Nagbago ang ekspresyon ni Klyde. "Selena, binibigyan kita ng pagkakataon na hindi magmukhang katawa-tawa sa mata ng ibang tao," ang mga mata nito ay halos nagliliyab. "Kakayanin mo ba na kritikuhin ka nila dahil walang tatay ang anak mo?"Mariing napatingin si Selena. "Hindi ko na uulitin ang sinabi ko, Klyde. Kung ipagpipilitan mo pa rin ang gusto mo, wala na akong magagawa. Pero hindi ko problema 'yan," aniya bago tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang kotse.Bago pa siya makailang hakbang, bigla siyang hinawakan ni Klyde sa braso at marahas siyang hinatak pabalik.Sinubukan niyang alisin ang kamay nito. “Ano ba?!” gulat niyang sigaw, pilit na inaalis ang kamay nito.“Selena, hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit na sagot ni Klyde habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.Huminga siya ng malalim, pinilit kumalma. “Klyde, mismong sa bibig mo nanggaling noon. Simula pa lang ng relasyon natin ay may nangyayari na sa inyo ni Nessa. Hindi lang pagtataksil ‘yon. Niloko mo ak
"Pupunta lang ako sa mall. Gusto kong tumingin ng baby clothes,” sagot ni Selena habang inaayos ang suot na coat. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nagkainteres na mamili ng damit ng kambal.May inilabas na card si Lucas mula sa bulsa ng kanyang coat. Inabot ito kay Selena.“Kunin mo ito, Mrs. Strathmore. Iniwan ito ni Mr. Strathmore bago siya umalis kaninang umaga. Sabi niya, baka raw may gusto kayong bilhin.”Bahagyang natigilan si Selena bago tinanggap ang card. Simpleng bagay lang, pero hindi niya inasahan.“Limitless ang credit card na ‘yan, Mrs. Strathmore. Kaya makakapamili ka ng kahit ano, kahit gaano pa kamahal ang bibilhin mo,” ani Lucas, ramdam sa tono nito na pilit siyang inaalok na gamitin ang card.Nagdalawang-isip, pero sa huli, kinuha rin niya ito dahil alam niyang magiging matigas si Lucas kung hindi. Bahagya siyang tumango.“O sige, pero titingin lang muna ako na maaaring babagay sa kambal. Tutal hindi pa naman natin alam kung ano ang kasarian nila.”Pagk
Takot na takot ang mga staff, lalo na ang kahera. Hindi nila alam na ang babaeng pinaghihinalaan nilang magnanakaw ay ang asawa pala ng pinakamayamang tao sa Regenshire, ang totoong Mrs. Strathmore.Nagmakaawa ang kahera. “Patawarin mo kami, Mr. Vale. Hindi namin alam na siya si Mrs. Strathmore!”Sineryoso ni Russell ang kahera. “Malalaman niyo bukas kung anong mangyayari sa inyo. Nakadepende kay Mr. Strathmore kung mananatili pa kayo sa trabaho niyo.”Lumakad si Russell papalabas ng boutique, iniwan ang mga takot at naguguluhang staff.Habang nasa kotse, naghintay si Selena kay Russell at napansin ang stepsister niyang si Nessa, yakap ang isang may-edad na lalaki sa parking lot. Nagkiskisan sila ng katawan at tila inaakit ni Nessa ang lalaki.Nagkaroon ng pakiramdam si Selena na kunan ng litrato gamit ang kanyang cellphone si Nessa at ang kasama nitong may-edad na lalaki.Dumating si Russell at sinakay siya sa kotse. Habang nagmamaneho, nagtanong si Russell, “Mrs. Strathmore, matanon
Mariin siyang tiningnan ni Selena. Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.“Alam mo, Nessa? Nakakasawa ka na. Wala ka na bang ibang kayang gawin kundi patunayan na mas angat ka kaysa sa ’kin?”Halos umusok ang ilong ni Nessa sa galit. Bago pa siya makapagsalita ng panibagong patutsada, isang itim na Aston Martin ang huminto sa likod ng kotse niya. Agad na napalingon ang dalawang babae. Parehas na namangha sa ganda ng kotse.Lumabas ang drayber ng Aston Martin at pinagbuksan siya ng pinto. Bago pumasok ng kotse, tumingin siya kay Nessa at marahang nagsalita.“Kung wala ka nang ibang sasabihin, uuwi na kami.”At sa mga salitang iyon, binitawan niya ang anumang natitirang interes sa drama ng kanyang stepsister.Sumakay siya sa kotse, mahigpit pa ring hawak si Silas sa kanyang mga bisig. Mahimbing pa rin ang tulog ng nakababatang kapatid, parang walang kamalay-malay sa tensyon sa paligid.Umandar na ang Aston Martin. Naiwan si Nessa sa kanyang BMW, nakatitig habang papalayo
Napasinghal si Selena matapos ang pag-uusap nila ni Ophelia sa cellphone. Sakto naman, pumasok si Axel sa silid at agad itong nagtanong nang makita siyang parang may problemang dinadala.“May problema ba?” tanong ni Axel, habang tinatanggal ang necktie at coat na suot.Tumayo siya mula sa kama at tumulong sa pagtanggal ng mga iyon.“Tumawag kasi yung dati kong kaklase noong kolehiyo pa ako,” sagot niya.“Tapos?”“Uhm… may class reunion daw kami bukas ng gabi.”“‘Yun lang ba?” tila parang wala itong interes sa sinabi niya.Bahagya siyang nalungkot sa tugon nito.“Oo,” tumango siya.“Gawin mo ang gusto mo,” aniya, sagot ni Axel, hindi na siya tiningnan at dumiretso sa banyo.Kumuha siya ng pajama ni Axel mula sa walk-in closet nito at inilapag sa maliit na mesa. Nahiga siya mula sa kama at nag-send ng text message kay Ophelia. Pagkatapos ay inilapag na niya ang cellphone at agad na natulog.Wala pang kalahating oras, tapos na si Axel maligo. Nang makita ang mga damit na inilapag ni Sele
“Sinong tinatawag mong basura?!” bahagyang tumaas ang boses ni Yve sa patutsada ni Ophelia.“Subukan mong tumingin sa salamin. Baka doon mo makita,” ganting tugon ni Ophelia, kasabay ng pag-ikot ng mata.Namula sa galit si Yve. Akma na sana itong susugurin si Ophelia pero agad siyang pinigilan ni Nessa, na tumayo sa pagitan nila.“Hindi natin kailangan ibaba ang sarili natin sa level ng dalawang ‘yan,” mariing sabi ni Nessa.Napataas ang kilay ni Selena. “Tama ka. Hindi naman talaga kailangan, kasi malaki ang pinagkaiba ng tao sa basura.”Pagkasabi niya niyon ay lumingon silang dalawa ni Ophelia at tumalikod nang walang baling, iniwan ang tatlo sa init ng emosyon.Nagngitngit si Nessa sa sinabi ni Selena. Gusto niya itong lapitan at sampalin sa harap ng lahat. Pero sa halip, pinilit niyang kumalma. Mas gusto niyang sirain si Selena sa mata ng iba, at alam niyang darating din ang tamang oras.Naglakad sina Selena at Ophelia papunta sa isang bakanteng bilugang mesa at naupo. Kumuha si S
Agad niyang ikinalma ang sarili at pinilit kumbinsihin ang sariling wala siyang dahilan para maapektuhan sa presensya ng dalawa. Hindi niya kailangang bigyang pansin ang mga taong walang halaga sa buhay niya ngayon.Ngunit hindi niya inaasahan ang paglapit ng dalawa. Halatang-halata ang intensyon nilang guluhin ang tahimik niyang sandali, tila ba sinasadya talaga nilang subukan ang pasensya niya.Nagkunwari si Nessa na malapit sila sa isa’t isa, gaya ng nakagawian nito noon kapag may gustong palabasin. “Selena, nagkita rin tayo ulit,” ani nito sabay ng isang pilit at peke ang ngiti.Tahimik lang na uminom si Selena ng kanyang fruit juice, hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalawa. Ginusto niyang tapusin ang eksena bago pa ito lumala. Ngunit gaya ng dati, hindi iyon papayag nang walang drama.“Babe, mukhang hindi pa rin tanggap ni Selena ang relasyon natin. Hindi pa rin ata siya maka-move on,” dagdag ni Nessa, kunwaring may lungkot sa tono ngunit may halatang pang-aasar sa mga mata
Natigilan si Nessa sa mga salitang binitawan ni Selena. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya, at sa isang iglap, nanlamig ang buo niyang katawan. Kita sa kanyang mga mata ang takot at pagkabigla.Agad pumasok sa isip niya ang posibleng kahihinatnan kung sakaling kumalat ang larawan nila ni Klyde. Isang larawan lang ang kailangan para mabura ang pinapangarap niyang reputasyon sa mundo ng mayayaman at sikat.Paano pa siya makakapasok sa mundo ng mga milyonaryo kung may bahid na siya ng eskandalo? Ang mga taong socialites na gusto niyang makasama sa mga high-end events ay baka pagtawanan lang siya at ituring na desperada.Hindi siya makakapayag kung may kahit katiting na bahid ng iskandalo tungkol sa kanya. Kaya kahit nanginginig sa inis, pinili niyang manahimik. Alam niyang hindi ngayon ang tamang oras para bumawi. Pero darating din ang araw, sigurado siya na mas daig pa niya si Selena sa lahat ng aspeto.Sa ‘di kalayuan, tumayo si Ophelia mula sa kinauupuan, tumaas ang
“Selena, wala ka na bang natitirang delikadesa? Lalayasan mo si Dad kahit kinakausap ka pa niya?” bwelta ni Nessa, punong-puno ng panunumbat ang boses.“Kinakausap ka pa ni Tito Ricardo, matuto kang rumespeto. At isa pa, kailangan mong magpaliwanag sa kanila dahil sa mga naging maling desisyon mo,” dagdag pa ni Klyde na tila ba pinapangaralan siya.“Kinakausap ko ba kayo? Manahimik ang mga walang kinalaman,” mariing patutsada niya sa dalawa, may kasamang pag-irap.Halos sabay na kumunot ang noo nina Nessa at Klyde, halatang hindi natuwa sa tinanggap na sagot.“Bakit ganyan ka magsalita?!” sigaw ni Ricardo sabay turo sa kanya, halos nanginginig na sa galit. Hindi na nito kayang itago ang pagkainis sa ugali ni Selena. Ang anak na minsang masunurin sa kanya at tahimik, ngayo’y tila ibang tao na sa kanyang harapan.“Totoo naman ang sinabi ko,” sagot niya, malamig at walang bahid ng paggalang kahit pa halos pumutok ang ugat sa noo ng ama.Mabilis namang sumingit si Nessa. “Kaya ba ganyan k
"Mahirap lang ang pinakasalan ko," diretsong sagot ni Selena. Pinutol niya agad ang anumang imahinasyong nabubuo sa utak ng kanyang ama.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ricardo. Nanggalaiti siya sa narinig. Sa kabila ng galit, hindi mapigilang magtaka si Nadine."Selena, mahirap paniwalaan na isang mahirap na lalaki lang ang pinakasalan mo. Paano ka niya susuportahan kung wala siyang pera? At isa pa, ang ganda ng singsing mo. Napakakinang, talagang kakaiba ang disenyo," wika ni Nadine, hindi direkta pero pinahihiwatig na nagsisinungaling siya.Napansin din iyon ni Ricardo. Inobserbahan niya ang singsing ni Selena at nag-isip. "May punto ka. Ang ganda ng disenyo. At sa kulay pa lang ng singsing, hindi maikakailang mahalaga ito."Mabilis na hinila ni Selena ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ricardo."Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ni Selena. "Peke ang singsing na 'to! Binili lang ng asawa ko 'to sa halagang $10. Kahit ang gemstone na nakadikit, peke!" patuloy niyang pagsis
Nanatiling nakatitig lamang si Selena, pilit itinatago ang panginginig ng kanyang kamay. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding pagpipigil ng galit na patuloy na bumubulwak sa kanyang dibdib.Pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili. Bahagya siyang ngumiti, ngunit hindi naitago ang matalim na sarkasmo sa kanyang tinig."Kasama ba sa pag-aaruga niya ang pagmamaltrato niya kay Silas?"Hindi agad nakasagot ang dalawa. Ramdam niya ang bahagyang pagkailang nila kaya hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy."At higit sa lahat," malamig niyang sambit, "akala mo ba, Tita Nadine, nakakalimutan ko ang nangyari noong ikatlong birthday ni Silas?"Natigilan si Nadine sa narinig. Kita sa mga mata nito ang takot at pagkabigla. Hindi niya inasahan na babanggitin ni Selena ang insidenteng iyon. Ang araw na sinadya niyang iwan si Silas sa gitna ng kalsada, nagbabakasakaling masagasaan ito ng dumaraang sasakyan.Hindi niya sukat akalain na masasaksihan mismo ni Selena ang ginawa niya sa hindi i
Unti-unti, isang malisyosong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. At habang dahan-dahang bumabalik ang sigla ng kanyang mga mata, nabuo sa isip niya ang isang plano. Isa na namang paraan upang kalikutin ang katahimikan ni Selena lalo na kung totoo ang iniisip niya.“Kung totoo ‘to… mas lalong kawawa ka, Selena,” bulong niya muli, halos hindi marinig sa hina ng tinig.Sa loob naman ng opisina ni Dr. Valeza, bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ng doktor, agad siyang binati sa pagpasok.“Magandang araw, Mrs. Strathmore,” nakangiting bati ng doktor. “Maupo ka. Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?”Ngumiti si Selena at sumagot, "Maayos naman, Dr. Valeza."Nagkwentuhan muna sila bago sinimulan ang kanyang monthly prenatal check-up at ultrasound. Matapos ang halos isang oras, natapos din ang konsultasyon. Bago siya tuluyang pinaalis, pinaalalahanan pa siya ng doktor tungkol sa mga dapat iwasan at pag-ingatan habang nagdadalang-tao.Paglabas ni Selena sa ospital, dalawang pamilyar na tao aga
May kumatok sa pinto. Pumasok ang isa sa mga hotel staff dala ang dalawang set ng damit,visa para sa kanya at isa kay Axel. Pagkaabot ng mga ito, agad ding umalis ang staff.Dahil sinira ni Axel ang suot niyang dress kagabi, wala na siyang ibang opsyon kundi kunin ang damit at pumasok ng banyo para magbihis. Samantala, sa gilid ng kama na lamang nagbihis si Axel.Matapos magbihis, sabay silang lumabas ng hotel. Sa parking lot, naghihintay na si Russell. Sumakay sila ng kotse at agad itong umandar palayo.“Mr. Vale, puwede mo ba akong ibaba sa ospital?” tanong niya.Bahagyang ngumiti si Russell at sumulyap sa rearview mirror. “Oo naman, Mrs. Strathmore.”Nagpasalamat siya. Kinuha niya ang cellphone para mag-scroll sa Twitter, pero napatigil siya nang marinig ang boses ni Axel.“Nagpunta ka na sa ospital kamakailan lang, hindi ba?” tanong nito.Tiningnan niya ito. “Mag-aapat na buwan na rin ako. Kailangan ko nang magpa-check up ulit. At saka, naubos na rin ang pre-natal vitamins ko.”Tu
Sa tindi ng tensyon at init sa pagitan nila, hindi na si Axel ang muling gumawa ng unang galaw, kundi si Selena.Tahimik silang nagkatitigan sa loob ng suite. Ang katahimikan ay tila musika sa pagitan ng matitinding tibok ng kanilang mga dibdib. At sa gitna ng damdaming ayaw nang ikubli, si Selena ang lumapit.Walang babala, marahan niyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ni Axel.Nagulat man si Axel, agad din siyang tumugon. At ang pagsabog ng kanilang halik ay parang pagsiklab ng apoy sa tuyong kagubatan, walang makakapigil.Mabilis na naging mapusok ang kanilang palitan ng halik. Nagsimulang gumapang ang mga kamay ni Axel sa beywang ni Selena, habang ang sa babae ay napakapit sa batok nito, hinihila siya palapit, pilit inaangkin ang bawat pulgada ng kanyang init.Ang kanilang pag-uungol, mabibilis na hingal, at mga mahihinang bulong ay pumuno sa buong suite, parang musika ng dalawang pusong matagal nang itinatanggi ang paghahangad sa isa’t isa. Muling nagalaw ang mga kalat
Matapos uminom, tumingin si Selena kay Heather. “May iba ka pa bang sasabihin sa ’min?”Bago pa makasagot si Heather, marahan nang nagsalita si Axel. “Tara na. Umuwi na tayo.”Hinawakan ni Axel si Selena sa beywang, at sabay silang lumakad paalis, iniwan si Heather na tahimik ngunit hindi nawawala ang mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi.Ilang hakbang pa lang mula sa eksena ay biglang huminto si Axel. Napansin ni Selena ang bahagyang pagyuko nito, ang panginginig ng kamay, at ang mabilis na pagbabago sa kulay ng mga mata ni Axel.“Axel?” lumapit siya, inalalayan ito. “Axel, ano’ng nangyayari sa’yo?” bakas sa mukha ang pag-aalala.Hindi sumagot si Axel. Sa halip, napasandal ito sa dingding habang mariing pinikit ang mga mata, hawak ang sentido na para bang may matinding sakit ng ulo.Mabilis na lumapit si Heather, kunwaring nag-aalala. “Axel! Okay ka lang? Teka, aalalayan kita.”Hinawakan niya ang braso ni Axel at ipinatong ito sa kanyang balikat, pilit na inaangkin ang papel bilan
Nanatili si Selena sa may pinto, hindi agad nakakilos. Parang saglit na tumigil ang oras. Tanging tibok ng sarili niyang puso ang naririnig niya, mabagal, mabigat.May humapdi. Hindi malalim, pero sapat para iparamdam sa kanya ang isang bagay na ayaw niyang pangalanan.Alam niyang wala siyang karapatang masaktan. Hindi niya pag-aari si Axel. Wala silang relasyon. Wala silang kahit anong malinaw na ugnayan.Pero bakit gano’n? Bakit parang siya ang pinagtaksilan?Hindi niya napansin ang paninigas ng panga ni Axel, o ang panlalalim ng tingin nito kay Heather. Hindi niya nakita ang unti-unting pagdilim ng ekspresyon ng lalaki.Dahil ang tanging nakikita niya lang ay ang isang eksenang hindi niya inaasahang masasaksihan.“Selena—”Mababang tawag iyon mula kay Axel.Tumitig siya sa dalawa. Walang emosyon sa kanyang mukha. Walang sigaw. Walang tanong.Pero malamig ang boses niya, tulad ng isang talim na idinadaan sa yelo.“Mukhang naistorbo ko kayo pero huwag kayong mag-alala. Hindi ako puma
“Sa tono ng pananalita mo parang hindi lang simpleng tanong ang pakay mo, Nessa,” aniya, halata niyang may pakay ito.“Sobra ka naman magsalita, Selena,” umarte na parang nasaktan sa sinabi niya.Ilan sa mga pumasok sa banyo ay pinagtinginan sila at mahinang nagbulungan sa drama na nangyayari.“Ano ba naman ang mga ‘to…”“Oo nga, hanggang dito ba naman sa banyo may nag-aaway.”“Sinabi mo pa, kaawa tuloy yung isang babae…”Napangsinghal na lamang si Selena. Tila ayaw na makisali sa drama na gustong likhain ni Nessa. Nais na sanang lumabas ni Selena ng banyo ng tahimik pero natigilan siya sa sinabi ni Nessa.“Wala ka man lang bang awa kila Mom at Dad, Selena? Hirap na hirap na sila bayaran ang mga utang natin. Hindi na rin nila alam saan pa kukunin ang pera para masigurong hindi tayo saktan ng mga tauhan ng loanshark. Talaga bang wala kang puso pa sa amin, Selena?” may luhang pumapatak mula sa mga mata nito, akala mo’y pang-oscar ang acting.Sumimangot si Selena. “Nessa, ano naman ang k