Chapter 1Hindi ko inakala na darating ako sa puntong ito. Nakatayo sa isang sulok ng parking lot, pinagpapawisan kahit malamig ang hangin, habang pinapanood ang lalaking kaharap ko na may hindi maipintang ngisi sa labi.“Three weeks, Callisto. Bayaran mo. O baka gusto mong sa ibang paraan tayo mag-usap?” singhal ng lalaking pinagkaka-utangan ng tatay ko.Naninikip ang dibdib ko, pero hindi ako umatras. Kahit pa nanginginig ang mga daliri ko, pilit kong hinigpitan ang pagkakahawak ng strap ng bag ko. Parang ‘yun lang ang bumubuo sa katauhan ko ngayon.“Wala akong ganyang kalaking pera. Bigyan mo naman ako ng mas mahabang palugit,” sagot ko, pilit pinapanatili ang lamig ng boses ko. Ngumisi siya, halatang natutuwa sa posisyon ko. “Hindi ako nagpapautang ng libre, iha. Ang tatay mo—”“Don’t,” Mariin ang boses ko, mas mariin pa sa sakit na dulot ng narinig ko. “Wala na siya.”“Aba, alam ko! At ikaw ang naiwan sa utang niya,” sagot niya, hindi nagpatinag sa galit ng boses ko.Tatlong lin
Terakhir Diperbarui : 2025-03-21 Baca selengkapnya