Kabanata 55 "Pamana at Pagsubok"
Habang nasa opisina ng Chase Donovan Enterprises, nakaupo si Chase sa kanyang swivel chair, nakatingin sa malayo habang ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. Bakit siya biglang ipapatawag ng kanyang Lolo? May kinalaman ba ito sa mga nangyayari sa kompanya? O may mas malalim pang dahilan?Sa gitna ng kanyang pag-iisip, biglang tumunog ang kanyang cellphone, Kinuha niya ito mula sa kanyang mesa at nakita ang pangalan ng kanyang sekretarya sa screen."Mr. Donovan, nasa linya po si Don Esteban. Gusto po kayong makausap." Tumawag na sakin si Lolo kanina tumawag naman ulit.Napabuntong-hininga si Chase bago sinagot ang tawag. "Lolo?""Chase, umuwi ka ngayon din sa Donovan Mansion. May mahalaga akong sasabihin saâyo," direktang sabi ng kanyang Lolo, walang pasikot-sikot."Ngayon din?" tanong ni Chase, bahagyang naguguluhan. "Nasa opisina pa ako. Ano ba angâ""Basta, umuwi ka na. Huwag mo akonKabanata 56 "Sa Piling ng Ala-ala"Habang papalabas na si Chase mula sa Donovan Mansion, isang pamilyar ngunit matigas na tinig ang pumigil sa kanya."Chase!"Tumigil siya sa paghakbang at dahan-dahang lumingon. Nakita niya ang kanyang ama, si Chester Donovan, nakatayo sa may pintuan ng opisina ng kanyang Lolo. May matigas na titig ito, puno ng determinasyon at hinanakit."Ako ang ama mo, Chase," matigas na sabi ni Chester. "Andito pa ako. Dapat ako ang humahawak sa kumpanya, hindi ikaw!"Napangisi si Chase, ngunit wala ni bahagyang saya sa kanyang mga mata. "Dadâikaw ang humawak noon, pero anong ginawa mo? Muntikan nang malugi ang kumpanya sa mga maling desisyon mo. Kung inayos mo pa sana, eh di ikaw pa rin ang namumuno hanggang ngayon."Napalunok si Chester, ngunit hindi siya natinag. "Hindi mo naiintindihan ang lahat ng nangyariâ""Isa pa, Dad," putol ni Chase. "Kung may reklamo ka, wag ako ang kausapin mo tungkol diy
Kabanata 57: Pagitan ng Dalawang MundoMadilim at tahimik ang paligid nang dumating si Chase sa lumang bahay ni Emma. Ang dating tahanan na puno ng masasayang alaala ay ngayoây tila napag-iwanan ng panahon. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan, tangan ang isang papel na kanina pa bumabagabag sa kanyang isipan."Regret to inform you that due to your failure to settle the remaining balance, the property located at Lot 23, Greenfield Subdivision, Quezon City, will be foreclosed within thirty (30) days."Mahigpit niyang hinawakan ang papel. Alam na niya ang tungkol sa bahayâito ang dahilan kung bakit pumayag si Emma na magpakasal sa kanya. Alam niyang sa simula pa lang ito na ang pinaka importanting bagay para sa kanya. Luma na pero pag ni-renovate ito ay gaganda ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at kumatok. "Emma?"Walang tugon.Pinisil niya ang doorknob at bahagyang itinulak ang pinto. Hindi naka-lock. Dah
Kabanata 58: Kasunduan at Lason Isang mainit na umaga ang sumalubong kina Chase at Emma kinabukasan. Magkayakap silang natulog sa lumang sofaâpagod ngunit kontento, tila ba ang lahat ng sakit ay nahilom kahit panandalian lamang. Ngunit sa bawat saya, may laging nakatagong paalala. Habang nakahiga pa si Emma sa braso ni Chase, nag-ring ang cellphone nito. Tumayo si Chase upang sagutin. Isang mensahe mula sa legal team. âReminder: One-year marriage agreement clause to be reviewed before final processing of title transfer to spouse.â Nanigas ang katawan ni Chase. Isang taon. Hindi lang basta kasunduanâisang kontratang sinang-ayunan nilang dalawa. Ngunit ngayon, sa bawat sandaling kasama niya si Emma, lumalabo ang hangganan ng kasunduan at ng tunay na damdamin. Bumalik siya sa tabi ni Emma, pinagmamasdan ang mapayapa nitong mukha. âIsang taon lang ba talaga?â tanong ng isipan niya, ngunit hindi niya na kayang banggitin sa babae ang laman ng mensahe. --- Lumipas ang mga araw
Kabanata 59 â Flashback ni Chase Hawak pa rin ni Chase ang confidential report mula sa private investigator habang nakaupo sa study room ng penthouse. Ilang minuto na siyang tahimik, pero ang isip niya, bumabalik sa isang gabiâdalawang taon na ang nakalipas.Noong sila pa ni Victoria.Hindi niya makakalimutan ang eksenang iyon. Paakyat siya noon sa isang hotel sa Makati kung saan gaganapin ang surprise dinner na inihanda niya para sa anniversary nila. Pero bago pa siya makarating sa private function room, dumaan siya sa lobbyâat doon niya nakita si Victoria.Kasama ang isang lalaking banyaga. Nakasuot ito ng fitted dress, at habang nakaupo sa couch ng lobby, may halik ito sa pisngi ng lalaki, at tila may hinihintay silang room assignment.Nanigas si Chase noon. Gusto niyang lapitan, tanungin, komprontahin. Pero pinili niyang umalis nang hindi nagpapakita.At mula noong gabing âyon, unti-unti siyang lumamig kay Victoriaâhanggang
