Mapaglarong Tadhana
Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences.
_________
Akala ko ang pagkamatay ni mama at papa ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko hindi pa pala dahil may mas lalong masakit pa na nanaisin ko na lang ding mamatay para makasama si mama at papa. Ang hirap at sakit na dinanas ko sa poder ng tiyahin ko.Ang pagmalupet niga sa akin. Ang pagtalikod sa akin ng mga kaibigan ko noong kailangan ko sila. Ang ipagtabuyan ako ng taong mahal ko at ang pagkamuhi niya sa anak namin dahil isa akong biktima ng panggahasa. Imbis na tulungan,pinili nilang ako ay talikuran at pabayaan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko may taong taos-pusong tumulong sa akin at inako ang lahat ng responsibilad na hindi niya dapat gawin sa akin.
Ngunit ang hindi ko inasahan na ang taong tumulong pala sa akin ay siya pala yong taong sumira ng buhay ko ng buong pagkatao. Ang taong tumulong sa akin siya rin pala ang taong gumahasa sa akin.
Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya sa akin, ngunit sa anong paraan? Ipagkatiwala ko ba iyon sa batas o ako mismo ang gagawa? Ngunit, paano? Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Bakit sa ganitong paraan ako pinaglaruan ng tadhana?
Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko? Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko?
104.2K viewsCompleted