GABBY POINT OF VIEW Hindi pa rin ako sanay.Dalawang araw na akong gising sa katawan ni Seraphina Velasco—pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin nag-si-sink in ang lahat. Araw-araw, pagmulat ng mata ko, ang una kong iniisip ay, tangina, nasan ako? At araw-araw din, ang sagot ay nasa impyernong may aircon at chandelier ka, Gabby.Dito sa mansyon na mukhang pinaglihi sa Versailles, kahit saan ako tumingin, may marble. Parang bawat hakbang ko sa sahig, may kasamang warning na bawal madumihan, bawal sumablay, bawal ang katulad mo dito.Ako, na sanay sa kalye, sa motor, sa aspalto, ngayon ay pinapasuot ng lace robe at pinapatimpla ng green tea kada umaga. Leche.Pero mas malala pa ‘yung natutunan ko tungkol sa babaeng dati kong katawan ngayon—si Seraphina.Una kong nalamang pangalan niya ay sa maid. Pero ang mas malalim na istorya, natuklasan ko nang pasimple akong naghalungkat ng drawers habang wala silang bantay. Andaming gamot. Hindi vitamin C o collagen ha. Kundi anti-anxiety, slee
최신 업데이트 : 2025-04-18 더 보기