Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Babae Sa Barko

Ang Babae Sa Barko

Bossy, strict hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Colleen Brylle Castro, isang Chief Engineer ng isa sa malaki at sikat na luxury cruise ship na lumilibot sa buong Europe at Asia. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na inaaksaya para lamang makipagtalo o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makilala niya ang 21 years okd na bubbly, playgirl at spoiled brat na 'rich kid' at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi ay kulitin siya? At ano ang gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit 'di niya pa rin mapigilang ma-in love dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
106.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ANG NABUNTIS KONG PANGIT

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Heartthrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit at si Andy raw ang ama? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis siya ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?
1020.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat

Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat

Si Sebastian Lazarus ay tinaguriang King of Hades, mailap, at kinatatakutan ng lahat. Nagdesisyon siyang iwanan ang kanyang trabaho upang magbagong buhay kasama ng kanyang pamilya. Nag-apply siya bilang isang sales clerk sa kumpanya ng mga Villareal kung saan doon niya nakilala si Allison Villareal, ang kanyang amo na ubod ng ganda, seksi, at may mataray na pag-uugali. Akala ni Sebastian ay tuluyan na siyang matatahimik sa kanyang nakaraan pero nang dahil sa paulit-ulit na peligrong dala ni Allison, napilitan siyang gamitin ang kanyang dating pagkatao upang iligtas ito mula sa mga taong gusto siyang patayin. Hindi nagtagal ay nahulog sila sa isa't-isa ngunit dumating ang araw ay natuklasan ng bawat-isa ang mga sikretong pinakainingatan nila lalo na ang pagkatao ni Sebastian. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan pagkatapos nilang malaman ang mga sikretong bumabalot sa kanilang pagkatao? Handa ba silang tanggapin ang pagkatao ng bawat-isa o wawakasan ang namumuong pagmamahal dahil hindi sila pwede para sa isa't-isa?
9.240.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang pulubi kong Fiancé

Ang pulubi kong Fiancé

Hindi sinipot si Jheanne Estofa ng long-time-boyfriend niyang si Hugo Makatarungan sa araw mismo ng kanilang kasal. Pinagpalit siya nito sa bestfriend niyang si Jana Salvacion.  With her wedding dress, ruined makeup and bleeding heart, she left the Church to a shopping mall just to escape the pain for a while.     Until she banged this big man beggar on the sidewalk the night she decided to go home.  Ang pulubi ay matangkad, matikas ang pangangatawan at guwapo, ngunit walang kasing baho! Sa hindi malamang kadahilanan ay kinaladkad niya ang pulubi at dinala sa kanyang condo. Pinaliguan, pinakain at binigyan ng pangalan.  ‘Ubi’  is short for pulubi. And because she wanted to take revenge on his ex-boyfriend, she used the beggar as her fiancé—para ipamukha sa ex-boyfriend niyang si Hugo na kaya niya rin gawin ang ginawa nito sa kanya. But soon, Jheanne found herself in love with Ubi.  At kung kailan natutunan na niya itong mahalin ay saka naman ito biglang nawala. At nang muli silang magkita ay hindi na siya kilala ni Ubi.
1018.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Presyo ng Mga Akala

Presyo ng Mga Akala

Tinatawag ako ng kapatid kong lalaki bilang kanyang prinsesa at nagpapadala sa’kin ng perang pangbaon; nagkakamali ng intindi ang kanyang mapapangasawa at iniisip nito na lihim niya akong nobya. Susugurin ng babae ang tirahan ko, na maayos kong pinalamutian, kasama ang grupo ng mga kamag-anak at kaibigan. “Hindi ako makapaniwalang lihim na nobya ka ng iba’t ngayong napakabata mo pa! Tuturuan kita ng leksyon sa ngalan ng mga magulang mo! Ikakalat ko online ang imoral ninyong relasyon para malaman ng mga guro at kaklase mo kung gaano ka kawalang-hiya!” Kinalat nila ang tirahan ko at pinunit ang mga damit ko. Pagkatapos, sinigurado nilang nakunan ang ID ko sa eksena habang nire-record nila ang pang-aapi sa akin. Nagmamadaling pumunta ang kapatid kong lalaki, namumula sa galit ang kanyang mga mata. “Nasiraan na ba kayo ng bait? Ang lakas ng loob ninyong apihin ang kapatid ko!”
21 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
1012.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

irelle
Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.
104.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Tipo kong lalaki

Ang Tipo kong lalaki

Lady Moon
Mula sa pag papanggap ng bilang isang nobya dala ng pagmamayabang, napahamak ang dalaga, ngunit na iligtas ng hindi kilalang tao. Buwan ang lumipas muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ano kaya ang istorya sa pagitan nilang dalawa.
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
34567
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status