“Ay! Pasensiya na…” akward siyang natawa at mabilis na ibinaling ang tingin sa kanyang plato. Inilatag ng waiter ang pagkain sa kanyang harapan kaya nagsimula na siyang kumain. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya makalimutan ang presensya ng lalaki. May kakaibang awra ito. Ang tindig, ang itsura at ang kumpiyansa sa sarili. Sa isip niya, tila isang preview ang lalaki ng magiging itsura ni Axel kapag nagkaedad. Napabulong siya nang hindi namamalayan. “Siguradong magiging ganyan kaguwapo si Axel kapag nasa kuwárenta na siya… Mas lalong titindi ang appeal niya…” Hindi niya inaasahan na narinig pala siya ng lalaki. “Salamat sa compliment, pero mas guwapo ako sa anak ko noong kabataan ko,” sagot ng lalaki, may halong pagmamayabang sa tinig habang patuloy sa pagkain ng steak. Nanigas ang kamay niya sa pagkakahawak sa kubyertos. Dahan-dahan siyang napatingin sa may-edad na lalaki. “A-anak?” Kalmado lamang na kumakain si Axel na narinig din ang sinabi niya at ng kanyang ama
Doon biglang nagsalita ang lola ni Axel, si G*****a Strathmore. Kahit may edad na, hindi nawawala ang kanyang pagiging sopistikada at elegante. Sa kanyang presensya pa lang, agad nang nagkaroon ng katahimikan. “Tama na ‘yan, Abigail,” mahinahon ngunit puno ng awtoridad ang tinig nito. “Pero Mom…” nais sanang magdahilan ni Abigail, ngunit agad siyang pinutol ni G*****a. “Tama ang asawa mo,” mahinahong tugon nito habang marahang ibinaba ang tasa ng tsaa. “Nasa tamang edad na si Axel para magdesisyon para sa sarili niya. Dapat nating igalang ang kanyang pinili.” Saka iniangat ni G*****a ang tingin kay Selena, tinitigan siya ng ilang sandali bago muling nagsalita. “At isa pa, marunong kumilatis ang apo kong si Axel. Hindi ako nagkakamali roon.” Sa tono nito, hindi lang iyon isang pahayag, isa iyong kumpirmasyon ng pagtanggap. Kumpiyansa at puno ng tiwala ang tinig ni G*****a, kagaya ng tiwalang ibinigay niya kay Axel noong ipinasa niya rito ang buong Strathmore Group. Natahimik ang
Pinilit niyang makawala ang isang kamay at pilit na inaabot ang kanyang high heels. Nang mahawakan niya ito, hindi siya nagdalawang-isip. Sa isang mabilis na galaw, hinampas niya mismo ang matulis na takong sa gilid ng ulo ng lalaki. “Agh!” napaatras ito, hawak ang duguang sentido. Ngunit sa halip na umatras, lalo pang lumalim ang galit sa mga mata nito. Namula ang kanyang mga mata, nanlilisik, at mas delikado kaysa kanina. Sinubukan siya nitong sakalin pero mabilis niya itong pinalo muli ng high heels niya at mabilis na tumayo mula sa sahig. Nang maabot niya ang pinto ay mabilis niyang pinihit ang seradura nito. Duguan ang kanyang mga daliri sa sobrang lakas ng pagpihit, ngunit kahit makailang ulit niyang pihitin, hindi ito nagbukas. Nakasarado ang pinto mula sa labas Nang lumingon siya patalikod ay saktong nakaamba ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg. Mabilis itong sumugod muli at sinubukang sakalin siya ulit. Napaatras siya, ngunit hindi sapat ang kanyang bilis, sa isang igla
Nang makauwi sila sa Crystal Lake Mansion, sinalubong sila ni Lucas. Halatang nagulat ang may-edad na butler nang makita sila nito.“Mr. Strathmore…?” may bahagyang pag-aalalang tanong nito, ngunit nanatili lamang na tahimik si Axel. Hindi niya iyon pinansin at mabilis na umakyat sa kanilang silid. Nakasunod agad sa kanya si Lucas.Pagdating sa kwarto, maingat niyang ibinaba si Selena sa kama. Nanatili pa rin itong walang malay, mahina ang paghinga.“Lucas,” malamig ngunit may bahid ng pag-aalala ang kanyang tinig. “Abangan mo ang pagdating ni Russell kasama ang doktor na ipinatawag ko.”Hindi na nagtanong ang may-edad na butler at agad na sumunod sa utos. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik ito kasama si Russell at si Dr. Valeza.Pagpasok ng doktor, bumati ito kay Axel. “Magandang gabi, Mr. Strathmore. Congratulations nga pala sa kasal ninyo ni Mrs. Strathmore.”Hindi iyon pinansin ni Axel. Ang tanging sinabi niya ay, “tingnan mo si Selena. Gusto ko malaman kung maayos siya, pati
Naririnig niya ang malakas na boses ng isang babae mula sa sala. Napahinto si Selena at agad na tumayo. May masamang kutob siya. Pagdating niya sa pintuan ng dining hall, sumilip siya. At doon niya nakita si Heather, galit na galit, sinisigawan ang mga kasambahay. Walang nagsasalita, pero bakas sa mukha ng lahat ang init at pagkainis sa presensya ni Heather. Hindi nag-aksaya ng oras si Selena. Mabilis niyang inayos ang ekspresyon, itinago ang nararamdamang inis, at kalmadong lumapit. “Ms. Faulkner, ganyan ba ang tamang asal ng isang babaeng nagmula sa respetadong pamilya?” malumanay ngunit may diin niyang tanong, ang bawat hakbang ay may kumpiyansa. Napatingin si Heather sa kanta at agad na ngumisi, isang ngising puno ng pang-uuyam.. “Kung makapagsalita ka, akala mo naman kabilang ka na sa estadong ginagalawan namin, Ms. Payne.” Bahagyang tumawa si Selena, hindi natitinag sa panunuya nito. “Hindi mo kailangang maging sobrang defensive, Ms. Faulkner. Baka isipin ng iba ay ma
Bahagyang nagulat si Selena. “Saang eskwelahan siya pumapasok?” “Sa Regen Academy. Ang paaralang iyon ay pagmamay-ari ng Strathmore Group. Isa ito sa pinakamahusay na akademya sa bansa. Mataas ang kalidad ng edukasyon at higit sa lahat, mahigpit ang seguridad. Karamihan sa mga estudyante roon ay nagmula sa mga kilalang pamilya.” Saglit siyang natigilan. Kahit ang paaralan pala ay nasa ilalim pa rin ng pangalan ng mga Strathmore. Hindi na siya dapat nagulat, ngunit hindi niya maiwasang mamangha sa lawak ng impluwensya ng pamilya ni Axel. Muling bumalik ang tingin niya kay Lucas matapos niyang maupo sa malambot na sofa. “Maaari ba akong sumama mamaya kapag susunduin si Silas pagkatapos ng klase?” tanong niya. Tumango ang butler. “Siyempre, Mrs. Strathmore.” Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. Sa unang pagkakataon sa araw na iyon, nakaramdam siya ng gaan sa dibdib. Marahil ay dahil magkakaroon siya ng pagkakataong makita si Silas sa kanyang sariling kapaligira
Sa The Lion’s Den Club, pumasok sa isang pribadong silid si Axel kasunod si Russell.Sa loob, isang lalaking kasing-edad at kasing-yaman ni Axel ang nakaupo, yakap ang dalawang escort ng club.Nakangiti ito, halatang nag-e-enjoy sa kanyang gabi. Nang makita siya, tila ba nagliwanag pa lalo ang mga mata nito sa halong kasiyahan at pang-uuyam.Naupo si Axel sa kabilang upuan habang si Russell ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan .“Mr. Huxley,” unang nagsalita si Axel, tulad ng dati, walang emosyon sa mukha. “Maligayang pagdating sa Celestaire, Mr. Strathmore,” may kakaibang tono at kislap sa mata ni Zane Huxley, halatang may iniisip ito.“Salamat,” sagot ni Axel, diretso at walang paliguy-ligoy.“Sinabi na sa ‘kin ng assistant ko kung bakit ka narito. Pero alam mo, hindi ko inaasahan na ikaw mismo ang pupunta rito,” tila hindi makapaniwala si Zane, ngunit may bahid ng panunuya sa tinig nito.Tinitigan siya ni Axel, walang bakas ng amusement. “Busy ka raw sabi ng assistant mo kaya
“Sino ka naman?” malambing ang kanyang tono nang tanungin niya ang batang babae.Si Silas ang nagsalita at humarap sa batang babae. “Siya si Flora.”Mabilis na ngumiti si Selena at tumingin kay Flora. “Hi, Flora. Ako si Selena, ate ako ni Silas. Nice to meet you,” malambing niyang sambit habang inilahad ang kamay.Tiningnan siya ni Flora ng may pagka-curious, at may kaunting kaba sa mga mata nito. Nag-atubili sandali bago dahan-dahang inabot ang kamay ni Selena upang makipagkamay.Ang mga daliri ng batang babae ay tila nanginginig nang kaunti, kaya't napansin ni Selena ang pagkamahiyain nito.Ngunit sa kabila ng kaunting pag-aalangan, nagpakita si Flora ng isang maliit na ngiti bilang pagsalubong."Nga pala, sino ang magsusundo sa 'yo pauwi, Flora?" tanong ni Selena nang mapansing wala pang lumalapit para kunin ang bata."Yung kuya ko… Sabi niya, hintayin ko siya at susunduin niya ako," sagot ni Flora, mahina ang boses.“Ganoon ba. O sige, sasamahan ka namin ni Silas na antayin ang ku
“T-Tutal natanong mo na rin naman…” mahinang bungad ni Heather, pilit kinokontrol ang emosyon. “Galit na galit si Dad. Tinawagan mo raw siya. Pinutol mo hindi lang ang procurement contract ng Faulkner Metalworks at Strathmore Group, pati ang ugnayan ng dalawang pamilya. Axel, bakit mo ginawa ’yon?”Huminga siya nang malalim. “Wala na ba talaga ang pinagsamahan natin noon? Lahat ba ’yon, wala na lang halaga?”Binitawan ni Axel ang hawak na folder at tiningnan siya. “Alam kong alam mo ang dahilan.”Sa ilalim ng matalim na tingin ni Axel, nakaramdam ng matinding takot ang buong pagkatao niya.Mukhang nabisto na siya ni Axel. Alam na nito na siya ang may pakana ng tangkang panghahalay kay Selena sa banyo, sa mismong araw ng kasal ng dalawa. Ginawa niya ang lahat para itago ang kanyang pagkakasangkot, pero mukhang hindi pa rin siya nakaligtas sa pagsisiyasat ni Axel.Lihim siyang napakuyom, bumabaon ang mga kuko sa kanyang palad. Pilit pa rin niyang isinusuot ang maskara ng kawalan ng muwa
Umiling si Ophelia. “Salamat, pero paparating na si Felix. Nag-text ako sa kanya habang nasa elevator tayo kanina.”“O sige. Magkita na lang tayo ulit kapag may oras ka,” sagot ni Selena bago nagpaalam.Nagyakap silang muli nang mahigpit bago siya naglakad palayo, kasunod si Barry. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Umandar na ang sasakyan, palabas ng underground parking lot ng hotel.Habang nakamasid sa bintana, bigla siyang may naisip.“Barry, ikaw ba ang tumawag ng forensic expert kanina?”Tiningnan siya ng lalaki sa rearview mirror. “Oo, Mrs. Strathmore. Mukhang hindi titigil ang kabilang panig hangga’t hindi nareresolba ang gulo, kaya tinawag ko si Mr. Clementine,” paliwanag nito.Bahagyang ngumiti si Selena at tumango. “Salamat, Barry.”Pagkatapos magsalita, bigla siyang humikab. Nakaramdam siya ng antok, kaya sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.Nang mapansin ni Barry na nakatulog na si Selena, mas naging maingat siya sa pagmamaneho. Tahimik ang buong biyahe hanggang sa mak
“Na sa akin,” mabilis na sagot ni Chloe.Inabot niya ang kwintas kay Justine. Maingat siyang inalalayan ni Justine, sabay abot ng isang sterile evidence tray.“Pakilagay rito,” pormal ngunit magalang ang tono nito.Marahang ibinaba ni Chloe ang kwintas, saka bahagyang umatras. Agad nagsuot si Justine ng latex gloves at binuksan ang fingerprint kit mula sa kanyang maleta.“Gagamit tayo ng cyanoacrylate fuming para lumabas ang latent prints,” aniya habang nilalagay ang kwintas sa isang maliit na portable chamber. “Mas madali itong mag-develop sa metallic surfaces tulad nito.”Tahimik ang paligid habang unti-unting lumilitaw ang mapuputlang bakas ng mga daliri sa ilalim ng controlled fumes. Pagkatapos ng ilang minuto, tinanggal ni Justine ang kwintas at nilipat ito sa ilalim ng fingerprint scanner.“Tingnan natin kung ilan ang prints,” bulong niya, nagta-type sa maliit na laptop na konektado sa scanner. Ilang saglit pa, lumabas ang resulta sa screen.“Dalawang distinct fingerprints ang n
Agad na nilapitan ni Chloe ang general manager at halos isumbong si Selena na parang batang nahuling nagsisinungaling.“Sir, nakuha mula sa bag ng babaeng ‘yan ang kwintas ko!” dinuru-duro pa siya nito na parang kriminal. “At kasabwat niya ‘yang kasama niya!” sabay turo kay Ophelia.Sabay na nanlumo sina Selena at Ophelia. Hindi nila inakalang aabot sa ganitong punto ang isang simpleng gabi na dapat sana’y tahimik lang. Ang mga mata sa paligid ay tila mga kutsilyong nakabaon sa kanilang balat.Sinubukan ni Selena na makipag-usap ng mahinahon, kahit pa nanginginig na sa kaba ang kanyang dibdib.“Sir, kung puwede sana, pakinggan niyo muna ang panig namin. Hindi ko talaga alam kung paano napunta sa bag ko ang kwintas niya.”“Oo nga, Sir,” sabat ni Ophelia. “Isa sa mga sikat na 4-star hotel itong hotel n’yo. Siguro naman, may CCTV kayo. Mapapatunayang inosente ang kaibigan ko kung titignan natin ang footage ng aktwal na nangyari.”Habang nagsasalita si Ophelia, lihim na napangisi si Nessa
“Selena, hindi mo ba—”Hindi na natapos ni Ophelia ang sasabihin nang itaas ni Selena ang hintuturo at itinapat sa labi nito.“Shh,” mahinang sabi niya, pero may diin.Hindi na nagsalita si Ophelia, pero halata ang kaba sa mukha niya habang nakatingin sa kaibigan.Bumaba ang tingin ni Selena sa itim na pouch na nahulog mula sa kanyang bag. Nanlalamig ang palad niya habang pinagmamasdan ito. Malakas ang kutob niyang alam na niya kung ano ang laman niyon.“Ano ‘yang itim na pouch na ‘yan na nahulog mula sa bag mo, Selena?” tanong ni Yve, punong-puno ng hinala sa boses.“Hindi ko alam,” sagot niya, diretso pero mariin.“Hindi mo alam? Eh nakita naming lahat, galing mismo sa bag mo! Akala mo ba bulag kami?!” singhal ni Yve, galit na galit.Hindi na sumagot si Selena. Tahimik lang siyang nakatayo, pinapanatili ang composure kahit pa binubulungan na siya ng inis at tensyon.Lihim na napangisi si Nessa. Sa wakas, gumagana na ang plano.Nagkunwaring nag-aalala, bahagyang namumugto ang mata at
Napatingin ang lahat. Nagkagulo ang paligid, at ang mga taong malapit sa kanila ay lumingon sa pinagmulan ng sigawan.“Baka nahulog lang,” mahinahong sabi ni Selena, bagamat ramdam niya na may mas masamang balak ang mga ito.“Hindi!” singit ni Chloe. “Siguradong nasa bag ko ‘yon bago ako mabangga. Baka… baka may kumuha!”Napakunot ang noo ni Ophelia. “Ano na naman ‘to, Chloe? Huwag mong sabihing—”“Baka kinuha ni Selena!” sabat ni Yve, mariing tinuro si Selena. “Bago kayo dumating, nakita kong sinulyapan niya ang bag ni Chloe!”Umingay lalo ang paligid. May mga pabulong na tawanan, may mga pakunwaring inosenteng nakikinig pero halatang sabik sa eskandalo. Ang ilan, tahimik na kinukunan ng video ang tensyon.Naningkit ang mata ni Selena, tinapunan ng tingin ang tatlo. “Bilib din naman ako sa inyo, pati petty theft ginagamit niyo para siraan ako?”Lumapit si Nessa, kunwari mahinahon, pero halatang may laman ang bawat salita. “Selena,” aniya, may pilit na ngiti sa labi, “Kung talagang gi
