KABANATA 63"Babala"Madaling araw na, ngunit hindi pa rin mapakali si Chase.Nakatitig siya sa screen ng kanyang laptop, habang sunod-sunod ang paglabas ng mga email na hindi man lang niya nababasa. Sa halip, nakabukas ang isang folder—CCTV snapshots. Mga larawang galing sa taong inutusan niyang bantayan si Emma mula sa malayo.Isang larawan ang nanlamig sa puso niya.Si Emma, mahimbing na natutulog sa sofa. Yakap ang throw pillow, at nakasilip ang kaliwang paa sa gilid ng kumot. Kita sa mukha ang pagod, ngunit mas matindi roon—ang lungkot.Napapikit si Chase. Anong ginagawa ko? Bakit niya ito pinapayagang masaktan?Gusto niyang tawagan si Emma. Gusto niyang puntahan ito, yakapin, humingi ng tawad, ipaliwanag ang lahat. Pero may isa pang bagay na kailangang harapin. Mas delikado. Mas mapanganib.Tumunog ang cellphone niya.Unknown number. Pero hindi na niya kailangang hulaan. Alam na niya kung sino ito
KABANATA 64"Bitag"Sa dami ng tawag ni Chase, wala ni isa man ang sinagot ni Emma. Patay ang cellphone nito.Gabing-gabi na, pero hindi pa rin mapakali si Emma habang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Ilang ulit na niyang tiningnan ang cellphone—wala pa ring text o tawag mula kay Chase. May kaba sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.Hanggang sa bigla itong tumunog.Unknown Number.Nag-alinlangan siya. Pero sa huli, sinagot din niya ito.“Hello?”“Ms. Emma Sinclair?” malamig ang boses sa kabilang linya.“Opo. Sino po sila?”“May nangyari po kay Mr. Chase Donovan. Nasa—nasa ospital po siya ngayon.”Nanlaki ang mga mata ni Emma.“Ano?! Anong ospital?! Anong nangyari sa kanya?”“Ipapadala ko po ang address. Huwag na po kayong magsama ng iba. Confidential po ang kalagayan niya.”Nagpadala ng mensahe. Isang address. Walang ibang detalye.---
KABANATA 65 "Walang Nakinig"Mabilis ang lakad ni Chase palabas ng gusaling iyon, habang mariing nakasara ang kanyang panga at nanggagalaiti ang dibdib sa sobrang galit at sakit. Wala siyang pakialam kung anong paliwanag pa ang ibigay ni Emma. Wala na. Tapos na.Nang maisara niya ang pinto ng sasakyan, agad niyang pinaharurot iyon palayo, hindi man lang nililingon kung anong naiwan.Samantala, si Emma ay nakatayo lang sa harap ng pintong isinara ni Chase, tahimik na umaagos ang mga luha. Nanghina ang kanyang mga tuhod at napaupo siya sa malamig na sahig ng hotel corridor."Hindi man lang niya ako pinakinggan," bulong niya sa sarili, habang patuloy ang pagtulo ng luha. "Hindi man lang niya ako tinanong kung totoo..."Hawak-hawak niya ang cellphone habang nanginginig ang mga kamay. Ilang ulit niyang tiningnan ang contact ni Chase. Paulit-ulit niyang tinangkang tawagan ito. Busy. Denied. Walang sagot.Hanggang sa sa huli, wala na si
KABANATA 66: “Bakit Pa Ako?”Hindi na nakapaghintay si Emma. Hindi na siya mapakali. Hawak niya ang pregnancy test sa loob ng kanyang bag—dalawa, parehong may dalawang malinaw na guhit At Ang papel record niya sa hospital 8 weeks so it means buntis ako ng dalawang buwan?. Buntis siya. At kailangan niyang sabihin 'yon kay Chase.Umaga pa lang, tumungo na siya sa penthouse nila. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri habang pinipindot ang doorbell. Binuksan ito ng kasambahay, at agad siyang tinanong, “Ma’am Emma?” Buti nagbakin po kayo?“Si Chase... nandiyan ba siya?” tanong niya, pilit pinapakalma ang tinig.Umiling ang kasambahay. “Umalis po, Ma’am. May lakad daw po siya. Nakabihis na po nang umalis kanina, parang may importanteng meeting.”Napayuko si Emma, pilit pinipigil ang kabog ng dibdib. “Saan siya pumunta?”“Wala po siyang sinabi, Ma’am. Pero nakaayos po talaga siya kanina, parang may dinner.”Nagpasalamat na
Kabanata 67 – Bagong SimulaSa wakas, nakalayo rin si Emma sa magulong lungsod. Sa dami ng sugat sa puso at isip, tanging ang katahimikan lang ng probinsya ang maaaring makapagpagaling sa kanya. Kaya nang inalok siya ni Mia na pansamantalang mamalagi sa Southern Leyte, hindi na siya nagdalawang-isip.Ang bahay na tinutuluyan nila ay pag-aari ng tiyahin ni Mia na ngayon ay nasa United Kingdom. Malapit ito sa dagat at bundok, malamig ang simoy ng hangin, at puro sariwang tanawin lang ang makikita sa paligid. Malayo sa ingay, sa problema, at sa alaala ni Chase Donovan.“Parang panaginip 'no?” ani Mia habang nakatayo sa beranda ng lumang bahay, hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa.“Panaginip na sana huwag nang magising,” sagot ni Emma, nakatingin sa papalubog na araw. “Dito... parang kaya ko na ulit huminga.”Niyakap siya ni Mia mula sa likod. “Basta ako, nandito lang. Magkaibigan tayo—hanggang dulo.”Buti na lang talaga at m
