The Donor Named Seven
Wala ng ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda ng hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asaya o nobyo man lang.
Kaya ng minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suhestiyon ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos ay kalimutan na lang ang gabing iyon. Pero hindi sumang ayon ang tadhana kay Hillary.
Hindi siya nabuntis.
At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng guwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Seven Fuentes---ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo at bango.
At ang loko, pinilit siyang saluhin at makipag agawan sa wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sasabihin sa mga kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wlaa siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.
109.0K viewsCompleted