The Breakup Formula (Tagalog)
June Arden
Isang normal na gabi lang sana ang lahat kay Paris Laurene, kung hindi lamang niya nasaksihan ang tumataginting na pagkabigo ni Theon, sa isang dalagang balak nitong ipakilala bilang girlfriend sa abuela nito. Last minute nang bigla nalang umayaw ang dalagang bitbit ni Theon kaya’t naiwan ito habang di malaman kung paano haharapin ang parating na Lola.
Well look at that, even the hot, rich and devilishly handsome Theonnius Naverra got dump in front of her very eyes! May pag-asa pa ang Earth!
Hindi maatim ni Paris na hayaan si Theon na humarap nang bigo sa abuela nitong dumating sa naturang tagpuan. kahit pa kating-kati na ang dila niyang budburan ito ng pang-aasar. Ngunit dahil isa siyang mabait, maganda at binibining may busilak na kalooban, nagpakilala siya bilang girlfriend ni Theon.
“Relax, Theon. Magbi-break din naman tayo.”
Nakaisip na si Paris ng plano upang malinis na matakasan nilang dalawa ni Theon ang ginawa nilang pagpapanggap na magkasintahan. Iyon ay ang gumawa ng paraan upang magbreak sila nang hindi nagdududa at nabibigla si Lola Celestina.
“We just need to follow the right breakup formula.” aniya.
“What?”
“Heated arguments plus jealousy and misunderstanding minus communication and time, idagdag pa ang mga babae mo. That will surely equal to break up.”
Okay na sana lahat. Ang problema maling equation ata ang nasusunod ni Paris. Imbes kasi na magkalabuan lang sila ay nahuhulog pa siya sa binata! Oo nga pala, hindi siya magaling sa Math!
2.2K DibacaOngoing