GABBY POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung sino ang sadistang nagsabi na ang pagiging mayaman ay puro kaartehan, kaseksihan, at walang problema sa buhay. Kung sino man 'yon, gusto ko siyang ikulong sa silk na dress na hindi makahinga, tadtarin ng high heels na parang torture device, at ibato sa gitna ng ballroom kung saan lahat ng tao ay sanay manghusga kahit walang alam. Ganyan ang naramdaman ko ngayong gabi. Gala. Charity event. Social climbing circus. Tawagin mo kung anong gusto mong itawag—para sa’kin, isa lang ‘tong patibong para sa mga tulad ni Seraphina. Sinusuot ko ngayon ang isang emerald green gown na pinilit kong isuot kahit gusto kong mag-leather jacket at boots. “Required daw ang elegance,” sabi ng stylist na halos maiyak nang ikabit ang hikaw sa'kin habang naka-straggle ako sa sofa, walang pakialam. Hindi ako marunong maglakad sa takong. Pero alam mo kung anong meron ako? Grit. At galit. Magandang combo 'yan para hindi matumba sa social event ng mga elitista. Pagdating sa event, parang eksena sa pelikula. May red carpet, may chandelier na kasing laki ng apartment ng buong barangay, at may mga babaeng parang kinain ng foundation machine. "Mrs. Velasco!" bulalas ng isang babaeng PR assistant habang sinasalubong ako. "So glad you could join us. The media has missed you!" Missed ako? Hindi ko alam kung ano ang mas malala—'yung pagkukunwari nila o 'yung pag-arte nilang totoo 'yon. Ngumiti ako. Peke, siyempre. Habang dahan-dahan akong lumalakad sa ballroom, ramdam kong parang may spotlight na nakatutok sa akin. Tila lahat ng bulungan, lahat ng mata, nakatutok sa akin. “Siya ba ‘yun? Akala ko nasa Switzerland pa siya?” bulong ng isang babae sa likod ng wine glass. “Seryoso ba ‘yan? Bakit parang... ibang Seraphina?” chika ng isa pa. Hindi ako offended. Actually, medyo proud ako. Kasi oo, ibang Seraphina nga ako. Maya-maya pa, habang binabasa ko ang menu na punong-puno ng pagkaing hindi ko ma-pronounce, may lumapit. At kung may award sa mukha ng plastic at kolorete, siya na ang panalo. “Seraphina,” sabi ni Bianca, pagkaka alam ko ang babaing ito ang unang minahal ni Damian asawa ng babing kinalalagyan ko ngayon. This gurl is tipikal na kontrabida sa mga teleserye—may hair flip, may fake concern, at may dress na halatang gusto niyang pag-usapan ng buong crowd. “You look... healthy. I thought you were still recovering from your... incident.” Tinikman ko muna ang wine bago sumagot. Isang mahabang lagok. Kasi, girl, kung kakalabanin mo ako, siguraduhin mong nakainom na ako. Mas masarap pumatol. “Salamat, Bianca,” sabay ngiti. “Na-miss din kita. Akala ko nasa rehab ka pa?” Napahinto siya. Halatang hindi niya in-expect 'yon. Umikot ang mga mata sa paligid. May mga tawa akong narinig. Mahina pero sapat para i-trigger ang ego niya. “Oh you’re still funny,” sabay tawa niya na parang tinik ang laman ng lalamunan. “But seriously, are you sure you should be here? People might get the wrong impression. Especially with the rumors.” “Rumors?” tanong ko, kunwari clueless. “Which ones? Na iniwan ako ng asawa ko, o na muntik na akong tumalon sa veranda?” Tumawa ulit ako. This time, genuine. Kasi ang sarap sa pakiramdam na hindi na ako 'yung inaalipusta. Ako na 'yung sumasapak pabalik. “Sweetie,” bulong niya habang lumalapit, “don’t forget your place.” Ngumiti ako, kinuha ko ang wine glass sa mesa, at sabay lagok ulit. “Hindi ko nga alam kung anong place ko, eh. Pero kung meron man, sigurado akong hindi ‘yon sa ilalim ng stilettos mo.” Umikot