Home / Romance / BE MY WIFE / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of BE MY WIFE: Chapter 21 - Chapter 30

31 Chapters

Chapter 021

DHALIA’s POVBakit ba apektadong-apektado ako? Maghunus-dili ka, Dhalia. Malayong magkagusto si Henri sa’yo. Napatingin ako sa orasan—alas-dos na nang madaling araw. Dapat ay mahimbing na akong natutulog, lalo pa’t may jetlag ako mula sa biyahe, pero heto ako, nakatulala sa kisame, nilalabanan ang bumabagabag sa aking puso’t isipan. Henri, bakit mo ba ako pinapahirapan? Hindi ko naman inaakalang lalo akong mahuhulog sa’yo. Napahilamos ako sa aking mukha at sinubukang iwasan ang pakiramdam na ito. Delikado na ako.Bumangon ako at nagpasiyang maglinis ng kuwarto. Inayos ko ang mga damit na dinala ko sa Bali—halos lahat ay galing kay Henri. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat umasa. Tama na ang pag-iilusyon. Sekretarya lang ako. Kung anuman ang ipinakita niyang kabaitan, sigurado akong walang ibig sabihin iyon para sa kanya. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagwawalis, isang tunog ng makina ang umalingawngaw mula sa labas. Huminto ang isang sasakyan sa bakuran. Bi
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 022

DHALIA's POV Ang magising na katabi si Henri ay isang pribilehiyo na hindi ko inakala na mararanasan ko. Mahimbing siyang natutulog, ang dibdib niyang matipuno ay banayad na tumataas-baba sa bawat hininga. Para siyang isang obra maestra ng Maykapal—sobrang gwapo, sobrang perpekto. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko napigilang yakapin siya at isiniksik ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ang init ng katawan niya, ang bango niya—nakakabaliw. Jusko, Dhalia, magtigil ka! Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapaisip. Ang lalaking ito, na imposible sanang maging akin, minahal ako. Ako. Sa dami ng babaeng puwedeng piliin ng isang Henri Garciaz, ako ang pinili niya. Nakangiti akong bumuntong-hininga. Napakaswerte ko talaga. Bago pa tuluyang lumalim ang kapilyahan sa isip ko, bumangon ako mula sa kama at lumabas ng silid upang maghanda ng almusal. Habang abala ako sa kusina, lumabas si Nanay mula sa kanyang silid. "Dhalia, anak, bakit parang ang saya-saya mo ng
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 023

DHALIA’s POV“Welcome back, Sir Henri! Ma’am Dhalia!” “Ang blooming naman ni Ma’am Dhalia!” “Update naman po! Babae o lalaki kaya ang nabuo n’yo?” Jusko! Napayuko ako sa hiya habang bumabati ang mga empleyado ng Garciaz Clothing Line. Talagang walang filter ang mga bibig ng mga ‘to! Lalo na itong si Rea, kaibigan ko at isa sa mga empleyado rito. Kung makatanong, akala mo alam na alam niya ang nangyari. Si Henri naman, natawa lang, bago ako hinapit sa bewang at binigyan ng halik sa ulo. “Tigilan niyo ‘yan, nahihiya tuloy ang misis ko.” Hiyawan at tilian ang sagot ng mga empleyado. Misis ko. Hindi lang pala masarap marinig ang tawag na asawa, pero ibang klase rin ang kilig na dala ng misis. Pagpasok namin sa opisina, agad akong hinila ni Henri sa kandungan niya. “Dhalia, sabi ko naman sa ‘yo, huwag ka nang magtrabaho. Dapat nasa bahay ka na lang.” Mahinang bulong niya sa tenga ko, sabay kagat sa dulo nito. Napasinghap ako, nakikiliti sa ginawa niya. Kanina pa niy
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Chapter 024

DHALIA’s POVTahimik akong nakaupo sa opisina, hawak pa rin ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Irina Lim bilang bagong modelo ng Garciaz Clothing Line. Ramdam ko ang malamig na singaw ng aircon, pero tila mas malamig pa ang nararamdaman ko sa loob. Bakit siya?Napatingin ako sa computer screen, pero kahit anong pilit kong ituon ang sarili sa trabaho, hindi ko magawang iwaksi ang gumugulong na tanong sa isip ko. Alam kaya ni Henri ang tungkol dito? Siya kaya ang pumili kay Irina?Gusto kong tawagan siya at itanong nang diretso. Pero natigil ako nang maalala ko ang sinabi ni Paula. ‘Pinuntahan siguro po ang Lim Company upang kausapin si Ms. Irina.’ Hindi ko alam kung bakit, pero may kirot na bumalot sa dibdib ko sa pag-iisip na silang dalawa ay muling magkikita. Ano ba, Dhalia? Hindi ba dapat kampante ka na? Ikaw ang asawa.Pero hindi ko mapigilan ang kaba. Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata. Kailangang kumalma. Kailangang magtiwala kay Henri. Pero p
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Chapter 025

DHALIA's POVPagkatapos ng tensyonadong usapan namin ni Henri, nagdesisyon akong manatili sa sala, pilit pinapalipas ang bigat sa dibdib. Nakaupo ako sa sofa, hawak ang baso ng gatas na kanina ko pa hindi naiinom. Samantalang si Henri naman ay tahimik na nakatayo sa tabi ko, waring may gustong sabihin pero nag-aalangan. "Baby," basag niya sa katahimikan. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. "Hindi mo kailangang mag-alala kay Irina."Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. "Para sa negosyo lang talaga ‘yun," dagdag niya. "At kung nag-aalala ka kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo, hindi ko lang gustong mabahala ka nang hindi naman kailangan.” Tumingin ako sa kanya. "Pero bakit siya, Henri? Maraming ibang modelo." Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Alam kong hindi mo gusto, pero ito ang pinakamagandang desisyon para sa kumpanya. Ikaw ang asawa ko, Dhalia. Hindi siya." May kung anong init ang lumukob sa puso ko sa
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Chapter 026

DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Chapter 027

DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Chapter 028

HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Chapter 029

DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Chapter 030

DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n
last updateLast Updated : 2025-04-01
Read more
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status