Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Spying my Billionaire Husband

Spying my Billionaire Husband

Alyana Lopez, isang raketerang babae, ulila at layunin ay makaipon ng maraming pera, mga sampung milyon para makapamuhay ng komportable sa buong buhay niya, kaya naman tinatanggap niya ang kahit na anong trabaho o raket na inaalok sakaniya. Nilapitan siya ng isang kaibigan na isa ring raketera at inalok siyang maging spy sa isang kilalang bilyonaryo na si Jeffrey Anderson, kailangan niyang malaman ang mga susunod nitong hakbang sa loob ng anim na buwan tungkol sa mga investments, deals, at negotations ng korporasyon nito. Inaral ni Alyana ang lahat ng detalye tungkol rito at namasukan siya bilang sekretarya at personal assistant nito. Hindi inasahan ni Alyana ang karismang taglay ni Jeffrey, at ang inaakalang puro trabaho lang ang gagawin niya sa pagpapangap bilang sekretarya ay nagulat siya nang alukin siya nitong maging asawa lang sa papel. Mula sa pagiging spy, pagpapanggap bilang sekretarya, hanggang sa pagiging asawa sa papel, mapasubo kaya si Alyana sa pinapasukang raket para makaipon ng sampung milyon? O hahayaan niya ang lahat ng pinaghirapan kapalit ng konsensya niya at ang namumuong damdamin para kay Jeffrey?
Romance
102.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Shotgun Marriage with the President’s Son

Shotgun Marriage with the President’s Son

Si Soleil Yna Ong, tagapagmana ng Ong Technologies Inc., ay nakaranas ng matinding pagtataksil nang lokohin siya ng nobyo niyang si Jared Joaquin habang siya’y nagbubuntis. Para sa pamilya niya, malaking kahihiyan at malas ang pagkakaroon ng anak nang walang asawa. Dahil dito, desperado siyang protektahan ang reputasyon ng pamilya at masiguro ang kanyang mana. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nila ni Lysander Alcantara, anak ng pangulo ng bansa at CEO ng Asiana Airlines. Matapos ang isang di-sinasadyang halik, diretsahan siyang nagtanong, “Now that you’ve kissed me, merry me.”  Pero agad siyang tinanggihan ni Lysander. Muling nagtagpo ang landas ng dalawa sa ika-60th birthday ng kanyang ama, kaya isang matapang na hakbang ang ginawa ni Soleil—ipinakilala niya si Lysander bilang kanyang fiancé, na labis na ikinagulat ng lahat. Dahil sa takot sa iskandalo, pumayag itong makipagkasal sa kanya—isang kasal na walang halong pag-ibig. Pero habang nagsasama sila at sa gitna ng kanilang pekeng kasal, mananatili ba silang malamig sa isa’t isa o may lugar pa kaya ang tunay na pag-ibig sa kanilang dalawa, dahilan para maputol ang sumpa?
Romance
102.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
YA/TEEN
2.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.943.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Capturing The Billionaire's Heart

Capturing The Billionaire's Heart

Kung gusto may paraan, kung ayaw naman, ay siguradong may dahilan. Matapos mahiwalay naglakas-loobsa kaniyang kababata sa loob ng apat na taon, si Shevanee na hanapin ito sa Manila. Ngunit laking gulat niya na parang ibang Ralph Timothy Villanueva ata ang nahahanap niya sapagkat hindi na siya nakikilala nito. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang pansin nito at nagbabakasakaling maalala siya ni Ralph, ngunit may isang lalaki ang humarang sa mga plano niya. Si Gaven Lance Galvez, ang sempatiko na pinsan ni Ralph na namamahala ng isang kompanya. Wala itong ibang ginagawa kundi bantayan ang bawat kilos at hakbang niya dahilan upang mawalan siya ng pag-asa na makilala ulit ng kaniyang kababata. Sa pag-aakala ni Shevanee na makukuha niya muli ang puso ng kaniyang kababata, ay ibang puso pala ang nabingwit niya. Ngunit isa lamang ang dapat niyang piliin. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang mas matimbang para kay Shevanee? Ang minahal niyang kababata o ang lalaking si Gaven na mahal siya?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
That Hot Chick CEO is my Bumpkin Ex-Wife

That Hot Chick CEO is my Bumpkin Ex-Wife

Evie Clemonte, ang halos tatlong taon nang Asawa ni Rowan McAllestieré. Isang dedikadong Asawa, maalaga at gagawin ang lahat para kay Rowan ngunit mukhang kahit anong gawin ni Evie ay hindi parin niya makukuha ang Atensyon at pagmamahal ng binata. Sa araw mismo nang kanyang kaarawan ay niregaluhan siya ni Rowan nang regalong hindi niya malilimutan. Isa etong divorced paper agreement. Kahit ayaw ay walang nagawa si Evie kundi makipaghiwalay dahil alam niyang wala na siyang malalaban pa dahil bumalik na sa Pilipinas ang tunay na mahal ni Rowan. She decided to leave Rowan and her old self who is dedicated on Rowan alone, She wants him to regret leaving her. Bumalik sya sa totoong kung sino siya at iyon ay ang nag-iisang prinsesa nang karibal ng mga McAllestieré. She's the only daughter in the Demetrius Clan. Nagdesisyon siyang siya na ang mamumuno at maglalampaso sa mga McAllestieré upang makabawi sa mga pagpapahirap at pasakit sakanya ng pamilyang eto. Halina't subaybayan ang mga hakbang ni Evie upang makamit ang inaasam na paghihiganti. At ano na lamang ang mangyayari sa magiging relasyon nila ni Rowan? Abangan.
Romance
107.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS

I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS

May isang araw na lang si Iris Celeste Delgado para bayaran ang utang ng kanyang ama—kapag hindi, mareremata ang tanging tahanan nila. Bilang isang utility staff, wala siyang sapat na pera, kaya sa isang desperadong hakbang, pumayag siyang ibenta ang kanyang pagkabirhen sa isang matandang mayamang kliyente. Ngunit nagkamali siya ng silid. Pagkagising, hindi matanda ang nasa tabi niya—kundi si Alexander Corañez Jr.: ang gwapong, tahimik, at misteryosong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. At sa halip na kalimutan ang nangyari, inalok siya nito ng isang kasunduan—isang pekeng kasal. Walang emosyon. Walang tanong. Pero may isang kondisyon: Bawal siyang mapalapit sa kahit sinong lalaki... maliban kay Alexander. Habang pinipilit niyang itago ang damdamin, hindi niya alam na ang lalaking ito ay hindi lang basta umaarte. Dahil para kay Alexander—lahat ng ito ay totoo. At sa pagbabalik ng ex nitong si Brigitte, magagawa pa ba ni Iris na panindigan ang kasunduan—kahit posible siyang masaktan?
Romance
9.639.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
TBD #3: Babysit By The Billionaire

TBD #3: Babysit By The Billionaire

She’s a trouble. He’s a control. Together? Wildfire. Verena Cielle is the world’s highest-paid supermodel—bold, scandal-prone, and a certified trouble magnet. Sanay na siyang pasanin ang title na “walking controversy,” but despite the headlines and chaos, isa lang ang hindi maikakaila—she owns the runway. Her father got tired of her at bilang solusyon, ibinigay siya sa isang taong alam niyang kayang kontrolin ang kanyang anak—kay Mavros Rouge Mordecai, a ruthless billionaire of Black Mystique Winery. Rouge accepted it as if it was a mission. But for him, it’s something deeper. Living under Rouge’s roof feels like being locked in a golden cage. Every move is monitored, bawat hakbang bantay-sarado. Pero sa kabila ng bangayan at asaran, may apoy na unti-unting lumiliyab sa pagitan nila—isang larong bawal, puno ng tukso at tensyon. Cielle swears she won’t fall. Falling means losing, and she never loses. Pero paano kung ang larong iniisip nila’y maging totoo na? Sa isang mundong puno ng mata at kontrobersya, is it possible to find something real?
Romance
10914 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Masked Mafia Boss

The Masked Mafia Boss

Maejin
Giovanni Lucchese is back for vengeance as the masked Mafia boss. Handang-handa na siyang pagbayarin ang taong umubos sa mga taong parte ng buhay niya. He succeeded getting close to the King of Knives boss, Lucca. Naging personal bodyguard siya ni Lucca at iyon ang unang hakbang upang mahanap niya ang ama ng lalaki na siyang sumira sa buhay niya. Ito ang gagamitin niya upang mapabagsak ang grupong walang awang pumaslang sa mga magulang niya, sa pangalawang pamilyang natagpuan niya, at sa babaeng unang minahal na hindi niya nagawang iligtas. But she's there, Daria, Lucca's woman. All of a sudden, they both fell in love to each other. Isa sa naging sagabal ang dalaga sa pagkakaroon niya sana nang malinis at matagumpay na plano. Will he let Daria soften his heart? And if so, how can he be his girl if it is Lucca's girl? Will their secret affair lead to another tragic story of his life? And what if Daria is not Daria? Is he ready to unmask his face and accept another defeat? WARNING! READ AT YOUR OWN RISK. CONTAINS DISTURBING SCENES AS THE STORY CONTINUES. SEX. DRUGS. SLAVERY. MURDER. PLEASE CONSIDER FIRST YOUR MENTAL HEALTH IF YOU THINK IT WILL NOT FIT YOUR TASTE/LIKINGS.
Romance
62.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE PRICE OF PLEASURE -SPG

THE PRICE OF PLEASURE -SPG

''tell me about yourself?" seryosong tanong ng lalaki sa isang inosenteng dalagita na nasa kanyang harapan . Hawak ang isang papel bago ibigay sa dalaga . Nakalagda doon ang mga rule's na kailangan sundin ng dalaga para maging asawa nito . ''ano ito job interview?'' naloloka niyang tanong . ''hindi ba trabaho ang gagawin mo sa akin , magpanggap kang asawa ko at bayaran kita buwan buwan plus unti unting mahulugan ang utang ng iyong pamilya sa akin .Kung bakit kasi hindi nag iisip ang ama mo bago siya gumawa ng isang hakbang .Ang tanging nasa isip lang pera! '' pabulyaw nitong salita .Unti nalang mawawalan na siya temper dahil sa pagiging isip bata ng dalaga .Nagsisi si Dreymond na pumayag sa kondisyong hindi niya alam kung hanggang kailan ang pasensya niya sa isip batang katulad ng dalaga . Magagawa kayang sikmurain pakisamahan ni Evie Quinros ang isang babaerong lalaki .Magpapakasal sila at maging asawa siya sa isang papel lamang pero paano kung mas higit pa ang hingiin nito .Hindi niya gustong mahirapan ang kanyang ama dahil sa utang nito .Gagawin niya lahat kahit maging asawa pa ng isang manhid at walang puso na lalaki basta mabayaran niya lang ang pagkakautang ng kanyang ama sa mga Clarkson at ano ang matutuklasan ni Evie sa buhay ni Dreymond. Warning this is SPG 18+ is allowed to read this book .
Romance
1055.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1011121314
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status