siya, pilit ang ngiti habang papalayo. Pero nakita ko ang tiklop ng ilong niya. Nasaktan siya. Mission accomplished. Habang tinatapos ko ang wine ko, may naramdaman akong tingin sa gilid. Hindi ako umikot agad, pero ramdam kong may nanonood. Matindi. Mas intense pa sa mga sniper sa dating buhay ko. Nang inikot ko ang ulo ko, ayun siya. Damian Rafael Velasco. Mister kong hindi ko pa nakikilala ng harapan. Nakasuot ng itim na tuxedo, parang model sa billboard ng relo. Mukha siyang hari sa gitna ng chessboard, pero 'yung tipong walang pake kahit magkaubusan ng piyesa. Nagtagpo ang mata namin. Tahimik. Walang ngiti. Wala ring galit. Pero may tanong. Ikaw ba talaga ‘yan, Seraphina? Ngumiti ako. Hindi sweet. Hindi mabait. ‘Yung ngiting sinasabi mong “Alam kong gulat ka—at dapat lang.” Bumalik siya sa pakikipag-usap sa board of trustees o kung sino mang mga mukhang laging nasa business class. Pero ramdam ko—hindi siya nakikinig. Ako ang nasa isip niya. At alam mo kung anong masarap? ‘Yung unang pagkakataon na pinansin ka ng lalaking pinakasalan mo—at hindi dahil nag-collapse ka o nag-drama. Kundi dahil hindi mo na siya kailangan para maging bida. Maya-maya, lumapit ang isang assistant at iniabot sa akin ang envelope. "Mrs. Velasco, this just came for you. From Mr. Velasco’s office." Tinanggap ko ito. Mabigat. Makapal ang papel. Bukas na pala ito. Sa loob, isang kontrata. Separation Agreement. Kapal ng mukha. Sa halip na makipag-hello, ito ang unang padala niya? Parang gustong sabihin, “Thanks for showing up. Here’s the door.” Pero hindi ako si Seraphina na magsusunog ng kontrata habang umiiyak. Hindi ako si Seraphina na magtatago sa kwarto habang inuulan ng balita. Ako si Gabby. Binasa ko ang unang pahina. “Mutual separation under agreed terms… irrevocable clause...” Irr-revo... tangina naman, parang gusto ko tuloy sunugin ‘to sa harap ng lahat. Pero hindi ngayon. Ngumiti ako. Tinupi ko ang papel, at inipit sa gitna ng wine menu. Mamaya ko na 'yan babasahin. Sa ngayon, may crowd pa akong kailangang pangitiin. At isang reputasyon na kailangang buuin. Kinuha ko ulit ang wine. Tumayo. Diretsong lakad. Matalim ang mata. Matalim din ang dila. Nag-ikot ako sa ballroom, parang reyna ng impyerno. Hindi na multo. Hindi na kawawa. Ako na ang bida sa pelikula ng sarili kong buhay. At sa dulo ng gabi, habang ang mga bulaklak sa gitna ng mesa ay unti-unting nalalanta, isang bagay lang ang sigurado ko— Wala nang babalik sa dati. Kahit pilitin nila. I'll make sure that Seraphina will get her best revenge, and I'll make sure she'll rest in peace.GABBY POINT OF VIEW Pag-uwi ko mula sa charity gala, hindi pa rin ako makapaniwala na nairaos ko 'yon nang hindi sinuntok si Bianca sa mukha o hinubad ang takong ko at itinapon sa chandelier. Achievement unlocked. Pero habang nakasandal ako sa leather seats ng mamahaling sasakyan, ramdam kong hindi pa tapos ang drama.Tahimik ang driver. Hindi siya nagtanong. Hindi ako nagsalita. Pero sa likod ng utak ko, may nag-aabang. Parang bagyong paparating. At hindi ako nagkamali.Pagkapasok ko sa mansion—hindi bahay, mansion—'yung tipong may apat na chandelier sa isang hallway pa lang, agad akong sinalubong ng malamig na katahimikan. Wala ni isang maid sa paligid. Walang staff na karaniwang nagtatago sa gilid para batiin si “Mrs. Velasco.” Medyo creepy, parang horror movie na posh ang budget.Tuloy-tuloy lang ako paakyat sa kwarto. Bitbit ang heels ko sa isang kamay, at 'yung kontratang gusto kong gawing panggatong sa kabila. Pero pagdating ko sa landing ng grand staircase, andun siya.Damian
GABBY POINT OF VIEW Hindi ko alam kung normal ba talaga para sa isang mayamang housewife na biglang maghanap ng private shooting range. Pero pakialam ko. Hindi rin naman ako normal.Simula nung gabing hinarap ko si Damian at binuhos ko sa kanya lahat ng sama ng loob na hindi dapat akin, hindi na ako mapakali. Para akong sinindihang mitsa—any moment, ready sumabog. Hindi sapat ang paglalakad-lakad sa garden na parang eksena sa period drama. Hindi ako ‘yon. Gusto ko ng aksyon. Gusto kong maramdaman ulit na kontrolado ko ang katawan ko. Ang buhay ko.Kaya eto ako ngayon, nakasuot ng oversized hoodie, shades, at cap, parang adik na may tinatago—pero sa totoo lang, ako lang ‘to, sinusubukang bumalik sa sarili kong mundo. Pumasok ako sa isang exclusive private shooting range sa outskirts ng Metro Manila, ‘yung tipong kailangan ng appointment at may NDA pa. Safe na safe. Discreet. Tahimik.“Good afternoon, ma’am Seraphina,” bati ng receptionist, ngiting PR.Ngumiti ako pabalik. Pero sa isip
GABBY POINT OF VIEW Umagang-umaga pa lang, ramdam ko na ang tensyon sa hangin. Hindi ‘yung typical na tensyon ng isang babaeng inaasahang ngumiti habang umiinom ng mimosa at nagbabasa ng magazine sa harap ng pool. Iba ‘to. ‘Yung tipong parang may paparating na bagyo. At ang pinanggagalingan ng kulog? Wala sa labas. Nasa loob ng mansion. Nasa loob ng cellphone ko.Tumunog ang phone ko ng sabay-sabay—email notification, social media alerts, at sunod-sunod na tawag mula sa numero ni Damian. Hindi ko pinansin. Hindi dahil wala akong pakialam. Pero dahil alam ko na kung anong laman niyon. Mas gusto kong ako mismo ang tumingin. Ako mismo ang makakita. So binuksan ko ang tablet ko, nagbukas ng isang browser, at halos mapasigaw ako sa headline ng isang sikat na online news site:**“BILLIONAIRE’S WIFE ARMED AND DANGEROUS? SERAPHINA VELASCO CAUGHT HOLDING A GUN AT A PRIVATE RANGE!”**Leaked photo. Grainy, pero malinaw pa rin kung sino ang babae sa loob ng shooting booth. Ako. Si Seraphina. Nak
GABBY POINT OF VIEW Ang ayoko talaga sa mga fancy dinner na 'to, bukod sa pangit na pagkain at overdose sa wine na lasang mamahaling suka, ay ‘yung sobrang pilit ng mga ngiti ng tao sa paligid. Halata mong lahat may tinatagong galit o chismis pero naka-coat ng sosyal na laugh at isang million-peso na gown. At ngayon, nandito ako sa gitna ng private family dinner ng Velasco clan, suot ang red silk na damit na pinili ni Clara, ang personal stylist na para bang mas kilala pa ang katawan ni Seraphina kaysa sa sarili ko. Masyado akong overdressed para sa ganitong setting, pero sabi ko nga—kung magpapakita ka sa mga kaaway mo, gawin mong mukhang award night ang datingan.Pinipilit kong huwag umikot ang mata ko habang kinikilala ko ang mga mukhang hindi ko maalala. May mga pinsan. May mga tito. May mga tita na hindi tumitigil sa tingin na para bang ine-evaluate kung original pa ba ang ilong ko o retokado na. Sa dulo ng table, naroon si Damian—nakaupo nang tuwid na parang bagong linis na scu
