Beranda / Romance / BE MY WIFE / Bab 11 - Bab 20

Semua Bab BE MY WIFE: Bab 11 - Bab 20

31 Bab

Chapter 011

DHALIA’s POVTahimik ang buong biyahe pabalik sa hotel. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa lansangan. Mas mabilis ang pagmamaneho ni Henri kaysa kanina, halatang naiinis siya. Pero bakit? Tuyong-tuyo na ang bibig ko sa sobrang pagpigil ng mga tanong. Bakit parang nagalit siya? Ang alam ko, nag-uusap lang naman kami ni Ralph. Hindi kaya… nagseselos siya? Agad kong natutop ang bibig ko sa iniisip. Hindi naman siguro. Kasal lang kami ni Henri sa papel, wala namang emosyon sa pagitan namin. Hindi ba? Pero kung wala nga siyang nararamdaman… bakit parang naiirita siya? Napatingin ako sa kanya. Nakapako ang mga mata niya sa daan, pero ramdam ko ang tension sa katawan niya. Ang mga daliri niyang mahigpit na nakapulupot sa manibela, ang madiing pagkagat niya sa kanyang labi—para siyang bomba na anumang oras ay puwedeng sumabog. “Hindi ako nagseselos, Dhalia," bigla niyang sambit, malamig at diretso. Napakurap ako. Paano niya—paano
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Chapter 012

DHALIA’s POVNagising akong mugto ang aking mga mata. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Ang bigat sa dibdib ko, hindi dahil sa pagod, kundi sa emosyon na pilit kong nilalabanan. Akala ko, kakayanin ko. Akala ko, magiging masaya ako kahit papaano, kahit alam kong isa lang itong kontrata. Pero hindi. Lalo lang akong nalilito sa mga nararamdaman ko—lalo na kapag si Henri ang pinag-uusapan. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon. Kailangan kong maghanda. Kailangan kong itago ang lungkot sa likod ng mga ngiti. Pero nasaan kaya si Henri? Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat nang makita ang limang missed calls at limang mensahe mula sa kanya. Isa lang ang paulit-ulit niyang sinasabi. 'I’m sorry, Dhalia, kung medyo wala ako sa mood kanina. Sige na, inaamin kong nagseselos ako.'Napako ako sa kinatatayuan ko. Nagseselos siya? Bakit? Ano ang dahilan niya para magselos kung malinaw namang kasal lang kami sa papel? Bago ko pa maproseso nang buo ang nabasa, is
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Chapter 013

DHALIA’s POVTahimik kaming dalawa habang kumakain sa isang mamahaling restawran. Matapos naming bumisita sa Home for the Aged, niyaya ako ni Henri na kumain muna bago bumalik sa hotel. Habang abala ako sa paghiwa ng steak, napansin kong hindi man lang niya ginagalaw ang pagkain niya. Nakakunot lang ang noo niya, nakatitig sa akin. Napaupo ako ng diretso. “Anong problema, Henri?” nahihiya kong tanong. Pinahiran ko pa ng table napkin ang bibig ko, baka kasi may natirang sauce o butil ng kanin sa labi ko. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip, bahagya siyang umiling at biglang umagik-ik. “Wala lang, Dhalia,” aniya, may bahagyang ngiti sa labi. “Nag-guilty lang ako kagabi.” Napahinto ako sa pagsubo. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” Tiningnan niya ako nang diretso, seryoso ang mga mata. “Bakit ka umiyak?” Nalaglag ang tinidor ko sa plato. Napakagat ako sa labi at mabilis na umiwas ng tingin. “H-huh? Anong umiyak, Henri? Hindi naman!” mabilis kong sagot, p
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Chapter 014

Henri’s POV Akala ko madali lang ang naisip kong plano. Isang simpleng kontrata. Isang kasal na walang halong emosyon. Pero hindi—lalo lang itong naging mapanganib. Dahil habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa sarili kong patibong. Mas lumalala ang pagkagusto ko kay Dhalia. Bakit ba siya gano’n? Paano ba naman at ang pasimple niyang pagkagulat, kilos, at ang inosente niyang mga mata ay hinahatak ako pabagsak sa isang bangin. Damn, Henri. Kumalma ka. Napatingin ako sa asawa kong nakatulog sa isang silya sa poolside. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, banayad na pumapaypay sa hangin. Ang payapang mukha niya ay parang isang obra—sobrang amo, sobrang ganda. At ang suot niyang basang damit… Napalunok ako. Bakat ang bawat hubog ng katawan niya. Ang bawat kurba. Damn. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko. Nagtaas-baba ang dibdib ko sa bigat ng paghinga. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo roon, nakatitig lang sa kanya, sinusubukang pigilan ang bumabango
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Chapter 015

'Hello, Henri. Kumusta ang tulog mo?' Hindi… parang ang awkward naman kung iyan ang ibabati ko. 'Kailan tayo babalik sa Pilipinas?' Ayan, mas maayos at may sense. Halatang kalmado lang. Hala, paano ko ba haharapin si Henri ngayon? Naalala ko ang nangyari kagabi—ang halik, ang init ng katawan niya laban sa akin, ang muntikan nang mangyari sa pagitan namin. Bakit ang sarap sa pakiramdam? Alam kong hindi lang basta aksidente ang halik namin. May kahulugan iyon. At hindi ko maitatanggi na gusto ko rin. Baka sabihin ni Henri, nag-e-enjoy ako dahil hindi ko siya pinigilan. Napakagat-labi ako at umiling. Paano ba ‘to? Siniguro kong maayos ang suot ko—isang oversized sweater at isang hindi ganoon kaikling shorts. Wala akong choice, wala akong nadalang jeans o pajama. Kahit paano, matatakpan naman nito ang init na pilit kong nilalabanan. Pagkalabas ko ng kwarto, agad kong nakita si Henri—hubad ang pang-itaas at abala sa pagluluto sa kusina. Hala ka. Ba’t hindi siya n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

Chapter 016

DHALIA's POV“How’s my cook?” proud na proud na tanong ni Henri habang nakangiti siyang nakamasid sa akin. Nakatikim na ako ng maraming putahe sa buong buhay ko, pero ang sinigang na ito ang pinakamapangahas sa lahat. Pagdampi pa lang sa dila ko, agad akong napangiwi sa sobrang asim. “Masarap naman, Henri, kaso lang sobrang asim,” sagot ko, pilit iniwasan ang mata niyang puno ng pag-asa. “Hindi ba masaya ang buhay mo at grabeng asim ng timpla mo?” Napakunot ang noo niya bago napahalakhak. At sa pagtawa niyang ‘yon, parang lumiwanag ang buong paligid. Sobrang guwapo talaga ni Henri, lalo na kapag masaya siya. “Well…” Nag-cross arms pa siya, tila nagpapahaba ng suspense bago nagpatuloy, “hindi ako masaya sa naganap kagabi, nabi…tin…ako, Dhalia.” Napadila pa siya sa labi at kumindat, dahilan para manlamig ang buong katawan ko. Alam kong hindi ito biro. At alam kong totoo ang sinasabi niya. Tumikhim ako at pilit ibinalik ang atensyon sa pagkain. “Huwag kang magbiro ng gany
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

Chapter 017

DHALIA's POVPaglabas ko ng kwarto, hindi pa man ako nakakapagsalita, agad na bumagsak ang tingin ni Henri sa suot ko. Napansin kong bumakas ang kunot sa kanyang noo, at saglit siyang napalunok bago mariing itinikom ang kanyang mga labi. “Iyan na ba ang isusuot mo, Dhalia?” tanong niya, ang boses niya’y mas mababa kaysa sa usual. Napatingin ako sa sarili ko. Suot ko ang isang lilac na bodycon tube dress, na bumagay sa aking kutis at nagpapatingkad sa hubog ng aking katawan. Itinaas ko pa ang buhok ko sa isang malinis na bun para mas ma-emphasize ang leeg at balikat ko. “May problema ba sa suot ko, Henri?” inosenteng tanong ko. Napabuntong-hininga siya at napahawak sa sentido. Mas lalo pang lumalim ang kanyang kunot-noo. "Anong… bakit, Henri? Hindi ba bagay?” Hindi siya agad sumagot. Bagkus, marahan niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ko, saka dumaan ang dila niya sa kanyang labi. “Paano ako makakapokus niyan, Dhalia?” bulong niya, tila hindi sinasadyang lumabas ang inis
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

