Ysabelle's POV Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Saglit akong natigilan nang mapansin kong may kakaiba sa paligid ko.Hindi ito ang simpleng kwarto na kinasanayan ko sa bahay namin.Ang matataas na kisame, ang chandelier na bumabalot sa buong silid sa ginintuang liwanag, ang malalambot na unan na parang ulap sa ilalim ng aking ulo—lahat ng ito ay paalala ng bagong mundo na kinasadlakan ko.At sa harapan ko, nakatayo si Lucian Villafuerte, nakapamulsa, nakatingin sa akin na parang isang hukom na naghihintay ng aking sentensiya."Good. You’re awake," malamig niyang sabi.Sinubukan kong umupo nang maayos, naguguluhan pa rin sa presensya niya sa kwarto ko."Lucian?" Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?"Hindi niya ako sinagot. Sa halip, itinuro niya ang mga mamahaling paper bags at designer boxes na nakasalansan sa gilid ng kwarto ko."Those are for you," aniya, walang emosyon. "Starting today, you will get rid o
Terakhir Diperbarui : 2025-03-25 Baca selengkapnya