GABBY POINT OF VIEW Hindi ako mapakali. Ilang araw na akong nagtutulug-tulugan sa mansion na parang prinsesa sa fairy tale, pero ang totoo, para akong nakakulong sa gold-plated na selda. Sa bawat hakbang ko, sa bawat alingasngas ng mga tauhan, sa bawat malamig na tingin ni Damian, mas lalo kong nararamdaman na may malalim na baho ang mansion na ‘to—at hindi ito tungkol lang sa tsismis o social climbing. May tinatago ang pamilyang ‘to. At sa katawan kong ‘to ngayon, kasamang itinago si Seraphina. Hindi ko alam kung bakit, pero may nararamdaman akong koneksyon sa kanya. Hindi lang dahil sa katawan niya na ngayon ay akin, kundi dahil sa lungkot at takot na iniwan niya. Nananatili pa rin ‘yung bigat sa loob ng dibdib ko tuwing dumadaan ako sa kwarto niya—este, namin. Pakiramdam ko, kahit anong lakas ko bilang si Gabby Cruz dati, may bahagi akong naaapektuhan ng kung anong iniwan ng dating Seraphina Elizalde. Kaya’t isang gabi, habang tahimik ang buong mansyon at ang mga alila ay natut
GABBY POINT OF VIEW Araw ng press conference ng Velasco Global Holdings. Pormal ang lahat, mula sa mga pulitiko’t investors na nakaupo sa harapan, hanggang sa mga mamamahayag na sabik sa tsismis sa likod ng ‘di umano’y pregnancy scandal na sumabog ilang araw pa lang ang nakakalipas. At sa likod ng lahat ng ito? Syempre, si Bianca. Ang self-declared fiancée, soulmate, at forever ni Damian Velasco—kahit pa may asawa na ito.Ako, nakaupo sa dulo ng mesa ng boardroom, naka-itim na pantsuit, may manipis na pearl necklace at pulang lipstick. Hindi na ako ‘yung Seraphinang kinakaladkad lang. Hindi na ako ‘yung tahimik na trophy wife na hinahampas ng intrigang sosyal. Ako si Gabriella Cruz sa katawan ni Seraphina Velasco, at ngayong araw, may papasabugin ako.Ang buong linggo bago ‘to, napuno ng pa-suspicious na kilos si Bianca. Biglang post ng ultrasound sa Instagram story niya, may pa-caption na “God’s greatest gift” at syempre, yung mga cryptic quotes ng “Some men just know how to plant s
GABBY POINT OF VIEW Parang biglang bumagal ang lahat. Isang iglap lang—mula sa pagtungga ko ng mamahaling alak sa isang hindi ko naman gustong party, hanggang sa pag-init ng leeg ko, pag-ikot ng paningin ko, at pagsigaw ng katawan kong may mali. Tangina. May lason ‘yung iniinom ko.Alam mo ‘yung sinasabi nilang may instinct ka na mararamdaman mong hindi ka ligtas? Ganun ‘yung nangyari. Nung una akala ko wine lang ‘yung sumipa, pero nung nagsimulang magdilim ang paningin ko at nanghina ‘yung tuhod ko, doon ko na-realize—target ako. At hindi ito simpleng pa-chika lang na tsismis. Literal na gusto akong patayin.Wala akong maalala masyado sa gitna ng kaguluhan, kundi ‘yung init sa dibdib ko, ‘yung hagod ng lalamunan ko na parang niluluto sa sarili kong katawan, at ‘yung boses ni Damian—oo, ‘yung tinig n’ya na lagi kong iniiwasan, biglang naging malinaw na malinaw.“Seraphina!”Putangina. Ba’t parang siya pa ‘yung nauna kong naisip?At ngayon, habang nakahiga ako sa puting kama ng ospit
GABBY POINT OF VIEW Tangina, I hate meetings. Lalo na kung puro matanda ang kaharap ko na mukhang hindi nasanay na may babaeng hindi nila kayang tapakan. Nasa boardroom ako ng Velasco Industries ngayon. The kind of place na tipong pag pumasok ka nang hindi naka-Brioni o Armani, automatic—you're dismissed. I wore black. Power black. With killer red heels. Yung tipong isang tapak lang, lulubog sa linoleum ang ego ng sinumang siraulong babangga sa’kin. Damian wasn’t here yet. Fine. Mas okay. I didn’t need him to fight this battle for me. I sat at the head of the long, cold table. Sila? Puro men in their sixties, seventies, may ilang babae pero halatang token lang. Parang trophies na ginagamit para masabing “inclusive.” “Mrs. Velasco,” simula ni Mr. Aguirre, one of the oldest and boldest. “We appreciate your presence, but this is a corporate meeting, not a fashion show.” I smiled. One of those slow, Gabby-style ngiti na alam mong may kasunod na sunog. “Exactly,” sagot ko.
