PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan na malay at muli akong nagising na namamanhid ang aking katawan. Nakahandusay ako sa malamig na semento ng silid na ito at kadiliman ang kaagad na sumalubong sa akin. Wala sa sariing napahawak ako sa aking tiyan. Sa kabila nang sakit ng katawan na nararanasan ko, ramdam ko ang gutom. Hindi ko na alam kung anong oras na at nasaan ako. Hindi ko din alam kung ilang oras na akong nawalan ng malay. Hindi ko mapigilan ang muling mapahagulhol ng iyak. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa sa aking sarili. Hindi ko inaasahan na dadanasin ko ang ganitong kasakit na parusa ng kapalaran sa akin. Hindi ko din inaasahan na basta na lang akong talikuran ni Lucian. Gamit ang natitira kong lakas, dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahandusay sa malamig na semento ng silid. Pagkatapos noon, dahan -dahan akong naglakad patungo sa pintuan. Pagkadating ko doon, kaagad kong pinihit ang seradura at ganoon na lang an
Last Updated : 2025-04-11 Read more