Tahimik lang ako habang ininom 'yung juice na ginawa ng boys kanina. Katatapos lang namin mananghalian. Medyo pawis pa rin 'yung palad ko sa dami ng tawa at sigawan kanina sa laro. Nasa living room pa rin sila Ren, Ryu, Yuta, Tetsu, Seiji, at Sato—nag-uusap, nagtatawanan, parang wala na ulit problema sa mundo.Pero dito sa dining table, iba ang atmosphere.Nasa tapat ko si Miori. Maayos siyang nakaupo, hawak ang tasa ng tsaa. Tahimik din siya. Matagal na katahimikan bago siya nagsalita."The boys said you were a good partner," she said softly, almost smiling. "Parang... matagal ka nang kasama ng mga 'yan."Hindi ko agad alam ang isasagot. Kasi totoo naman, lately, parang naging parte na ako ng gulo nila... pero hindi ko alam kung parte ba talaga ako ng mundo nila."Masaya sila kasama," sagot ko, pilit ang ngiti. "Kahit puro ingay at asaran."Napatingin ako sa living room. Tawa pa rin ng tawa si Seiji, parang may bagong kalokohan na naman. Si Ren, nakasandal sa couch, relaxed. Si Ryu..
Last Updated : 2025-04-11 Read more