KABANATA 60Pusong PiniliMaagang dumating si Emma sa penthouse ni Chase. Bitbit ang laptop at ilang dokumento, handa na siyang tumulong sa mga susunod na meeting na ipina-schedule ni Chase.Pagbukas niya ng pinto, nandoon na si Chase, nakasuot ng simpleng white shirt at dark slacksâkalmado, pero may kakaibang ngiti sa labi.âHanda ka na ba?â tanong ni Chase, habang sinisipat ang laman ng kanyang bag.Tumango si Emma. âMeeting with the investors, right?âChase nodded. âMahalaga âto. One week tayong mawawala.âHindi na nagtaka si Emma. Business trip, gaya ng dati. Pero may kutob siyang may kakaiba ngayon. Lalo naât si Chase mismo ang nagpa-pack ng maletaâat hindi para sa formal meetings.Pagkalipas ng ilang oras, nasa private jet na sila. Tahimik si Emma habang binabalikan ang itinerary na ibinigay sa kanya ni Mia. Pero wala ni isang pangalan ng investor ang pamilyar. Karamihan ay walang detalye.âChase?
KABANATA 61: Kapalit ng Isang Bag ng DugoTahimik ang silid. Tanging mahinang beep ng monitor ang maririnig. Nasa kalagitnaan pa ng tulog si Emma, ang mukha niya ay payapa, pero may bahid ng pagod at panghihina.Sa gilid ng kama, unti-unting bumangon si Chase. Muling tinapunan ng tingin ang mukha ni Emmaâtila ayaw niyang umalis. Ngunit kailangan.Mabigat ang mga hakbang niya habang palabas ng silid, bitbit ang bigat ng kasunduang kailanman ay hindi niya ginustong pasukin. Habang naglalakad siya sa hallway ng ospital, isang tawag ang muling pumasok sa kanyang telepono.Victoria.At gaya ng inaasahan, wala siyang ibang magawa kundi sagutin ito.âPupunta na ako,â mahinang sagot niya bago tuluyang pinutol ang tawag.Naisip niya ang sinabi ng doctor na nag-asikaso ky Emma, pag umulit muli na mahimatay ang pasyente kailanganin niya ulit ng Isang bag pa na dugo at ini-examin pa namin sa laboratory ang dugo niya, at kung pag gis
KABANATA 62 "Paniningil"Isang sunod-sunod na missed calls mula kay Victoria ang bumungad kay Chase pagkagising niya. Wala siyang planong sagutin. Ilang araw na rin siyang iniiwasan ang babaeâat alam niyang hindi ito basta titigil.Habang nasa opisina, may dumating na bagong mensahe:Victoria:âMay pinirmahan tayong kasunduan, Chase. Hindi mo pwedeng baliwalain iyon.âNapakurap si Chase. Sa dami ng iniisip niya ngayon, ito pa ang sumingit."Kasunduan?" bulong niya sa sarili.Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagkakaganito si Victoria. Noon, malinaw naman sa usapan nilang walang personalan. Pero ngayon, parang may ibang hinihingi ang babae. Mas higit pa sa napagkasunduan nila.Habang pinagmamasdan niya ang mensahe, napailing siya. Hindi niya kayang harapin ito ngayon. Hindi pa.Sa gitna ng lahat ng ito, si Emma ang laman ng isipan niya.Bagamaât ilang araw na rin ang lumipas, hindi niya maga
KABANATA 63"Babala"Madaling araw na, ngunit hindi pa rin mapakali si Chase.Nakatitig siya sa screen ng kanyang laptop, habang sunod-sunod ang paglabas ng mga email na hindi man lang niya nababasa. Sa halip, nakabukas ang isang folderâCCTV snapshots. Mga larawang galing sa taong inutusan niyang bantayan si Emma mula sa malayo.Isang larawan ang nanlamig sa puso niya.Si Emma, mahimbing na natutulog sa sofa. Yakap ang throw pillow, at nakasilip ang kaliwang paa sa gilid ng kumot. Kita sa mukha ang pagod, ngunit mas matindi roonâang lungkot.Napapikit si Chase. Anong ginagawa ko? Bakit niya ito pinapayagang masaktan?Gusto niyang tawagan si Emma. Gusto niyang puntahan ito, yakapin, humingi ng tawad, ipaliwanag ang lahat. Pero may isa pang bagay na kailangang harapin. Mas delikado. Mas mapanganib.Tumunog ang cellphone niya.Unknown number. Pero hindi na niya kailangang hulaan. Alam na niya kung sino ito
Kabanata 90: "PAGSABOG NG KATOTOHANAN"Biglang bumukas ang pinto ng silid.Pumasok ang security personnel ng ospital, kasunod ang dalawang pulis na mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila."Hawak na namin ang CCTV footage. Mr. Chester Donovan, you are under arrest for attempted murder," malamig na anunsyo ng isa sa mga pulis.Napatras si Chester, napatingin kay Anabelle. "T-teka! Hindi pa ako handa! Hindi akoâ""Tahimik!" sigaw ng pulis habang isinusuot ang posas sa kanyang pulso. "Lahat ng sinabi mo ay pwedeng gamitin laban saâyo sa korte."Si Anabelle ay nanatiling nakatayo, nanginginig, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Napatingin siya kay Chase, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking walang kahit kaunting awa sa kanyang mga mata."Chase, anak... ako ito."Mabigat ang titig ni Chase. "Hindi kita ina sinabi ko naa saiyo kanina, don't call me anak! Hindi mo kailanman pinalaki ako, noon
KABANATA 89: HUSTISYATahimik ang gabi sa ospital. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig habang nakahiga si Don Esteban sa kama, nakapikit at walang malay. Nasa tabi lang niya ang private nurse, tahimik na nagbabantay.Sa labas ng kwarto, nakaupo si Chase sa hallway, hawak ang cellphone ngunit walang balak tumawag. Mahigpit ang hawak niya sa isang maliit na plastikâmga gamot na nakuha niya mula sa drawer ng kanyang tinuring na Lolo yun pala ay ang kanyang totoong ama bago pa siya dalhin sa ospital. May kutob na siyang mali, at ngayong hindi pa rin magising si Don Esteban, kailangan na niyang kumilos.Tumayo si Chase, walang sinabi kahit kanino. Iniwan niya ang ospital ng walang ingay, sakay ng kanyang sasakyan at dumiretso pabalik sa Donovan Mansion.Tahimik din sa mansion nang dumating siya. Wala ni isang tao sa sala. Ang mga ilaw ay bukas, pero walang kasambahay sa paligid. Maingat siyang umakyat sa silid ni Don Esteban, bitbit ang duplicate
kabanata 88: "TOXIC NA LIHIM"Dumating ang ambulansya sa harap ng mansyon, mabilis at maingay ang dating nito. Agad na ibinaba ng mga medics ang stretcher at maingat na isinakay si Don Esteban na wala pa ring malay."Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Anabelle habang lumalapit, halatang nanginginig sa takot at galit. "Bakit nangyari âto?!" Nangingilid ang luha niya habang tinititigan si Don Esteban na walang reaksyon sa stretcher.Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. Ang tensyon sa paligid ay parang bombang anumang oras ay puputok."May sasama ba sa amin?" tanong ng driver ng ambulansya, lumingon-lingon sa paligid."Ako," agad na tugon ni Chase, walang alinlangan.Sumakay siya sa ambulansya, hawak pa rin ang kamay ng matandang lalaki. Habang umaandar ang sasakyan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang bawat saglit na lumilipas.Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga doktor at nurse. Dumeretso sila sa emergenc
Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emmaâisang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.âChase... saan mo nakuha âtong picture na âto?â tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.âNoong umalis ka,â panimula niya, âhinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand
Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.âChase,â bungad ng babae, agad na nagtatanong. âSino ang kasama mo sa loob?âTumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. âWala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?âUmirap si Victoria at hindi natinag. âBakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.âNapailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. âVictoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na saâyo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?âTumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. âSige, Chase. Kung ganyan ang trato mo saâkin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!âNapangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. âTalaga ba, Victoria? Tinatakot
Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang
KABANATA 84âSa Unang PagkakataonââShe calls me⊠D-daddy?âHindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari itoâkung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.âAmara,â bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. âSinabi mo ba âyon, anak?âTumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.âTinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, âdi ba?â inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emmaâtila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.
KABANATA 83 âSaglit na KatahimikanâTahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chaseâparehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.âHello?ââEmma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!â agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. âNabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?âNapakagat-labi si Emma. âOo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara⊠si Chase ang mahirap intindihin.ââGusto mong puntahan kita?â tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. âAy, wait⊠teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang⊠huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?â
KABANATA 82âWalang IbaâHuminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labasâtila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynilaâhindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niyaây buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.âMalapit na ako,â mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. âDito lang ako. At sana, ako na lang⊠wala nang iba.âPag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungadânaka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp