Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The kasambahay [BL]

The kasambahay [BL]

Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng lahat ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta-bastang lugar lamang. Maraming pagsubok ang kanyang kahaharapin, gutom, pagod at awa sa sarili ang kanyang pagdadaan, at marami ding tao ang kanyang makikilala. Tama ba ang desisyon nya na magpunta sa maynila upang guminhawa ang buhay o uuwi sya ng probinsya ng luhaan? Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaganapan sa buhay ni Rylan at kung paano sya magiging "The Kasambahay." ©2020 CutieCane23
9.268.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
1063.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Enemy Is My Lover

My Billionaire Enemy Is My Lover

Labis na nagtataka si Seraphina ng mailipat siya sa ibang boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya malaman kung bakit palagi niya itong pinapahiya at minamaliit. Alam niya sa sarili niya na magaling siya, pero para sa bagong boss niya, bobo siya.  They hate each other. But that hate backfires when they find themselves tangled to each other, pleasuring one another. Will their hate continue after what happened? Or will the hate turn to love?
1061.1K viewsOngoing
Read
Add to library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
1058.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Divorce Now, Marry Me Later

Divorce Now, Marry Me Later

"Let's divorce. Bumalik na ang ex-girlfriend ko at kailangan na nating tapusin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Bibigyan kita ng pera para sa panibagong buhay mo.” “Wala bang halaga sa ‘yo ang tatlong taon nating pagsasama para itapon mo iyon ng ganun-ganun lang?” Si Manson, ang asawa ni Claire na gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagbabalik ng ex nito. Pero hindi pa man naproseso ang hiwalayan nila ay gusto na agad siyang balikan ng asawa? Gayunman ay tinanggap ni Claire ang asawa pero saka naman niya nalaman na ang kanyang kababata na first love at mahal pa rin niya hanggang ngayon ay bumalik at buhay pa pala? Huli na ba ang lahat para pagsisisihan niya ang naging desisyon niya? Si Lucas, ang lalaking handang magpakamatay para lang iligtas siya. Bago sila ikasal ni Manson ay nagmamahalan silang dalawa. At ngayong bumalik ito ay naging kumplikado ang puso ni Claire. Hihiwalayan niya ba si Manson para kay Lucas?
1075.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Trillionaire In Disguise

A Trillionaire In Disguise

Si Luke Cruise ay isang mahirap at walang kwenta sa mata ng karamihan. Halos araw-araw nila ito kung laitin at maliitin. Itinatrato nila si Luke bilang isang basura. Pero ang hindi nila alam ay nagmula siya sa angkan ng pamilya Cruise, na siyang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa buong mundo. Dahil sa kanyang naging poverty training ay napilitan siyang ilihim sa lahat ang tunay niyang pagkakakilanlan, kakayahan at abilidad lalo na ang husay niya sa martial arts. Ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila mismo ang tunay niyang katauhan?
9.962.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BLIND BILLIONAIRE

THE BLIND BILLIONAIRE

“I don't love you. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at alam mo ito.” - Audric Villanueva “M-maghihintay ako. Maghihintay ako na darating ang araw na matutunan mo akong mahalin. Hindi ako m-mapapagod na hintayin ang araw na iyon, at kung s-sakaling mapagod man ako, magpapahinga lang ako at muli kang mamahalin ulit, Audric.” - Ffion Sacueza ••••• Isa lang naman ang gusto ni Ffion, ang mahalin ang asawa niya araw-araw kahit sobrang imposible na matugunan ito. Oo, mag-asawa sila pero sa papel lang ito dahil ang totoo, hinding-hindi siya kayang mahalin nito. Isa pa, paano siya magagawang mahalin ni Audric? Lalo na't muling bumalik at pumasok sa buhay nito si Ivony, ang babaeng totoong mahal ng lalaki. Ang babaeng dapat sana ay nasa katayuan niya bilang asawa nito. Ang babaeng pinakamamahal nito. Buntis ang babae. Magiging isang masayang pamilya na ang mga ito. Habang siya? Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang lumayo kahit dala-dala niya sa sinapupunan ang isang gabing inangkin siya ni Audric. Kailangan niyang lumayo kahit parang hinihimay-himay ang kaluluwa niya sa sobrang sakit. . .
1075.8K viewsOngoing
Read
Add to library
I SECRETLY WED the BOSS

I SECRETLY WED the BOSS

Palihim na nagpakasal si Analyn Ferrer sa masungit at demanding niyang boss ng DLM Group of Companies na si Anthony De la Merced. Isa lang itong marriage for convenience, at pareho silang makikinabang. Pero habang nagtatagal ang kanilang kunwariang kasal, hindi alam ni Analyn kung mawawasak ba ito ng kanilang mga sikreto? O matatagpuan ba nila ang mga sarili nilang umiibig na sa isa't isa?
9.957.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Lucky Me! Instant Mommy?

Lucky Me! Instant Mommy?

"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw ‘yong dalagang Filipina, yeah!" hindi napigilan ang galit na sita niya sa kakambal. Problema. Iyon kaagad ang sumagi sa isip ni Callie nang malamang buntis ang ni kakambal niyang si Hailey. Bukod sa hindi nito masabi kung sino ang tatay ay mahina ang puso nito, kaligtasan kaagad nito ang naisip niya. Gustuhin man niya itong sabunutan dahil sa taglay na kagagahan ay hindi na lang niya ginawa. Sa mapaglarong tadhana, sa kakahanap niya sa Tatay ng anak nito ay natuklasan niyang ang multi millionaire na si Carter Hyun ang nakadisgrasiya dito. Natagpuan na lang niya ang sarili na siya na ang Mommy ng baby nito. Magkakasama sila sa iisang bubong, mapigilan niya kaya kung may pag-ibig na umusbong?
1055.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
1057.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status