Share

Chapter Sixteen

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-03-27 12:16:22
Pinilit niyang makawala ang isang kamay at pilit na inaabot ang kanyang high heels. Nang mahawakan niya ito, hindi siya nagdalawang-isip. Sa isang mabilis na galaw, hinampas niya mismo ang matulis na takong sa gilid ng ulo ng lalaki.

“Agh!” napaatras ito, hawak ang duguang sentido.

Ngunit sa halip na umatras, lalo pang lumalim ang galit sa mga mata nito. Namula ang kanyang mga mata, nanlilisik, at mas delikado kaysa kanina.

Sinubukan siya nitong sakalin pero mabilis niya itong pinalo muli ng high heels niya at mabilis na tumayo mula sa sahig.

Nang maabot niya ang pinto ay mabilis niyang pinihit ang seradura nito. Duguan ang kanyang mga daliri sa sobrang lakas ng pagpihit, ngunit kahit makailang ulit niyang pihitin, hindi ito nagbukas. Nakasarado ang pinto mula sa labas

Nang lumingon siya patalikod ay saktong nakaamba ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg.

Mabilis itong sumugod muli at sinubukang sakalin siya ulit. Napaatras siya, ngunit hindi sapat ang kanyang bilis, sa isang igla
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Two

    Ngumisi muli si Lyka bago inilapit ang mukha kay Heather at may ibinulong dito.Matapos iyon, hindi na nagsalita si Heather. Kinuha niya ang tulak-tulak na pushcart, itinabi sa isang gilid, at tumayo sa harap ng pinto ng isang private suite.Kumatok siya sa pinto.“Sir? Ma’am? May tao ba riyan sa loob?”Nang walang sumagot, mas nilakasan niya ang pagkatok hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto. Si Barry ang humarap.“Sino ka?” tanong nito.Sinuri ni Barry ang itsura ng babaeng walang tigil sa pagkatok. Sa unang tingin, mukha itong isa sa mga crew ng barko, pero may kung anong kakaiba sa kilos nito.“Mabuti naman at may iba pang kasama sa suite sina Mr. at Mrs. Strathmore,” sabi ng babae. “Pasensya na sa abala.”Kumunot ang noo ni Barry. Ramdam niyang may dahilan ang biglaang pagsulpot ng babae.“May problema ba?” tanong niya. “Kung mayroon, sabihin mo na agad.”Tumango ang babae, halatang nagmamadali. “May nangyari sa mag-asawa. Pinapunta nila ako rito para tawagin kayo. Sabi ni Mr. S

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred One

    Pakiramdam ni Harold ay wala na siyang pag-asang ibangon pa ang sarili, lalo na’t nakikita niyang mabagal at halos walang pag-unlad ang negosyong itinayo niya. Ramdam niyang papalpak na naman siya.Napasinghal siya nang malakas habang hawak ang kanyang ulo.“Nagsimula ang lahat ng kamalasan natin dahil sa anak mo!” galit niyang sabi kay Jasmine, saka tumingin kay Heather. “Kung hindi lang pinutol ni Axel ang business partnership, hindi sana unti-unting nalugi ang kumpanya ko!”Si Heather, na kanina’y tila nawalan ng ulirat matapos ang sampal ng kanyang ama, ay tuluyan nang nahimasmasan matapos magpahinga sa bisig ng kanyang ina. Tahimik lang siya kanina, pinakikinggan ang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Ngunit nang marinig niya ang pasaring ng kanyang ama, napahawak siya sa dibdib.Biglang namuo ang galit sa kanyang puso.Isang pangalan ang sumagi sa kanyang isipan—Selena.Kung hindi dahil sa babaeng iyon, ako na sana ang misis ng pinakamayamang pamilya sa Regenshire, bulong niya s

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred

    “Alam ko… alam kong may mga pagkukulang ako,” nanginginig niyang sabi. “Pero huli na ’to, Klyde. Pagbigyan mo na ako kahit sa huling pagkakataon. Nakikiusap ako! Talagang kailangan na kailangan ng dad ko ang tulong mo. Wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw.”Narinig niyang suminghal si Klyde bago ito muling nagsalita.“Heather, wala nang dahilan para tulungan ko kayo. Hindi mo tinupad ang napagkasunduan natin. Ibig sabihin noon, wala na rin akong obligasyong tulungan kayo. Hindi ako charity foundation,” malamig nitong wika.Matapos sabihin iyon, agad na ibinaba ni Klyde ang tawag—hindi na hinintay pa ang anumang sasabihin ni Heather.“Klyde? Hello?! Klyde!” desperado niyang tawag. Ngunit ang tanging sagot lamang ay ang tuluyang pagputol ng linya.Dahil d’on, tuluyan ng sumabog sa galit si Heather. Sa tindi ng kanyang galit, nabalibag ni Heather ang kanyang cellphone sa sahig. Sa lakas ng pagkakatapon, hindi lamang nabasag ang screen—nagkahiwa-hiwalay pa ang casing nito.“Hayop ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Nine

    Ngayong nalaman ni Selena ang plano ni Klyde, alam niyang kailangan na niyang kumilos. Ang una niyang gagawin ay balikan si Axel sa Grand Event Hall—umaasa siyang naroon pa rin ang kanyang asawa.Mabilis ang kanyang kilos habang hinahanap ang daan pababa patungo sa hall. Bumaba siya sa hagdanan at bago pa tuluyang makarating sa ibaba, bumungad sa kanya ang pamilyar na pigura ng waitress na aksidente niyang nabunggo kanina sa Grand Event Hall. Labis ang kanyang pagtataka kung bakit naroon pa ito sa ganoong oras.Nang tuluyan siyang makababa, masinsinan niyang inobserbahan ang babae. Napansin niyang may dala itong basket na natatakpan ng tela. Biglang may kumabog sa dibdib ni Selena, kaya nagpasya siyang magtanong.“Ano’ng ginagawa mo rito? Tapos na ba ang party sa hall?” tanong niya, hindi agad dinidirekta ang hinala.Hindi kaagad sumagot ang babae. Sa halip, ngumisi ito ng nakakakilabot at hinawakan ang sariling mukha. Sa isang iglap, nalaglag ang suot nitong silicone mask at wig.Nap

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Eight

    Nagsalitan ng putok ang magkapatid na Russell at River sa kampo ni Klyde. Dalawa lamang sila, ngunit nagawa nilang mapaatras ang mga tauhan nito. Ilan sa mga ito ang napatay kaya naman, wala nang pagpipilian si Klyde kundi ang umurong. Lumabas na sila mula sa ship’s bridge—nakuha na rin naman nila ang kanilang pakay kay Axel.Ngayon, si Selena naman ang balak nitong hanapin upang makuha ang pirma o fingerprint niya, sakaling pumalag o manlaban ito.Mabilis na lumabas si Klyde, mahigpit ang hawak sa papel ng transfer agreement habang papatakas. Sinubukan siyang tamaan ng bala ng magkapatid, ngunit mahigpit ang depensa ng mga tauhan nito na nagsilbing panangga, kaya tuluyan siyang nakatakas.Huminto sa pagpapaputok ang dalawa at agad na lumingon pabalik kay Axel upang tulungan itong makatayo.Nang makabangon si Axel, sabay-sabay na silang lumabas ng ship’s bridge. Habang tumatakbo at sinusundan si Klyde at ang mga tauhan nito, binuksan niya ang kanyang walkie-talkie upang tawagan si Tyl

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Seven

    Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Lyka. Saglit siyang nawalan ng boses.“H-hawak namin ang buhay ng mag-iina mo kaya—”“Sa tingin mo ba,” putol ni Axel, “matatakot mo ako ng gano’n lang?” Bahagya siyang ngumisi. “Paano kung ayaw kong pumirma?”Napanganga si Lyka, halatang hindi inaasahan ang sagot.Napangisi siya sandali bago tumalim ang tingin. “Wala kaming pakialam. Pipirmahan mo ’yan ngayon din—sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya. “Hawakan niyo siya!”Agad kumilos ang mga tauhan ni Klyde. Mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso at paa ni Axel, walang puwang para makawala. Sapilitan siyang pinaluhod, pilit pinipigilan sa bawat pagpupumiglas niya.Dahan-dahang lumapit si Klyde, hawak ang walkie-talkie, nakangisi na parang nagwagi na siya.“Axel,” sambit niya, pinindot ang aparato. “Nasa kabilang linya ang mag-iina mo. Kasama nila ang mga tauhan ko.” Bahagyang yumuko siya para magpantay ang mga mata nila.“Kung hindi ka pa rin pipirma at magmamatigas ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status