Chapter 21 Napakagat ako sa labi habang pinipilit huwag magpahiwatig ng kaba. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko kahit nakaipit lang sa hita ko. Ang mata ni Ninong Axel—tahimik, malalim, at para bang tinatagos ang kaluluwa ko—ay hindi umaalis sa akin. “Wala naman po,” sagot ko, pilit na may ngiti. “Talagang nagkataon lang, kaya kami napadaan.” Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung naniniwala siya o alam niyang nagsisinungaling ako. Tumikhim siya, saka sumandal sa sofa, pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “Matagal na tayong hindi nagkikita, Akira. Pero ngayong nandito ka… hindi ko maiwasang mapansin na parang may gustong sabihin ang mga mata mo.” Napalingon ako sa gilid, pilit na iwas sa tingin niya. “Siguro po pagod lang talaga ako.” Tumango siya. “Baka nga.” Tahimik ulit. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding at mahinang ugong ng aircon ang naririnig. Kung may sumigaw man ng ‘umamin ka na,’ baka hindi ko na rin kinaya. “Pero kung sakaling may gusto kang sabihin…” patuloy
最終更新日 : 2025-04-16 続きを読む