Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Anghel de Puta

Anghel de Puta

Si Margarita Pelaez o Greta ay namamayagpag bilang most sellable prostitute sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang pangyayari ang nagpatigil sa kaniya sa pagbebenta ng aliw. Nabuntis siya ng kustomer niya na akala niya'y may pagtingin din sa kaniya. Sinubukan niyang ipakilala ang bata sa sinapupunan niya kay Parker Sherlock na nakabuntis sa kaniya. Sa halip na tanggapin ay ginahasa at sinaktan siya ng lalaki sa araw na iyon. Limang taon niyang tinago ang anak niya sa lalaking nagwasak ng puso niya at nagdulot ng trauma sa kaniya. Subalit, ano ang mangyayari kung tadhana na ang magpapasya sa muling pagku-krus ng landas nina Greta at Parker? Sa pagkakataong ito, ipapakilala pa ba ni Greta ang bata sa ama nito o ibabaon niya ang katotohanang anak ni Parker sa kaniya na isang Anghel de Puta ang bata?
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

Sa loob ng tatlong taon, iniwan ni Karylle Granle ang lahat—karera, pangarap, at kalayaan—para maging ulirang asawa ni Harold Sanbuelgo. Ngunit nang magising ang pinsan niyang minsan nang inagaw ang puso ni Harold, bumagsak ang mundo ni Karylle. Sa harap ng isang divorce agreement, pilit siyang pinipirmahan ni Harold, tinatanggal ang lahat ng dignidad at pagmamahal na minsan niyang inialay. Ngunit sa halip na magpakaapi, pinili ni Karylle na maging malaya. Binitawan niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Harold para magsimula muli.
Romance
8.484.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Substitute Mrs. Craig

The Substitute Mrs. Craig

Paano kung ang babaeng pinakasalan mo ay matutuklasan mong isa lamang impostor? Kambal Sina Janice at Jasmine. Nang bumalik si Denver sa Pilipinas ay pinakasalan nito ang inaakala niyang kasintahan na si Janice. Ngunit matutuklasan niyang ang kakambal nitong si Jasmine ang nagpanggap na si Janice at ito ang pinakasalan niya. Ang totoong Janice ay nabuntis ng ibang lalaki. At nakipagsabwatan si Jasmine sa kakambal para matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya nito lalo na ang amang may sakit. In short, niloko at pinaglaruan siya ng kambal! Ngunit hindi iyon maaring malaman ng buong pamilya ni Denver kung hindi ay maaapektuhan ang posisyon niya sa kompanya bilang CEO. Kaya inilihim niya ang totoo sa kanyang pamilya at ibang tao. Ang nararamdamang pag-ibig para sa asawa ay nauwi sa pagkamuhi. Tiyempo namang muling bumalik sa buhay niya si Rosemarie, ang kanyang first love. Ipinagtapat niya kay Rosemarie ang lahat at unti-unti ay nagiging malapit silang muli sa isa't-isa. Ngunit habang tumatagal ay narerealize niyang mahal na mahal na niya si Jasmine. Pero paano niya mamahalin ang babaeng pera lamang niya ang habol sa kanya? Habang si Jasmine naman ay nainlab na ng todo kay Denver ngunit paano paniniwalaan ni Denver na tapat ang pag-ibig niya rito lalo pa at sirang-sira na ang pagkatao niya sa paningin nito? Idagdag pang ginugulo ang utak niya ni Damian. Ang pinsan ni Denver na handa siyang tanggapin ano man ang kasalanan at pagkatao niya. Ngunit sa huli, ang pag-ibig pa rin ni Denver ang pipiliin niya.
Romance
1087.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back

Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back

Hiniwalayan ng cold-blooded CEO na si Max ang kanyang asawa na si Khelowna matapos ang dalawang taong pagsasama na walang pagmamahalan. Naniniwala siyang si Khelowna ang nag-frame up sa kanyang tunay na mimanahal, na si Maveliene dahilan kung bakit na-coma ito sa ospital ng mahabang panahon. Nang malaman niyang buntis si Khelowna ng hindi sinasadya, kinuha niya ang anak nila matapos maipanganak at nilayo ito sa asawa niya. Gusto niyang maging ina ng anak niya ay si Maveliene. Ngunit makalipas ang anim na taon, muling nagkita sina Max at Khelowna sa isang ospital kung saan dinala ni Max ang anak niya para ipagamot. Dahil doon nagtatrabaho si Khelowna bilang doctor, napagalaman niya na ang batang dinala ng ex-husband niya sa ER ay anak pala nila. Agad siyang nangako sa sarili niya na kukunin niya ang anak niya. Ngunit bago niya iyon magawa, kailangan niya munang harapin ang ex-husband niya na hanggang ngayon ay galit pa rin sa kaniya. Ano ang mangyayari kay Khelowna sa pinaplano niya?
Romance
1086.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Cold Hearted Gangsters