GABBY POINT OF VIEW Hindi ako nagising para lang magmukhang trophy wife ng isang lalaking walang balls to protect what’s his.I was born to raise hell. At ngayon, gamit ang mukhang ‘to, pangalan ni Seraphina, at utak kong sanay sa kalsada’t survival, sisiguraduhin kong maririnig nila ako.Napatingin ako sa salamin habang inaayos ang emerald green suit na kinuha ko pa sa lumang collection ni Seraphina. Matagal nang naka-box ‘yon, parang takot siyang magsuot ng kahit anong commanding. Palaging pa-sweet. Palaging pa-angel.Well, not anymore.Tinapik ko ang kuwelyo ko, sinigurong perfect ang makeup—subtle but sharp. Eyes lined like a dagger, lips painted in dark wine, hair tied back like I was going into battle. Because I was.This wasn’t just a board meeting.This was my debut as war general.“Miss Seraphina,” sabi ng assistant nang dumating ako sa lobby ng Velasco Enterprises. “They didn’t expect you today…”“Exactly,” I smiled. “That’s why I’m here.”She blinked.I walked past her lik
GABBY POINT OF VIEW Araw ng Linggo. Mainit. Mainit ang panahon, mainit din ang ulo ko. Hindi dahil sa araw. Hindi dahil sa kape kong kulang sa gising. Kundi dahil may sumulpot na babae sa social media na nagngangalang Francheska De Alban, self-proclaimed “the woman Damian truly loves.” Tapos may caption pa: “Sometimes, even marriage can't erase true love. Soon, he’ll come home to me.” Kasama pa ang picture nila ni Damian—grainy, mukhang luma, pero halata ang closeness. Tawa muna ako. Gigil. Pero tawa. Akala siguro ng malanding Francheska na ako ‘yung tipikal na asawa na magra-rant online, magpo-post ng cryptic quotes, tapos magde-delete after five minutes. Nah, girl. I’m not Seraphina. I’m Gabby. And I don’t cry. I plot. That same afternoon, nagpa-book agad ako ng table sa pinakasosyal na hotel restaurant sa BGC. Tapos, nagpaabot ng personal invitation kay Francheska. Through a courier. With gold foil and velvet envelope. Seraphina’s signature paper. Classy. Deadly. At
GABBY POINT OF VIEW Tahimik ang hapon. Nakakainis yung ganitong klaseng katahimikan—parang sinisigaw ng paligid na may tinatago, pero ayaw sabihin kung ano.Dahil hindi ako mapakali, naglakad-lakad ako sa gilid ng mansion. Hinayaan ko na lang ang paa ko magdesisyon kung saan ako pupunta. It was rare to have any time alone, lalo na ngayon na parang lahat ng camera, mata, at dila ng mga tsismosa ay nasa akin. Pero ngayon, walang staff, walang reporters, walang Damian.Langit.May maliit na pathway sa likod ng greenhouse na parang nakalimutan na ng panahon. Puno ng damo, puno ng alikabok, pero may something sa aura na hindi ko maipaliwanag. Parang hinihila ako ng kung anong invisible thread.“Oy Seraphina, anong tinatago mo sa likod ng mansion mo, ha?” bulong ko sa sarili ko.I kept walking, brushing aside overgrown vines. Then I saw it.Isang lumang bakal na gate, half open, with rust eating away at its beauty. Pero sa loob—naku po—ang ganda. Parang secret garden ng mga bata sa fairy t
GABBY POINT OF VIEW Simula nung narealize ko na hindi pala asawa ang papel ko sa bahay na ’to kundi isang glorified antique vase—maganda lang, pero walang silbi sa mata ng pamilya ni Damian—alam kong may kailangan akong baguhin.At ang una kong binago?Ang itsura ko.Wala na ang mahinhin, pa-demure na Seraphina na parang laging nasa state ng pagkakabigla. She’s gone. Naka-burial gown na siya sa loob ng isip ko, tinabunan ng barumbado kong kaluluwa.That Monday, I walked into Velasco Holdings like I owned the place.Which, technically, I do.Ngumiti pa ako sa receptionist habang naka six-inch stilettos, may shoulder-padded emerald green suit na akala mo pang Vogue, at pusod na matulis pa sa moral compass ni Damian.Napatingin pa nga ’yung ilang empleyado sa akin na parang hindi makapaniwala. Hindi ko sila masisi. Ang dating Seraphina, parating naka-cardigan. Beige. Pastel. Pakawalan ng Florence by Mills.Ngayon?Power bitch realness.“Ma’am… you look… different,” sabi ng HR officer na
GABBY POINT OF VIEW Akala ko nung una, ang kasal ang pinakamatibay na kulungan. Turns out, may mas masahol pa—isang prenup na sinulat para gawing manika ang babae. Isa lang ang dapat mong tandaan sa mundo ng mayayaman: hindi nila ilalagay sa kadena ang katawan mo, kundi ang papel mo, ang lagda mo. And that’s exactly what they did to Seraphina.Nakahiga ako sa kama, hawak ‘yung dokumentong nahukay ko sa isang hidden folder sa mismong study ni Damian. Nakalock ‘yun sa drawer na akala niya hindi ko mapapasok. Ang hindi niya alam, marunong akong mandaya sa sarili kong bahay dati pa. Kung nakakaloko ako sa inuman para hindi ako bayaran, mas lalong kaya kong mang-hack ng filing cabinet gamit lang ang hairpin at kabastusan sa puso.Binasa ko ang bawat linya ng prenup—"the wife agrees to surrender full financial authority,” “no interference in board decisions,” “emergency clauses triggered by erratic behavior,” and the worst—“mental health re-evaluation subject to husband's discretion.” T*ng