Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Love and Potion

Love and Potion

Anne came from an Island in the province of Leyte. She was raised by an old couple who wasn't blessed with child. Nang mapalayas sila sa kanilang bahay, nagpasya sila na lumuwas ng Manila upang doon makipagsapalaran. Napadpad sila sa Quiapo. Upang mabuhay, nagbenta sila ng mga halamang gamot at kung ano-ano pa. Doon nakilala ni Anne si Rose, isang nakakatuwang babae na mayroong guwapong asawa at higit sa lahat bilyonaryo. The kind woman take her into her house and offered her a job. At doon niya nakilala ang guwapong si Craig, na huli na niyang napagtanto na hindi pala Craig ang pangalan nito kundi Marko. Paano niya mababawi ang gayuma na napainom niya kay Craig dahil sa pag-aakalang siya si Marko? Na inakala niyang si Craig. Ang gulo! Pero mas magulo pa ang isip niya dahil pakiramdam niya tumatalab na ang gayuma na napainom niya kay Craig dahil wala ng ginawa ito kundi ang buntutan siya at hiritan ng kaniyang mga corny na pick up lines. "Miss, may mapa ka ba diyan? Gusto ko kasing malaman ang tamang daan papunta sa puso mo."
Romance
108.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mistaken Identity

Mistaken Identity

Kahapon lang ay single pa siya. Ngunit ngayong araw na ito, magiging Mrs. Catherine Villanueva na siya. Pakiramdam niya ay nabudol-budol siya ng Daddy niya. Paano siya nitong napapayag makasal sa isang lalaking ni hindi man lang niya minahal. Bakit nga ba siya pumayag sa gustong mangyari ng Daddy niya porke’t iniyakan lang siya nito? Ngunit ang mas lalong nakakasindak, ipapakasal siya nito sa isang lalaking lantaran namang umamin sa kanya na isa itong member ng LGBTQIA community. Feeling tuloy niya, um-order lang ng mapapangasawa niya online ang Daddy niya, may defect pa. May defect dahil lalaki rin ang hilig nito at hindi babae. At no return, no exchange na pala ang kasunduang ito dahil legit ang marriage contract nilang dalawa. Hindi ito isang panaginip lang. Ngunit naisip niyang dahil lalaki rin ang type ng asawa niya, at least ay safe siya kasama nito. Malaya siyang makakapagbihis sa harapan nito at alam niyang kahit anong gawin niya, wala talagang mangyayari sa kanilang dalawa. Pero kung bakla ito bakit may girlfriend ito? At bakit, unti-unti, parang nakakaramdam na siya ng selos sa tuwing makikita niya ito kasama ng girlfriend nito? Hanggang isang araw ay makita niya ang asawa, not just one but two. Namamalikmata lang ba siya or sadyang may kakambal ito? Isang member ng LGBTQIA community na si Anthony. At isang lalaking-lalaki na si Andy. Pero kanino sa dalawang ito ba siya talaga ikinasal?
Romance
1096.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Divorce Me Now, Mr. Peters!

Divorce Me Now, Mr. Peters!

Nagpakasal sina Celestine at Benjamin pero ang lahat pala ng iyon ay for show lang dahil ayaw ng mga magulang ni Benjamin sa minamahal nitong si Diana. Nakatakda ang divorce nila in six months pero laking pagtataka ni Benjamin na bigla na lang pumayag si Celestine kahit hindi pa tapos ang six months na sinasabi niya. Nagulat na lang si Benjamin, pagkatapos ng isa nilang pagtatalo, pagbalik niya ng bahay ay bigla na lang nawala ang kanyang asawa. Nasaan na kaya si Celestine at paano na ang kanilang magiging buhay lalo pa at na-sign na pala niya ang divorce papers nila?
Romance
1055.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Romance
10675 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Twisted Game of Fate

