PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV EKSAKTO alas otso ng umaga nang huminto ang kotse ni Jared sa tapat mismo ng masikip na iksinita kung saan ako nakatira. Pagkatapos kong makapagpasalamat dito, dali-dali na akong bumaba ng kanyang kotse. Isang tango at matamis na ngiti ang naging tugon nito sa akin bago ito umarangkada paalis. Akmang maglalakad na sana ako papasok ng iskinita para sumilip muna ng bahay bago pumasok sa trabaho nang nakasalubong ko naman si Risa. Nang makita ako nito, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-aalala sa mukha nito "Amber..saan ka ba galing? Alam mo bang kahapon pa kita hinahanap?" seryoso niyang tanong sa akin. Natameme naman ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "PInapahanap ka din ni Sir Lucian. Kagabi, halos magdamag ka niyang inabangan dito sa may labasan. Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit hindi ka ma-contact?" seryoso nitong tanong. "Mahabang istorya, Risa. Pasensya ka na talaga! Hayaan mo, magkikwento ako kapag may mahaba tayong
Huling Na-update : 2025-04-02 Magbasa pa