Chapter 018

DHALIA's POVNapansin ni Henri na hindi ako komportable. At alam kong talo na ako sa laban na ‘to—kilala ni Irina ang lahat ng naririto, at ang mas masakit, akala ng karamihan, sila pa rin ni Henri ang mag-asawa. Naglalaro pa sila rito. At sa malas ko, tinawag ng host sina Henri at Irina para sumali. Kahit pa ilang beses tumanggi si Henri, sinasabing ayaw niyang iwanan mag-isa ang asawa niya, wala siyang nagawa. Napansin kong tila aliw na aliw ang barkada nila sa pagtutukso sa dalawa. "Are you sure it's okay, Dhalia?" tanong ni Henri, halatang nag-aalangan. Tumango ako at pinilit ngumiti. "Oo naman, Henri. Huwag kang killjoy," sagot ko, kahit sa loob-loob ko, gusto kong sigawan ang lahat ng narito. Wala ba silang pakiramdam? Hindi ba nila naiisip na asawa niya ako at hindi na si Irina? Hindi ko na kayang tingnan ang laro. Napayuko ako at itinuon ang paningin sa baso ng alak sa harapan ko. Tiningnan ko lang ang mesa, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam kong dapat akon
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

Chapter 019

DHALIA's POVMula noong gabing iyon ay unti-unting nagbago ang kilos ko. Hindi na ako masyadong lumalapit kay Henri. Ginawa ko ang lahat para umiwas—mas pinili kong manatili sa kwarto, umiikot lang sa loob ng bahay, at sinisiguradong hindi kami madalas magkasalubong. Alam kong napapansin niya iyon. Alam kong nararamdaman niyang lumalayo ako. At ang pinakamasakit? Ni minsan, hindi niya ako tinanong kung bakit. Wala man lang siyang pagsisikap na ipaliwanag ang nangyari. Wala siyang paliwanag kung bakit hindi agad siya umatras nang halikan siya ni Irina. Hindi rin niya sinabi kung bakit kailangan niyang makipaglaro kasama ang babaeng may kasaysayan siya. Ni hindi siya nagpakita ng pagsisisi. Walang paliwanag. Pero siguro nga… hindi ko rin dapat hinahanap. Walang kasalanan si Henri, diba? Wala naman kaming totoong relasyon. Hindi ko rin naman siya pwedeng pagbawalan na gawin ang gusto niya. Siguro nga, masyado lang talaga akong nag-ilusyon. Ako lang ang nakaramdam ng esp
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

Chapter 020

HENRI's POVI'm fucked up. Napasabunot ako sa buhok habang nakaupo sa sofa ni Dennis. Hindi ko maialis sa isip ko ang nangyari noong gabing iyon. Hindi ko matanggap na nasaktan ko si Dhalia—na ako ang dahilan ng sakit na nakita ko sa mga mata niya bago siya lumayo. "Tangina," mahina kong mura habang napapikit. Ba’t hindi ko agad naisip? Ba’t hinayaan ko lang? Siguro, kung hindi ako naging duwag at hinabol ko siya agad, baka hindi niya ko iniiwasan ngayon. Naramdaman kong may tumama sa braso ko—isang lata ng malamig na beer. Pagtingin ko, si Dennis na nasa harapan ko, may kunot-noong nakatitig sa akin. “Pucha, dude. Ano bang nangyari?” tanong niya, nakakunot ang noo. Tumungga ako sa beer bago sumandal sa sofa. “May nagawa akong kalokohan, Dennis.” Napairap siya. “Malamang. Eh, ano ba ‘yun?” Napabuntong-hininga ako. “Noong birthday ni tito Armando, naalala mo ‘yung game na ginawa ni Kristoff noon?” Tumango lang ito, hinihintay ang kasunod kong sasabihin. “Si Irina an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status