**Segundo's POV** "C'mon, do it, Segundo," ika niya sa akin habang mariing nakatutok ang hawak kong kutsilyo sa lalamunan niya. "You want to kill me? Then do it now," dagdag niya, parang pangungumbinsi, habang walang bakas ng takot ang mga matang matalim na nakatitig sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw kong galit. Hindi ko talaga inasahang magpapakita siya rito. Sasadyain pang guluhin ang katahimikan namin ni Carmen. Binawi ko ang kamay ko. Isang ngisi ang agad na gumuhit sa kanyang labi, isang ngiting puno ng panunukso at kumpiyansang alam niyang hindi ko kayang pumatay. At dahil doon, malakas ang loob niyang hamunin ako. Alam niyang wala akong lakas ng loob na tapusin siya. "Leave, Cecelia. I swear to God, I never want to see your fúcking face again," I muttered through clenched teeth, every word laced with the rage I’d been holding in. Humakbang siya palapit, unti-unting tinawid ang distansya sa aming dalawa, at pilit na ina
最終更新日 : 2025-04-19 続きを読む