The Cold Hearted Gangsters

Sa loob ng labing-pitong taon na pamumuhay lumaking ignorante, walang-muwang sa paligid, isip-bata, at kulang sa kaalamang pantao ang dalagang si Alyana. Ang kagandahang taglay at kainosentihan ng pag-iisip nito ay may nakapaloob na mga misteryo sa kaniyang pagkatao. Pero paano na lang kung sa isang iglap ay makawala siya sa bahay na pinaglulungaan niya? Makakaya niya kaya makipaghalubilo sa ibang tao? Lalo na sa mga GANGSTER na kung saan ay babago sa panibagong pamumuhay niya sa labas ng seldang pinagkulungan niya sa loob ng maraming taon.
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Possessive Bed Buddy

My Possessive Bed Buddy

COMPLETED. WARNING: Mature Contents! A hating game that leads to an unexpected relationship that ends up in each other's bed because of a deal. *** "Dolling you comes with an exchange doll." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong humalinghing dahil sa pagdikit ng daliri n'ya sa gilid ng dibdib ko. He's teasing me. "W-What do you w-want," nauutal kong tanong sa kanya. "Be my partner in bed." W-What?!" "Come on. I'll make sure that boys will kneel before you and your beauty. Pennie will surely face her defeat against you," pahayag ni Wayde. Kung noon ay wala akong pakialam sa pangbu-bully at pagpapahiya sa akin ni Pennie dahil lang sa pagiging nerd at boring ko, ngayon ay gusto ko nang tumayo at patulan s'ya. Hindi ko na papalampasin pa ang mga pinaggagawa n'ya. Stealing my ex-boyfriend will be her last game. Partner in bed? Ibigsabihin lang nun ay kay Wayde rin ang bagsak ng virginity ko. Ang baklang 'to? Nasaan na ang sinabi ko kagabi na sa lalaking papakasalan ko lang mapupunta ang v-card ko? *** Wayde Jhon Johnsons. The gay who loves calling me doll, voodoo doll. My bully. After so many years of hating him I never thought that I would ask for his help but in exchange I became his partner...in bed.
Romance
9.996.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1084.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Favorite Mistake

My Favorite Mistake

Hindi makapaniwala si Rhian Monleon na naibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala sa unang gabi ng kanilang pagkikita. Umuwi siya ng Pilipinas dahil kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Logan Montereal. Ang lalaking naka-One Night Stand niya. Nagpasya si Rhian na bumalik agad ng Spain dahil iba ang kutob niya sa kanyang nobyo. Gusto rin niyang aminin sa kanyang nobyo ang nagawang niyang pagkakamali. Sa kanyang pagbabalik ano kaya ang matutuklasan niya? Magkikita pa kayang muli sila Rhian at Logan?
Romance
1084.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
SECRETLY IN LOVE WITH YOU

SECRETLY IN LOVE WITH YOU

Simula pagkabata ay lihim ng minamahal ni Marycole si Rowan Martinez. Ngunit hindi ito makita ng binata, kahit na magpapansin siya dito ay dedma lang ang beauty niya. Hanggang sa sumapit ang debut niya at hiniling sa lalaki na maging last dance niya ngunit binigo siya nito. Mula noon ay iniwasan na niya ito dahil tanggap niya na kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan. Hanggang sa nagtungo siya ng ibang bansa upang tanggapin ang opportunity na maging isang sikat na modelo. Paano kung may pagkakataon na matupad ang matagal na niyang inaasam na pagibig? Susugal kaya si Marycole kung alam niyang simula noon ay hindi niya maaangkin ang puso nito. Paano niya paninindigan ang nakatago niyang pagmamahal sa lalaki kung araw-araw niya ito makakasama at makikita? Paano kung lingid sa kaalaman niya ay pareho silang may damdamin sa isa't -isa? Mananatili kaya nilang maitatago ang siyang sinisigaw ng kanilang puso? How does Marycole Barraca keep from Rowan Martinez that she is Secretly in love with him from a long time?
Romance
1088.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1064.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status