Kabanata 68 – Buhay ng Bagong SimulaNasa isang tahimik na baryo sa Southern Leyte, patuloy na nagbabago ang buhay ni Emma. Habang pinapanday ang araw-araw na rutina, siya at si Mia ay nagsusumikap sa kanilang negosyo ng ihawan. Ang simpleng buhay sa probinsya ay nagbigay ng kapayapaan kay Emma, at unti-unti niyang nararamdaman ang mga maliliit na kasiyahan. Isang magandang tanawin, ang sariwang hangin, at ang mga taong tumutulong sa kanya—ang mga ito ang mga bagay na tinatangkilik niya ngayon.Si Mia naman ay tuloy ang pagbibigay ng suporta sa kaibigan, lalo na sa mga araw ng mga bagong hamon. Nagkakaroon sila ng mga bonding moments habang tinutulungan nila ang kanilang tindera, si Lourdes, na siya namang patuloy na lumalago sa kanilang simpleng negosyo.Ngunit hindi rin nakaligtas si Emma sa mga masalimuot na alalahanin tungkol sa kanyang sitwasyon—buntis siya at wala sa plano niyang maghanap ng bagong pagmamahal. Dahil sa lahat ng nangyari, natutun
Kabanata 69 – Mga Pagdududa at DesisyonMatapos ang mga linggong puno ng abala at pagpapasya sa kumpanya, si Chase Donovan ay naupo sa kanyang opisina, nag-iisa, at iniisip ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo. Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga papel na nakakalat sa lamesa—mga kontrata, meeting notes, at mga ulat ng negosyo. Pero sa kabila ng mga papeles at spreadsheets, wala sa mga iyon ang nagpapakilos sa kanya. Ang tanging naiisip niya ay si Emma."Anong nangyari sa akin?" tanong niya sa sarili. "Bakit hindi ko siya matanggal sa isipan ko?"Simula nang mawala si Emma, ang lahat ng bagay ay tila nagbago. Hindi na siya gaanong interesado sa mga bagay na dating nagbibigay saya sa kanya. Nagsimula siyang magduda sa mga desisyon niya—sa kanyang buhay, sa negosyo, at pati na rin sa mga relasyon niya. Hindi na niya kayang balewalain ang nararamdaman niya kay Emma, ngunit hindi rin niya alam kung paano siya haharapin ang lahat ng ito.Sa i
Kabanata 70 – Paglaho ng Pag-asa at Paghahanap ng PagkakataonHabang patuloy na tinatanggap ni Chase ang mga tawag, mensahe, at responsibilidad ng negosyo, ang isang hindi matanggal-tanggal na thought sa kanyang isipan ay si Emma. Ang mga alaala nila ay tumatak sa kanyang puso at isipan. Minsan, hindi na siya makapagtrabaho ng maayos, dahil ang bawat pag-iisip ay bumabalik kay Emma—sa kanyang mga mata na puno ng takot at sakit, sa mga halakhak nilang dalawa habang nag-aasikaso ng negosyo, at sa mga sandali ng pagiging maligaya nila na tila bigla na lamang nawawala.“Nasan ka na ba, Emma?” tanong ni Chase habang ang mga kamay ay mahigpit na nakatangan sa gilid ng kanyang lamesa. Tinutok niya ang kanyang atensyon sa kanyang laptop, pero ang isipan niya’y naguguluhan. Lahat ng mga hakbang na ginawa niya sa mga nakaraang linggo ay hindi nakatulong sa paghahanap kay Emma. Lahat ng galit at pagkabigo ay bumabalik. Ang pakiramdam ng pagkawala ay isang pahirap na hindi niy
Kabanata 90: "PAGSABOG NG KATOTOHANAN"Biglang bumukas ang pinto ng silid.Pumasok ang security personnel ng ospital, kasunod ang dalawang pulis na mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila."Hawak na namin ang CCTV footage. Mr. Chester Donovan, you are under arrest for attempted murder," malamig na anunsyo ng isa sa mga pulis.Napatras si Chester, napatingin kay Anabelle. "T-teka! Hindi pa ako handa! Hindi ako—""Tahimik!" sigaw ng pulis habang isinusuot ang posas sa kanyang pulso. "Lahat ng sinabi mo ay pwedeng gamitin laban sa’yo sa korte."Si Anabelle ay nanatiling nakatayo, nanginginig, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Napatingin siya kay Chase, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking walang kahit kaunting awa sa kanyang mga mata."Chase, anak... ako ito."Mabigat ang titig ni Chase. "Hindi kita ina sinabi ko naa saiyo kanina, don't call me anak! Hindi mo kailanman pinalaki ako, noon
