Sa The Lionโs Den Club, pumasok sa isang pribadong silid si Axel kasunod si Russell.Sa loob, isang lalaking kasing-edad at kasing-yaman ni Axel ang nakaupo, yakap ang dalawang escort ng club.Nakangiti ito, halatang nag-e-enjoy sa kanyang gabi. Nang makita siya, tila ba nagliwanag pa lalo ang mga mata nito sa halong kasiyahan at pang-uuyam.Naupo si Axel sa kabilang upuan habang si Russell ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan .โMr. Huxley,โ unang nagsalita si Axel, tulad ng dati, walang emosyon sa mukha. โMaligayang pagdating sa Celestaire, Mr. Strathmore,โ may kakaibang tono at kislap sa mata ni Zane Huxley, halatang may iniisip ito.โSalamat,โ sagot ni Axel, diretso at walang paliguy-ligoy.โSinabi na sa โkin ng assistant ko kung bakit ka narito. Pero alam mo, hindi ko inaasahan na ikaw mismo ang pupunta rito,โ tila hindi makapaniwala si Zane, ngunit may bahid ng panunuya sa tinig nito.Tinitigan siya ni Axel, walang bakas ng amusement. โBusy ka raw sabi ng assistant mo kaya
โSino ka naman?โ malambing ang kanyang tono nang tanungin niya ang batang babae.Si Silas ang nagsalita at humarap sa batang babae. โSiya si Flora.โMabilis na ngumiti si Selena at tumingin kay Flora. โHi, Flora. Ako si Selena, ate ako ni Silas. Nice to meet you,โ malambing niyang sambit habang inilahad ang kamay.Tiningnan siya ni Flora ng may pagka-curious, at may kaunting kaba sa mga mata nito. Nag-atubili sandali bago dahan-dahang inabot ang kamay ni Selena upang makipagkamay.Ang mga daliri ng batang babae ay tila nanginginig nang kaunti, kaya't napansin ni Selena ang pagkamahiyain nito.Ngunit sa kabila ng kaunting pag-aalangan, nagpakita si Flora ng isang maliit na ngiti bilang pagsalubong."Nga pala, sino ang magsusundo sa 'yo pauwi, Flora?" tanong ni Selena nang mapansing wala pang lumalapit para kunin ang bata."Yung kuya koโฆ Sabi niya, hintayin ko siya at susunduin niya ako," sagot ni Flora, mahina ang boses.โGanoon ba. O sige, sasamahan ka namin ni Silas na antayin ang ku
Napaisip sandali si Selena bago tumango. โSige.โMay bigla siyang naisip. โNga pala, pupunta ako bukas sa opisina bago ako magpunta ng ospital,โ ipinaalam niya rito ang plano niya.โHindi.โ Matigas ang kanyang tono, agad na napakunot ang noo ni Selena.โBakit hindi? Magre-resign na ako sa trabaho dahil ilang araw na akong hindi pumapasok sa opisina. Mabuting mag-resign na ako,โ paliwanag niya.Nawala ang kunot sa noo ni Axel at lumambot ang ekspresyon. โGanoon baโฆโ nag-isip sandali bago nagpatuloy. โBakit hindi mo na lang papuntahin si Dr. Valeza dito paraโโAgad niyang pinutol ang sasabihin nito. โHindi puwede. Mabuting sa ospital na gawin ang weekly pre-natal check-up ko. Huwag ka mag-alala, uuwi rin naman ako agad,โ aniya, upang hindi na ito mag-alala pa.Hindi maiwasan ni Axel na mag-alala dahil ilang beses siyang ipinaalalahanan ni Dr. Valeza na masigurong malusog at iwas sa stress si Selena. Napasinghap na lamang ito. โOkay.โPagkatapos ng pag-uusap nila ay uminom sila ng tsaa s
Sinubukan habulin ni Ricardo at Nadine ang kotseng sinakyan ni Selena, pero hindi nila ito inabutan nang mabilis itong umandar palayo. Nagpapadyak sa galit si Ricardo, habang si Nadine ay hindi makapaniwala sa nakita. "Nakita mo โyon? Sumakay si Selena sa napakagandang kotse! Parang Rolls-Royce ang nakita kong tatak ng sasakyan!" aniya, may halong pananabik sa boses, tila iniisip kung paano sila makakakuha ng benepisyo mula rito. "Kailangan nating malaman kung saan sila nakatira ni Silas at pilitin siyang bigyan ulit tayo ng pera," madiin na sambit ni Ricardo, ramdam ang galit sa tono nito. Napangisi si Nadine, tila nakaisip ng paraan. "Madali lang โyan. Puwede nating tanungin ang amo niya para malaman ang address ng apartment na tinutuluyan nila." Kumunot ang noo ni Ricardo sa narinig. "Sinubukan ko na โyan. Pero sinabi agad sa akin ng receptionist na mismong si Selena ang nagsabi sa kanila na kung may kamag-anak na magtatanong ng address niya, hindi ito ipagbibigay-alam kah
Nagbago ang ekspresyon ni Klyde. "Selena, binibigyan kita ng pagkakataon na hindi magmukhang katawa-tawa sa mata ng ibang tao," ang mga mata nito ay halos nagliliyab. "Kakayanin mo ba na kritikuhin ka nila dahil walang tatay ang anak mo?"Mariing napatingin si Selena. "Hindi ko na uulitin ang sinabi ko, Klyde. Kung ipagpipilitan mo pa rin ang gusto mo, wala na akong magagawa. Pero hindi ko problema 'yan," aniya bago tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang kotse.Bago pa siya makailang hakbang, bigla siyang hinawakan ni Klyde sa braso at marahas siyang hinatak pabalik.Sinubukan niyang alisin ang kamay nito. โAno ba?!โ gulat niyang sigaw, pilit na inaalis ang kamay nito.โSelena, hindi pa tayo tapos mag-usap!โ galit na sagot ni Klyde habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.Huminga siya ng malalim, pinilit kumalma. โKlyde, mismong sa bibig mo nanggaling noon. Simula pa lang ng relasyon natin ay may nangyayari na sa inyo ni Nessa. Hindi lang pagtataksil โyon. Niloko mo ak
"Pupunta lang ako sa mall. Gusto kong tumingin ng baby clothes,โ sagot ni Selena habang inaayos ang suot na coat. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nagkainteres na mamili ng damit ng kambal.May inilabas na card si Lucas mula sa bulsa ng kanyang coat. Inabot ito kay Selena.โKunin mo ito, Mrs. Strathmore. Iniwan ito ni Mr. Strathmore bago siya umalis kaninang umaga. Sabi niya, baka raw may gusto kayong bilhin.โBahagyang natigilan si Selena bago tinanggap ang card. Simpleng bagay lang, pero hindi niya inasahan.โLimitless ang credit card na โyan, Mrs. Strathmore. Kaya makakapamili ka ng kahit ano, kahit gaano pa kamahal ang bibilhin mo,โ ani Lucas, ramdam sa tono nito na pilit siyang inaalok na gamitin ang card.Nagdalawang-isip, pero sa huli, kinuha rin niya ito dahil alam niyang magiging matigas si Lucas kung hindi. Bahagya siyang tumango.โO sige, pero titingin lang muna ako na maaaring babagay sa kambal. Tutal hindi pa naman natin alam kung ano ang kasarian nila.โPagk
Takot na takot ang mga staff, lalo na ang kahera. Hindi nila alam na ang babaeng pinaghihinalaan nilang magnanakaw ay ang asawa pala ng pinakamayamang tao sa Regenshire, ang totoong Mrs. Strathmore.Nagmakaawa ang kahera. โPatawarin mo kami, Mr. Vale. Hindi namin alam na siya si Mrs. Strathmore!โSineryoso ni Russell ang kahera. โMalalaman niyo bukas kung anong mangyayari sa inyo. Nakadepende kay Mr. Strathmore kung mananatili pa kayo sa trabaho niyo.โLumakad si Russell papalabas ng boutique, iniwan ang mga takot at naguguluhang staff.Habang nasa kotse, naghintay si Selena kay Russell at napansin ang stepsister niyang si Nessa, yakap ang isang may-edad na lalaki sa parking lot. Nagkiskisan sila ng katawan at tila inaakit ni Nessa ang lalaki.Nagkaroon ng pakiramdam si Selena na kunan ng litrato gamit ang kanyang cellphone si Nessa at ang kasama nitong may-edad na lalaki.Dumating si Russell at sinakay siya sa kotse. Habang nagmamaneho, nagtanong si Russell, โMrs. Strathmore, matanon
Mariin siyang tiningnan ni Selena. Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.โAlam mo, Nessa? Nakakasawa ka na. Wala ka na bang ibang kayang gawin kundi patunayan na mas angat ka kaysa sa โkin?โHalos umusok ang ilong ni Nessa sa galit. Bago pa siya makapagsalita ng panibagong patutsada, isang itim na Aston Martin ang huminto sa likod ng kotse niya. Agad na napalingon ang dalawang babae. Parehas na namangha sa ganda ng kotse.Lumabas ang drayber ng Aston Martin at pinagbuksan siya ng pinto. Bago pumasok ng kotse, tumingin siya kay Nessa at marahang nagsalita.โKung wala ka nang ibang sasabihin, uuwi na kami.โAt sa mga salitang iyon, binitawan niya ang anumang natitirang interes sa drama ng kanyang stepsister.Sumakay siya sa kotse, mahigpit pa ring hawak si Silas sa kanyang mga bisig. Mahimbing pa rin ang tulog ng nakababatang kapatid, parang walang kamalay-malay sa tensyon sa paligid.Umandar na ang Aston Martin. Naiwan si Nessa sa kanyang BMW, nakatitig habang papalayo
โSelena, wala ka na bang natitirang delikadesa? Lalayasan mo si Dad kahit kinakausap ka pa niya?โ bwelta ni Nessa, punong-puno ng panunumbat ang boses.โKinakausap ka pa ni Tito Ricardo, matuto kang rumespeto. At isa pa, kailangan mong magpaliwanag sa kanila dahil sa mga naging maling desisyon mo,โ dagdag pa ni Klyde na tila ba pinapangaralan siya.โKinakausap ko ba kayo? Manahimik ang mga walang kinalaman,โ mariing patutsada niya sa dalawa, may kasamang pag-irap.Halos sabay na kumunot ang noo nina Nessa at Klyde, halatang hindi natuwa sa tinanggap na sagot.โBakit ganyan ka magsalita?!โ sigaw ni Ricardo sabay turo sa kanya, halos nanginginig na sa galit. Hindi na nito kayang itago ang pagkainis sa ugali ni Selena. Ang anak na minsang masunurin sa kanya at tahimik, ngayoโy tila ibang tao na sa kanyang harapan.โTotoo naman ang sinabi ko,โ sagot niya, malamig at walang bahid ng paggalang kahit pa halos pumutok ang ugat sa noo ng ama.Mabilis namang sumingit si Nessa. โKaya ba ganyan k
"Mahirap lang ang pinakasalan ko," diretsong sagot ni Selena. Pinutol niya agad ang anumang imahinasyong nabubuo sa utak ng kanyang ama.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ricardo. Nanggalaiti siya sa narinig. Sa kabila ng galit, hindi mapigilang magtaka si Nadine."Selena, mahirap paniwalaan na isang mahirap na lalaki lang ang pinakasalan mo. Paano ka niya susuportahan kung wala siyang pera? At isa pa, ang ganda ng singsing mo. Napakakinang, talagang kakaiba ang disenyo," wika ni Nadine, hindi direkta pero pinahihiwatig na nagsisinungaling siya.Napansin din iyon ni Ricardo. Inobserbahan niya ang singsing ni Selena at nag-isip. "May punto ka. Ang ganda ng disenyo. At sa kulay pa lang ng singsing, hindi maikakailang mahalaga ito."Mabilis na hinila ni Selena ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ricardo."Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ni Selena. "Peke ang singsing na 'to! Binili lang ng asawa ko 'to sa halagang $10. Kahit ang gemstone na nakadikit, peke!" patuloy niyang pagsis
Nanatiling nakatitig lamang si Selena, pilit itinatago ang panginginig ng kanyang kamay. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding pagpipigil ng galit na patuloy na bumubulwak sa kanyang dibdib.Pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili. Bahagya siyang ngumiti, ngunit hindi naitago ang matalim na sarkasmo sa kanyang tinig."Kasama ba sa pag-aaruga niya ang pagmamaltrato niya kay Silas?"Hindi agad nakasagot ang dalawa. Ramdam niya ang bahagyang pagkailang nila kaya hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy."At higit sa lahat," malamig niyang sambit, "akala mo ba, Tita Nadine, nakakalimutan ko ang nangyari noong ikatlong birthday ni Silas?"Natigilan si Nadine sa narinig. Kita sa mga mata nito ang takot at pagkabigla. Hindi niya inasahan na babanggitin ni Selena ang insidenteng iyon. Ang araw na sinadya niyang iwan si Silas sa gitna ng kalsada, nagbabakasakaling masagasaan ito ng dumaraang sasakyan.Hindi niya sukat akalain na masasaksihan mismo ni Selena ang ginawa niya sa hindi i
Unti-unti, isang malisyosong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. At habang dahan-dahang bumabalik ang sigla ng kanyang mga mata, nabuo sa isip niya ang isang plano. Isa na namang paraan upang kalikutin ang katahimikan ni Selena lalo na kung totoo ang iniisip niya.โKung totoo โtoโฆ mas lalong kawawa ka, Selena,โ bulong niya muli, halos hindi marinig sa hina ng tinig.Sa loob naman ng opisina ni Dr. Valeza, bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ng doktor, agad siyang binati sa pagpasok.โMagandang araw, Mrs. Strathmore,โ nakangiting bati ng doktor. โMaupo ka. Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?โNgumiti si Selena at sumagot, "Maayos naman, Dr. Valeza."Nagkwentuhan muna sila bago sinimulan ang kanyang monthly prenatal check-up at ultrasound. Matapos ang halos isang oras, natapos din ang konsultasyon. Bago siya tuluyang pinaalis, pinaalalahanan pa siya ng doktor tungkol sa mga dapat iwasan at pag-ingatan habang nagdadalang-tao.Paglabas ni Selena sa ospital, dalawang pamilyar na tao aga
May kumatok sa pinto. Pumasok ang isa sa mga hotel staff dala ang dalawang set ng damit,visa para sa kanya at isa kay Axel. Pagkaabot ng mga ito, agad ding umalis ang staff.Dahil sinira ni Axel ang suot niyang dress kagabi, wala na siyang ibang opsyon kundi kunin ang damit at pumasok ng banyo para magbihis. Samantala, sa gilid ng kama na lamang nagbihis si Axel.Matapos magbihis, sabay silang lumabas ng hotel. Sa parking lot, naghihintay na si Russell. Sumakay sila ng kotse at agad itong umandar palayo.โMr. Vale, puwede mo ba akong ibaba sa ospital?โ tanong niya.Bahagyang ngumiti si Russell at sumulyap sa rearview mirror. โOo naman, Mrs. Strathmore.โNagpasalamat siya. Kinuha niya ang cellphone para mag-scroll sa Twitter, pero napatigil siya nang marinig ang boses ni Axel.โNagpunta ka na sa ospital kamakailan lang, hindi ba?โ tanong nito.Tiningnan niya ito. โMag-aapat na buwan na rin ako. Kailangan ko nang magpa-check up ulit. At saka, naubos na rin ang pre-natal vitamins ko.โTu
Sa tindi ng tensyon at init sa pagitan nila, hindi na si Axel ang muling gumawa ng unang galaw, kundi si Selena.Tahimik silang nagkatitigan sa loob ng suite. Ang katahimikan ay tila musika sa pagitan ng matitinding tibok ng kanilang mga dibdib. At sa gitna ng damdaming ayaw nang ikubli, si Selena ang lumapit.Walang babala, marahan niyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ni Axel.Nagulat man si Axel, agad din siyang tumugon. At ang pagsabog ng kanilang halik ay parang pagsiklab ng apoy sa tuyong kagubatan, walang makakapigil.Mabilis na naging mapusok ang kanilang palitan ng halik. Nagsimulang gumapang ang mga kamay ni Axel sa beywang ni Selena, habang ang sa babae ay napakapit sa batok nito, hinihila siya palapit, pilit inaangkin ang bawat pulgada ng kanyang init.Ang kanilang pag-uungol, mabibilis na hingal, at mga mahihinang bulong ay pumuno sa buong suite, parang musika ng dalawang pusong matagal nang itinatanggi ang paghahangad sa isaโt isa. Muling nagalaw ang mga kalat
Matapos uminom, tumingin si Selena kay Heather. โMay iba ka pa bang sasabihin sa โmin?โBago pa makasagot si Heather, marahan nang nagsalita si Axel. โTara na. Umuwi na tayo.โHinawakan ni Axel si Selena sa beywang, at sabay silang lumakad paalis, iniwan si Heather na tahimik ngunit hindi nawawala ang mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi.Ilang hakbang pa lang mula sa eksena ay biglang huminto si Axel. Napansin ni Selena ang bahagyang pagyuko nito, ang panginginig ng kamay, at ang mabilis na pagbabago sa kulay ng mga mata ni Axel.โAxel?โ lumapit siya, inalalayan ito. โAxel, anoโng nangyayari saโyo?โ bakas sa mukha ang pag-aalala.Hindi sumagot si Axel. Sa halip, napasandal ito sa dingding habang mariing pinikit ang mga mata, hawak ang sentido na para bang may matinding sakit ng ulo.Mabilis na lumapit si Heather, kunwaring nag-aalala. โAxel! Okay ka lang? Teka, aalalayan kita.โHinawakan niya ang braso ni Axel at ipinatong ito sa kanyang balikat, pilit na inaangkin ang papel bilan
Nanatili si Selena sa may pinto, hindi agad nakakilos. Parang saglit na tumigil ang oras. Tanging tibok ng sarili niyang puso ang naririnig niya, mabagal, mabigat.May humapdi. Hindi malalim, pero sapat para iparamdam sa kanya ang isang bagay na ayaw niyang pangalanan.Alam niyang wala siyang karapatang masaktan. Hindi niya pag-aari si Axel. Wala silang relasyon. Wala silang kahit anong malinaw na ugnayan.Pero bakit ganoโn? Bakit parang siya ang pinagtaksilan?Hindi niya napansin ang paninigas ng panga ni Axel, o ang panlalalim ng tingin nito kay Heather. Hindi niya nakita ang unti-unting pagdilim ng ekspresyon ng lalaki.Dahil ang tanging nakikita niya lang ay ang isang eksenang hindi niya inaasahang masasaksihan.โSelenaโโMababang tawag iyon mula kay Axel.Tumitig siya sa dalawa. Walang emosyon sa kanyang mukha. Walang sigaw. Walang tanong.Pero malamig ang boses niya, tulad ng isang talim na idinadaan sa yelo.โMukhang naistorbo ko kayo pero huwag kayong mag-alala. Hindi ako puma
โSa tono ng pananalita mo parang hindi lang simpleng tanong ang pakay mo, Nessa,โ aniya, halata niyang may pakay ito.โSobra ka naman magsalita, Selena,โ umarte na parang nasaktan sa sinabi niya.Ilan sa mga pumasok sa banyo ay pinagtinginan sila at mahinang nagbulungan sa drama na nangyayari.โAno ba naman ang mga โtoโฆโโOo nga, hanggang dito ba naman sa banyo may nag-aaway.โโSinabi mo pa, kaawa tuloy yung isang babaeโฆโNapangsinghal na lamang si Selena. Tila ayaw na makisali sa drama na gustong likhain ni Nessa. Nais na sanang lumabas ni Selena ng banyo ng tahimik pero natigilan siya sa sinabi ni Nessa.โWala ka man lang bang awa kila Mom at Dad, Selena? Hirap na hirap na sila bayaran ang mga utang natin. Hindi na rin nila alam saan pa kukunin ang pera para masigurong hindi tayo saktan ng mga tauhan ng loanshark. Talaga bang wala kang puso pa sa amin, Selena?โ may luhang pumapatak mula sa mga mata nito, akala moโy pang-oscar ang acting.Sumimangot si Selena. โNessa, ano naman ang k