All Chapters of Consultant Turned Contracted Wife: Chapter 11 - Chapter 12

12 Chapters

Chapter Eleven

Ngunit sa halip na magpatalo, matalim niyang tinitigan si Heather, ang malamig niyang tingin ay tila isang babala. “Labas,” madiin niyang sabi. Nagulat si Heather. Akala niya ay iiyak at mawawasak si Selena, isang eksenang nais niyang makita. Pero taliwas ito sa kanyang inaasahan. “Layas!” madiin niyang ulit, mas matigas at puno ng galit ang boses. Napakurap si Heather, pero mabilis nitong binawi ang pagkabigla. Hindi na siya nagsalita pa at agad na tumalikod. Lumabas siya ng bridal suite na may lihim na ngiti sa kanyang labi, tila nasisiyahan sa epekto ng kanyang ginawa. Samantala, naiwan si Selena, mag-isa sa loob ng silid. Isang mahinang hikbi ang pumuno sa katahimikan. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha. Tuluyan siyang bumigay. Sa loob ng ilang minuto, tahimik lang siyang nakaupo, hawak pa rin ang papel na gumulo sa kanyang mundo. Hindi niya napansin na bahagyang bumukas ang pinto at may pumasok. Natauhan lamang siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig.
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Chapter Twelve

Mahigit isang oras nang naghihintay si Axel sa banquet hall, kasama ang piling bisita at ang buong Strathmore family. Maingat niyang pinili ang mga imbitado, siniguradong walang media outlet ang makakapasok upang ibalita ang kasal nila ni Selena. Inisip niyang baka ayaw lang nito ng labis na atensyon. Pero habang lumilipas ang minuto, unti-unting lumalakas ang pakiramdam niyang may mali. Tumingin siya sa kanyang relo. Halos kasabay nito, lumapit sa kanya ang assistant niyang si Russell bakas sa mukha ang kaba nang lumapit ito. “Mr. Strathmore…” mahina ang boses nito, ngunit ramdam ang bigat ng sasabihin. “Wala si Ms. Payne sa bridal suite niya.” Napakunoot ng noo si Axel. “Ano?” “Hinanap ko siya kahit saan pero wala. Kahit si Silas, wala rin sa katabing silid. Hinanap na namin silang dalawa sa buong hotel pero hindi namin sila nakita,” paliwanag nito, halos habol ang hininga at tumutulo ang pawis sa noo nito matapos magmadaling hanapin ang bride na biglang naglaho. Nagdil
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status