HIRAYA The Blind Lady
Chelsea Lee Winchester
BLURB
HIRAYA THE BLIND LADY
“Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, mahal kita mula noon hanggang ngayon at mamahalin pa magpakailan man!” Hindi makapaniwala si Haya sa kanyang mga narinig, kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya iyon inasahan.
Si Hiraya o mas kilalang Haya ay ipinanganak na bulag, ngunit ayon sa pagsusuri ng doctor sa kanyang mga mata ay maaari pa siyang makakita. Siya ay lumaki sa orphanage na kung saan nakilala niya ang kambal na sina Gaius at Galen, sila ay anak ng isa sa sponsor ng orphanage, na kung saan lubos na nakatulong kay Haya.
Sa kabila ng kanyang kondisyon ay lumaki siyang punung-puno ng pag-asa na makita ang totoong kulay ng mundo at mahanap ang kanyang pinagmulan. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang mamuhay ng normal at matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at tapat.
Ano kaya ang gagawin ni Haya kung ang kapalit ng katuparan ng pangarap niyang makakita ay ang kanyang minamahal?
Paano kaya matatanggihan ni Haya ang taong lubos na tumulong sa kanya na magkaroon ng bagong buhay mula sa isang desisyon na kailangan niyang panindigan habambuhay?
Paano rin kaya niya tatanggapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pinagmulan?