The Billionaire's Contract Wife
Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo.
Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito.
Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan.
Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot.
Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?