A Twisted Game of Fate

Bimaia
"You are mine! Darling, I can fucking lose everything, but you would never escape me. I would make sure that even your soul would be binded with mine. So don't even think about it." "The greatest love of my life, has always been you, Helen Solome." Una pa lamang ay hindi na naging maganda kanilang tagpo. Kamuntikan na itong ikamatay ni Helen. Gumagaan lamang ang kaniyang dibdib sa kadahilanang iyon na ang huling beses na makikita niya ang lalaki. Ngunit sadyang mapaglaro yata ang tadhana. Sa isang iglap lamang ay bumaligtad ang mundo niya nang muling mag-krus ang landas nila ni Red Ismael Alvaro. Ang misteryoso, at nag-iisang tagapagmana sa Multi-Billion Euro Corporation kung saan sila nagtratrabaho ng nobyo niyang si Clyde Salvador. Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay tuluyang magbabago ang buhay nilang tatlo. Nagdulot ito nang matinding trauma kay Helen na naging dahilan upang siya ay magpakalayo-layo na muna. Matapos ang lahat ng mga bangungot sa kaniyang nakaraan, kakayanin pa kaya ni Helen ang magpatawad, at ipagpatuloy ang buhay? Hanggang saan ang kayang gawin ni Red upang mabawi, at mapasakaniya ang babaeng labis na kinahuhumalingan? Magagawa pa kayang ipaglaban ni Clyde ang pag-ibig niya kay Helen, kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang tuluyang mawasak ang kanilang masayang pagmamahalan?
Romance
101.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
Romance
13.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Captivate the Mafia Boss

Captivate the Mafia Boss

Lil_Simple9
Farrah Louise Alvarez, a 23 years old optimistic woman who fell in love with a mafia boss. Nasaksihan niya kung gaano ka-brutal pumatay ng tao ang taong nagugustuhan niya, ngunit mas lalo pa siyang nahulog dito sa halip na katakutan niya ito. Siya rin ay gumaganap na isang ina sa isang batang kan'yang inampon. Grayson Harvey Lewis, the 28-year old Mafia boss, and the ruthless man that can kill anyone except the innocent ones. Kaya niyang patayin ang sinumang humarang sa kan'yang mga plano at ang mga traydor sa kan'yang paligid. Lalo pa't kailangan niyang malaman ang nangyari sa kan’yang ama at hanapin ang bangkay nito. Sa pagku-krus ng landas ng dalawa ay parehong nag-iba ang takbo ng kanilang buhay. Humingi ng pabor si Gray kay Farrah na magpanggap na asawa nito kapalit nang pananatili niya sa bahay nito upang hindi makuha ng kan’yang madrasta ang lahat ng pinaghirapan ng kan’yang ama. Ngunit sa kabila ng kanilang pagpapanggap ay hindi inaasahan ng dalawa na magkakaroon sila ng mas malalim pang ugnayan. Lalo na’t isa sa layunin ni Farrah ay ang mabihag ang puso ni Gray. Magpatuloy pa kaya si Farrah na pa-ibigin si Gray sa kabila nang mga darating na mga problema sa buhay nila? Ang pagpapanggap ba nila ang magiging susi tungo sa inaasam nilang layunin?
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Patuloy parin umaasa at naghihintay si Melisa na balang araw ay magkikita muli sila ng kanyang kaibigan na si Albert. Simula kasing nag aral si Albert ng kolehiyo ay Manila ay wala na itong balita pa. Pero alam niyang babalikan siya ni Albert upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapag patayo ng Dream House sa lugar na kanilanh tagpuan. Ngunit isang araw ay nabalitaan niyang magpapakasal na si Albert kay Devina. Gumuho ang mundo ni Melisa ng malaman niyang ang pinagawa ni Albert na Dream House ay magiging bahay na pala nila ni Devina. Ngunit lingid sa kaalaman ni Melisa na ito ay para talaga sa kanya at hindi para kay Devina. Gustong kausapin ni Albert ang dalaga upang maintindihan niya kung paano at ano ang nangyari sa kanya noong siya ay nag tatrabaho sa America. Ngunit hindi ito nagpapakita sa kanya. Nagpakalayo muna si Melisa upang makalimutan ang bangungot na kanyang naranaaan. Lumipas ang taon ng malaman ni Melisa na hanggang ngayon ay hindi pa kasal si Albert at Devina. Nabalitaan din niya sa kanyang ina na araw-araw siyang hinahanap ni Albert upang magpaliwanag at muling mag balik ang kanilang pagkakaibigan at (Pagmamahalan). Bumalik si Melisa. At ibang Melisa na iyon hindi na mahina hindi na iyakin at hindi na kailan pa matatalo at masasaktan. Nagkita sila ni Albert sa hindi inaasahang lugar. Dahil sa pananabik ni Albert kay Melisa ay bigla niya itong hinalikan sa mga labi. Kapwa sila nagulat sa nangyari. Isang malakas na palad ang dumapo sa pisngi ni Albert. Magiging huli naba ang lahat para kay Melisa? Maipaglalaban pa kaya niya ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kaibigan? Lalo na at magpapakasal na ito kay Devina.
Romance
9.817.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3738394041
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status