyang mahalikan ang dalagita sa batis. Kaya magmula noon ay inalagaan na niya sa puso ang kababata. Pero pinaglayo sila ng kanyang ama at magmula noon nantanim ng galit si Darwin sa ama at isinumpang magpapakayaman at magiging makapangyarihan balang araw upang makuha si Perla at hindi na mapigilan ng ama. Pero ang pangarap na iyong ay sinubok ng tadhana sa pinakamalupit na paraan
1043.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

Si Raheel ang nag-iisang tagapagmana ng Del Fuego Industries. Ikakasal na sana siya ngunit biglang nawala ang bride niya. Siya ay ulila sa magulang at tanging Lolo niya lang ang nag-alaga sa kaniya. Dahil sa malubhang karamdaman ng kaniyang Lolo, mapipilitan siyang pakasalan si Anabelle kapalit ng mana na makukuha niya. Si Anabelle ang babaeng sumagip sa buhay ng Lolo niya nang ito ay nakidnap. Mapipilitan din siyang sundin ang kagustuhan ni Chairman Marcelo na ikasal sa apo nito kapalit ng perang kakailanganin niya para sa operasiyon ng kaniyang ina. Siya ang maging substitute bride ni Raheel. Naganap ang kasal kahit na hindi nila ito gusto. Masasakit na salita at malamig na pagtrato ang natanggap ni Anabelle kay Raheel, ngunit nanatili pa rin siya sa puder ng asawa alang-alang sa kapakanan ng kaniyang ina. Gumuho ang mundo ni Anabelle nang bumalik ang dating fiance ng kaniyang asawa. While Raheel found himself in a situation where he had no choice but to leave his wife he never thought he would in order to heal their souls. Meanwhile, Anabelle found herself running away from him, exhausted from everything. Book 1: Completed Book 2 Completed Book 3: Ongoing Book 4: Soon...
1059.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
1038.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

Jewiljen
Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.
1063.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce

TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce

"SA TINGIN mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..." *** Noon pa man ay mahal na ni Amanda Fabregas si Theo Torregoza. Lahat ay kaya niyang gawin para sa lalaki maging ang pagbitaw sa sarili niyang pangarap. Kaya naman nang makasal si Amanda kay Theo, wala siyang ibang ginawa kundi maging masunurin at perpekto sa lalaki. Naging mabuti siyang asawa kay Theo. Ibinuhos niya ang pagmamahal niya rito ng buong puso pero sa huli... iba pa rin ang nasa puso nito. Nang sa wakas magising si Amanda sa kahibangan niya kay Theo, naisip niyang makipagdivorce na sa lalaki. Pero ayaw ni Theo. Gusto niyang magdusa si Amanda sa kasal at pagmamahal na ni minsan nasuklian. Gusto niyang pahirapan si Amanda. Hanggang saan aabot ang pagtitiis ni Amanda kay Theo? Hanggang saan aabot ang pusong paulit-ulit lamang sinugatan at kailanma'y hindi napahalagahan?
1053.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2829303132
...
50
DMCA.com Protection Status