Natigilan si Nessa sa mga salitang binitawan ni Selena. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya, at sa isang iglap, nanlamig ang buo niyang katawan. Kita sa kanyang mga mata ang takot at pagkabigla.Agad pumasok sa isip niya ang posibleng kahihinatnan kung sakaling kumalat ang larawan nila ni Klyde. Isang larawan lang ang kailangan para mabura ang pinapangarap niyang reputasyon sa mundo ng mayayaman at sikat.Paano pa siya makakapasok sa mundo ng mga milyonaryo kung may bahid na siya ng eskandalo? Ang mga taong socialites na gusto niyang makasama sa mga high-end events ay baka pagtawanan lang siya at ituring na desperada.Hindi siya makakapayag kung may kahit katiting na bahid ng iskandalo tungkol sa kanya. Kaya kahit nanginginig sa inis, pinili niyang manahimik. Alam niyang hindi ngayon ang tamang oras para bumawi. Pero darating din ang araw, sigurado siya na mas daig pa niya si Selena sa lahat ng aspeto.Sa ‘di kalayuan, tumayo si Ophelia mula sa kinauupuan, tumaas ang
Agad niyang ikinalma ang sarili at pinilit kumbinsihin ang sariling wala siyang dahilan para maapektuhan sa presensya ng dalawa. Hindi niya kailangang bigyang pansin ang mga taong walang halaga sa buhay niya ngayon.Ngunit hindi niya inaasahan ang paglapit ng dalawa. Halatang-halata ang intensyon nilang guluhin ang tahimik niyang sandali, tila ba sinasadya talaga nilang subukan ang pasensya niya.Nagkunwari si Nessa na malapit sila sa isa’t isa, gaya ng nakagawian nito noon kapag may gustong palabasin. “Selena, nagkita rin tayo ulit,” ani nito sabay ng isang pilit at peke ang ngiti.Tahimik lang na uminom si Selena ng kanyang fruit juice, hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalawa. Ginusto niyang tapusin ang eksena bago pa ito lumala. Ngunit gaya ng dati, hindi iyon papayag nang walang drama.“Babe, mukhang hindi pa rin tanggap ni Selena ang relasyon natin. Hindi pa rin ata siya maka-move on,” dagdag ni Nessa, kunwaring may lungkot sa tono ngunit may halatang pang-aasar sa mga mata
“Sinong tinatawag mong basura?!” bahagyang tumaas ang boses ni Yve sa patutsada ni Ophelia.“Subukan mong tumingin sa salamin. Baka doon mo makita,” ganting tugon ni Ophelia, kasabay ng pag-ikot ng mata.Namula sa galit si Yve. Akma na sana itong susugurin si Ophelia pero agad siyang pinigilan ni Nessa, na tumayo sa pagitan nila.“Hindi natin kailangan ibaba ang sarili natin sa level ng dalawang ‘yan,” mariing sabi ni Nessa.Napataas ang kilay ni Selena. “Tama ka. Hindi naman talaga kailangan, kasi malaki ang pinagkaiba ng tao sa basura.”Pagkasabi niya niyon ay lumingon silang dalawa ni Ophelia at tumalikod nang walang baling, iniwan ang tatlo sa init ng emosyon.Nagngitngit si Nessa sa sinabi ni Selena. Gusto niya itong lapitan at sampalin sa harap ng lahat. Pero sa halip, pinilit niyang kumalma. Mas gusto niyang sirain si Selena sa mata ng iba, at alam niyang darating din ang tamang oras.Naglakad sina Selena at Ophelia papunta sa isang bakanteng bilugang mesa at naupo. Kumuha si S