Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
Romance
9.2349.4K viewsCompleted
Show Reviews (29)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Ms A Hindi PABA mag end ito...naghiwalay nmn na Sila tpos nagbalikan tapos ngayun magulo ulit??? nakakalito Po Ang nangyayari kung ano ba tlga Ang gusto ni loui Kay Zia..Hindi na matatawag na oagmamahal ung ginagawa niya...pra sa akin mas maganda naghiwalay na Sila at mag end nlng sana
Jerrlan24
Ang asim sa sikmura ng kwento ni loue at zia pero mas naka2bwisit yung lalaki makasarili ayaw palayain ang asawa dahil ayaw mapunta sa iba pero hindi tinatrato ng maayos si zia nman di niya na dw mahal pero pumayag ulit siya makasal dahil need niya pera ni loue. maganda ang story mabubwisit ka lang
Read All Reviews
Muling Maging Akin

Muling Maging Akin

R-18!! Napagkasunduan ni Rayn Jasper at Arym Zchrynne “MaiMai” na magsama bilang mag-asawa sa loob ng isang taon matapos ay maghihiwalay kapag hindi nila natutunan mahalin ang isa't-isa. Kapwa sila brokenhearted nang mga panahon na iyon.  Balak sana sorpresahin ni MaiMai si Jasper tungkol sa kanyang ipinagbubuntis sa araw ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit kabaligtaran ang nangyari. Si MaiMai ang na sorpresa nang iabot sa kanya ni Jasper ang annulment paper na pirmado na nito. Kahit nasasaktan ay pinirmahan niya ang papel at umalis kinabukasan ng walang paalam. Pinangako ni MaiMai sa sarili na kailanman hindi niya ipapaalam sa dating asawa ang tungkol sa anak nila hanggang sa kanyang huling hininga.  Makalipas ang pitong taon, napilitan bumalik si MaiMai sa Pilipinas dala ng kanyang trabaho bilang secretary ng isang CEO sa Singapore na isa rin niyang matalik na kaibigan. Hindi inaasahan ni MaMai na ang kliyente nila ay ang dating asawa.  Paano kapag nalaman ni Jasper ang tintagong lihim ng dating asawa? Muli ba silang magkakabalikan o mas lala lang ang sitwasyon? 
Romance
1061.7K viewsCompleted
Read
Add to library
His Brother's Wife

His Brother's Wife

Angelo "Ang" Rodriguez is a broken man, matapos mawala ang babaeng pinakamamahal ay tuluyan nang nagbago ang binata maliban pa sa nangyari sa pinakamamahal nitong kapatid na si Anthony ngunit isang bagay ang hindi matanggap ng binata at iyon ay ang asawa ni Anthony na si Miranda Sandoval, ang gold digger na babaeng pinakasalan ni Anthony ng nasa US pa ito at gagawin ni Ang ang lahat para mawala ang naturang babae sa buhay nila ngunit ang hindi inaasahan ni Ang ay ang mahulog ang loob sa naturang babae sa babaeng apat na beses nang kinasal.
Romance
683 viewsOngoing
Read
Add to library
Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Rouzan Mei
Hindi inaasahan ni Yorzuana Ghitt na ibebenta siya ng kaniyang mga magulang sa isang lalaki kapalit ng bilyon-bilyong halaga. Naisipan lang na bilhin siya ni Roger Mizores dahil sa pagnanasa niya rito at walang halong pagmamahal sa dalaga. Ngunit sa kabila ng pagiging matigas na puso ni Roger, paninilbihan ang isinukli ni Yorzuana sa kaniya hanggang sa magsawa ito dahil sa pag-amin ng binata na binili lamang niya ito. Nasaktan, nagpakamatay ngunit muling babangon. 'Yan ang nangyari kay Yorzuana nang hindi niya inaasahan. May magagawa ba si Roger para sa dalaga?
Romance
4.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Romance
1016.4K viewsOngoing
Show Reviews (10)
Read
Add to library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Read All Reviews
My Husband Cheater

My Husband Cheater

Maghihintay ako hon.” Sabi naman agad ni elane at sabay yakap sa lalaki. Halos madurog ang puso ni zara sa tagpong iyon. Doon kasi sila magkikita sa park. At dahil kaibigang matalik ni zara si elane. Kaya malaki ang kanyang tiwala dito. Subalit di niya inaasahan ang isang malaking secretong tinatago ng dalawa. Kung hindi niya pina una si elane sa tagpuan nila ng asawa ay hindi sana niya malalaman ang isang secreto.
Romance
8.88.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO’s First Love

The CEO’s First Love

AteJAC09
Si Axxelle Madrigal ang naging pinakabata na naging CEO, sa edad niyang 18 years old, tinanggap niya ang responsibility bilang CEO. Si Larissa Bernardo ang unang babae na minahal ng CEO na si Axxelle. Inaya ni Axxelle ang magulang ni Larissa na magtrabaho sa kaniyang food company at kumita ng milyon sa loob lamang ng ilang buwan. Kapalit noon ay ang arrange marriage ni Axxelle sa nag-iisa nilang anak na si Larissa.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Arrogant Man

Loving The Arrogant Man

Erica has fallen in love with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy si Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
Romance
10.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status