Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband
"I want you back."
Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang.
Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana.
Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.