KABANATA 89: HUSTISYATahimik ang gabi sa ospital. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig habang nakahiga si Don Esteban sa kama, nakapikit at walang malay. Nasa tabi lang niya ang private nurse, tahimik na nagbabantay.Sa labas ng kwarto, nakaupo si Chase sa hallway, hawak ang cellphone ngunit walang balak tumawag. Mahigpit ang hawak niya sa isang maliit na plastik—mga gamot na nakuha niya mula sa drawer ng kanyang tinuring na Lolo yun pala ay ang kanyang totoong ama bago pa siya dalhin sa ospital. May kutob na siyang mali, at ngayong hindi pa rin magising si Don Esteban, kailangan na niyang kumilos.Tumayo si Chase, walang sinabi kahit kanino. Iniwan niya ang ospital ng walang ingay, sakay ng kanyang sasakyan at dumiretso pabalik sa Donovan Mansion.Tahimik din sa mansion nang dumating siya. Wala ni isang tao sa sala. Ang mga ilaw ay bukas, pero walang kasambahay sa paligid. Maingat siyang umakyat sa silid ni Don Esteban, bitbit ang duplicate
kabanata 88: "TOXIC NA LIHIM"Dumating ang ambulansya sa harap ng mansyon, mabilis at maingay ang dating nito. Agad na ibinaba ng mga medics ang stretcher at maingat na isinakay si Don Esteban na wala pa ring malay."Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Anabelle habang lumalapit, halatang nanginginig sa takot at galit. "Bakit nangyari ‘to?!" Nangingilid ang luha niya habang tinititigan si Don Esteban na walang reaksyon sa stretcher.Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. Ang tensyon sa paligid ay parang bombang anumang oras ay puputok."May sasama ba sa amin?" tanong ng driver ng ambulansya, lumingon-lingon sa paligid."Ako," agad na tugon ni Chase, walang alinlangan.Sumakay siya sa ambulansya, hawak pa rin ang kamay ng matandang lalaki. Habang umaandar ang sasakyan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang bawat saglit na lumilipas.Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga doktor at nurse. Dumeretso sila sa emergenc
Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emma—isang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.“Chase... saan mo nakuha ‘tong picture na ‘to?” tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.“Noong umalis ka,” panimula niya, “hinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand
Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.“Chase,” bungad ng babae, agad na nagtatanong. “Sino ang kasama mo sa loob?”Tumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. “Wala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?”Umirap si Victoria at hindi natinag. “Bakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.”Napailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. “Victoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na sa’yo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?”Tumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. “Sige, Chase. Kung ganyan ang trato mo sa’kin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!”Napangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. “Talaga ba, Victoria? Tinatakot
Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang
KABANATA 84“Sa Unang Pagkakataon”“She calls me… D-daddy?”Hindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari ito—kung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.“Amara,” bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. “Sinabi mo ba ‘yon, anak?”Tumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.“Tinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ‘di ba?” inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emma—tila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.
KABANATA 83 “Saglit na Katahimikan”Tahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chase—parehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.“Hello?”“Emma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!” agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. “Nabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?”Napakagat-labi si Emma. “Oo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara… si Chase ang mahirap intindihin.”“Gusto mong puntahan kita?” tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. “Ay, wait… teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang… huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?”
KABANATA 82“Walang Iba”Huminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labas—tila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynila—hindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niya’y buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.“Malapit na ako,” mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. “Dito lang ako. At sana, ako na lang… wala nang iba.”Pag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungad—naka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp