Semua Bab ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-: Bab 51 - Bab 60

80 Bab

CHAPTER (51)

Kabanata 51 – Ang Lihim na Pag-uusap Malamig ang gabi, at ang madilim na kalsada ay tanging liwanag mula sa mga poste ng ilaw ang nagsisilbing gabay. Habang hawak ang cellphone, nanginginig ang kamay ni Emma. Ang mensaheng natanggap niya ay nagbigay ng pag-aalala—isang address at ang mga salitang “Mahalaga.” Hindi siya sigurado kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit may takot na nag-uumalab sa kanyang dibdib. Akala niya’y si Victoria ang makikipag-usap sa kanya ukol sa larawan ng dinner, kaya’t nagdesisyon siyang puntahan. "Isa lang ang kailangan ko. Sagutin ko lang ito, at makakausap ko siya," sabi ni Emma sa sarili, ngunit ramdam niyang hindi madali ang bawat hakbang na tinatahak niya patungo sa lugar na ibinigay. Ang mga kaluskos ng mga dahon sa ilalim ng kanyang mga paa ay nagsisilbing babala sa kanya, ngunit hindi siya huminto. Habang abala siya sa paglalakad at pag-iisip, isang tawag na naman ang tumunog mula sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

CHAPTER (52)

Kabanata 52 – "NAGUGULUHAN" Hindi na alam ni Emma kung saan magsisimula. Ang bawat hakbang na ginagawa niya ay tila mas mabigat, mas mahirap, at ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ay naging malalalim na sugat na hindi kayang pagalingin ng mga simpleng sagot. Habang siya ay naglalakad pauwi, napansin niyang wala na ang mga tunog ng kalikasan—ang hangin, ang mga ibon, at ang mga kaluskos ng mga dahon—lahat ay tila nawawala. Lahat ng kanyang nararamdaman ay nagiging isang malupit na kabiguan, at ang sakit sa kanyang puso ay nagsimula nang mag-umapaw. Nakaupo siya sa isang bangko sa isang parke, ang mga mata ay naglalakbay sa kalangitan na tinatanglawan ng malamlam na buwan. Walang ibang tao sa paligid, at sa sandaling iyon, naramdaman niyang siya lang ang natirang buhay na kaluluwa sa buong mundo. Ang cellphone niya ay patuloy na nag-vibrate sa kanyang bag, ngunit ayaw niyang sagutin. Hindi na niya alam kung anong sasabihin, kung paano magpapaliw
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

CHAPTER (53)

Kabanata 53 "PANLILINLANG"Mabigat ang hakbang ni Chase habang papalapit sa kanyang opisina. Nasa kamay niya ang mga papeles—mga ebidensiyang nagdudugtong kay Emma sa isang hindi maipaliwanag na transaksyon. Hindi niya alam kung paano niya ito ipoproseso. Galit ba ang dapat niyang maramdaman? Pagtataksil ba ang ituturing niya rito? O isang mas malaking laro ang niluluto sa kanyang paligid?Pagdating sa opisina, agad siyang bumaling kay Ethan, ang kanyang pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan. "Hanapin mo lahat ng koneksyon ng perang ito. Saan galing, sino ang nagpadala, at higit sa lahat, bakit napunta ito kay Emma."Napatingin si Ethan sa hawak na dokumento. "Boss, sigurado ka bang si Ms. Sinclair talaga ang may kinalaman dito?"Napakuyom ang kamao ni Chase. "'Yan ang gusto kong malaman."Samantala, si Emma naman ay tahimik na nakaupo sa isang coffee shop, malayo sa gulo ng opisina. Hawak niya ang cellphone, nag-aalangan kung dapat ba niyang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

CHAPTER (54)

Kabanata 54: Ang Laban ng mga KatotohananHabang nakatayo si Chase at Emma sa gitna ng tensyon, tila ang mundo sa paligid nila ay huminto. Ang bawat salita, bawat tanong, at bawat sagot ay nagiging mga sandata sa isang labanan na hindi nila inaasahang haharapin.“Chase, pakinggan mo ako,” pakiusap ni Emma, ang kanyang boses ay naglalaman ng takot at pag-asa. “Hindi ko alam kung paano napunta ang perang iyon sa pangalan ko, pero hindi ko ito ginawa. May mas malaking bagay na nangyayari.”Ngunit hindi nakikinig si Chase. Ang kanyang galit ay tila unti-unting nagiging poot. “Hindi mo ako maaasahan, Emma. Ang mga ebidensiyang ito ay nagpapakita na hindi ka nagtapat sa akin. Paano kita mapagkakatiwalaan?”Patuloy na nanginginig ang kamay ni Emma habang binubuksan ang folder na kanyang dala. “Tingnan mo ang mga dokumento. Ipinapakita nito na may mga transaksyon na hindi ko alam. May nagmamanipula sa atin, at sigurado akong si Victoria ang nasa likod nit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

CHAPTER (55)

Kabanata 55 "Pamana at Pagsubok"Habang nasa opisina ng Chase Donovan Enterprises, nakaupo si Chase sa kanyang swivel chair, nakatingin sa malayo habang ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. Bakit siya biglang ipapatawag ng kanyang Lolo? May kinalaman ba ito sa mga nangyayari sa kompanya? O may mas malalim pang dahilan?Sa gitna ng kanyang pag-iisip, biglang tumunog ang kanyang cellphone, Kinuha niya ito mula sa kanyang mesa at nakita ang pangalan ng kanyang sekretarya sa screen. "Mr. Donovan, nasa linya po si Don Esteban. Gusto po kayong makausap." Tumawag na sakin si Lolo kanina tumawag naman ulit.Napabuntong-hininga si Chase bago sinagot ang tawag. "Lolo?""Chase, umuwi ka ngayon din sa Donovan Mansion. May mahalaga akong sasabihin sa’yo," direktang sabi ng kanyang Lolo, walang pasikot-sikot."Ngayon din?" tanong ni Chase, bahagyang naguguluhan. "Nasa opisina pa ako. Ano ba ang—""Basta, umuwi ka na. Huwag mo akon
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

CHAPTER (56)

Kabanata 56 "Sa Piling ng Ala-ala"Habang papalabas na si Chase mula sa Donovan Mansion, isang pamilyar ngunit matigas na tinig ang pumigil sa kanya."Chase!"Tumigil siya sa paghakbang at dahan-dahang lumingon. Nakita niya ang kanyang ama, si Chester Donovan, nakatayo sa may pintuan ng opisina ng kanyang Lolo. May matigas na titig ito, puno ng determinasyon at hinanakit."Ako ang ama mo, Chase," matigas na sabi ni Chester. "Andito pa ako. Dapat ako ang humahawak sa kumpanya, hindi ikaw!"Napangisi si Chase, ngunit wala ni bahagyang saya sa kanyang mga mata. "Dad—ikaw ang humawak noon, pero anong ginawa mo? Muntikan nang malugi ang kumpanya sa mga maling desisyon mo. Kung inayos mo pa sana, eh di ikaw pa rin ang namumuno hanggang ngayon."Napalunok si Chester, ngunit hindi siya natinag. "Hindi mo naiintindihan ang lahat ng nangyari—""Isa pa, Dad," putol ni Chase. "Kung may reklamo ka, wag ako ang kausapin mo tungkol diy
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

CHAPTER (57)

Kabanata 57: Pagitan ng Dalawang MundoMadilim at tahimik ang paligid nang dumating si Chase sa lumang bahay ni Emma. Ang dating tahanan na puno ng masasayang alaala ay ngayo’y tila napag-iwanan ng panahon. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan, tangan ang isang papel na kanina pa bumabagabag sa kanyang isipan."Regret to inform you that due to your failure to settle the remaining balance, the property located at Lot 23, Greenfield Subdivision, Quezon City, will be foreclosed within thirty (30) days."Mahigpit niyang hinawakan ang papel. Alam na niya ang tungkol sa bahay—ito ang dahilan kung bakit pumayag si Emma na magpakasal sa kanya. Alam niyang sa simula pa lang ito na ang pinaka importanting bagay para sa kanya. Luma na pero pag ni-renovate ito ay gaganda ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at kumatok. "Emma?"Walang tugon.Pinisil niya ang doorknob at bahagyang itinulak ang pinto. Hindi naka-lock. Dah
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

CHAPTER (58)

Kabanata 58: Kasunduan at Lason Isang mainit na umaga ang sumalubong kina Chase at Emma kinabukasan. Magkayakap silang natulog sa lumang sofa—pagod ngunit kontento, tila ba ang lahat ng sakit ay nahilom kahit panandalian lamang. Ngunit sa bawat saya, may laging nakatagong paalala. Habang nakahiga pa si Emma sa braso ni Chase, nag-ring ang cellphone nito. Tumayo si Chase upang sagutin. Isang mensahe mula sa legal team. “Reminder: One-year marriage agreement clause to be reviewed before final processing of title transfer to spouse.” Nanigas ang katawan ni Chase. Isang taon. Hindi lang basta kasunduan—isang kontratang sinang-ayunan nilang dalawa. Ngunit ngayon, sa bawat sandaling kasama niya si Emma, lumalabo ang hangganan ng kasunduan at ng tunay na damdamin. Bumalik siya sa tabi ni Emma, pinagmamasdan ang mapayapa nitong mukha. “Isang taon lang ba talaga?” tanong ng isipan niya, ngunit hindi niya na kayang banggitin sa babae ang laman ng mensahe. --- Lumipas ang mga araw
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

CHAPTER (59)

Kabanata 59 – Flashback ni Chase Hawak pa rin ni Chase ang confidential report mula sa private investigator habang nakaupo sa study room ng penthouse. Ilang minuto na siyang tahimik, pero ang isip niya, bumabalik sa isang gabi—dalawang taon na ang nakalipas.Noong sila pa ni Victoria.Hindi niya makakalimutan ang eksenang iyon. Paakyat siya noon sa isang hotel sa Makati kung saan gaganapin ang surprise dinner na inihanda niya para sa anniversary nila. Pero bago pa siya makarating sa private function room, dumaan siya sa lobby—at doon niya nakita si Victoria.Kasama ang isang lalaking banyaga. Nakasuot ito ng fitted dress, at habang nakaupo sa couch ng lobby, may halik ito sa pisngi ng lalaki, at tila may hinihintay silang room assignment.Nanigas si Chase noon. Gusto niyang lapitan, tanungin, komprontahin. Pero pinili niyang umalis nang hindi nagpapakita.At mula noong gabing ‘yon, unti-unti siyang lumamig kay Victoria—hanggang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

CHAPTER (60)

KABANATA 60Pusong PiniliMaagang dumating si Emma sa penthouse ni Chase. Bitbit ang laptop at ilang dokumento, handa na siyang tumulong sa mga susunod na meeting na ipina-schedule ni Chase.Pagbukas niya ng pinto, nandoon na si Chase, nakasuot ng simpleng white shirt at dark slacks—kalmado, pero may kakaibang ngiti sa labi.“Handa ka na ba?” tanong ni Chase, habang sinisipat ang laman ng kanyang bag.Tumango si Emma. “Meeting with the investors, right?”Chase nodded. “Mahalaga ‘to. One week tayong mawawala.”Hindi na nagtaka si Emma. Business trip, gaya ng dati. Pero may kutob siyang may kakaiba ngayon. Lalo na’t si Chase mismo ang nagpa-pack ng maleta—at hindi para sa formal meetings.Pagkalipas ng ilang oras, nasa private jet na sila. Tahimik si Emma habang binabalikan ang itinerary na ibinigay sa kanya ni Mia. Pero wala ni isang pangalan ng investor ang pamilyar. Karamihan ay walang detalye.“Chase?
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
345678
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status