Wala si Jeff ng tatlong araw at nang bumalik siya ay hindi niya ako pinansin pagpasok niya sa trabaho. Pati sina Andrea at Joyce ay dinamay niya. Pagkatapos siyang batiin ng mga kaibigan ko ay dire-diretso lang ang lakad niya papasok."Anong nangyari do'n, Mia? Bakit parang walang nakita?" kaagad akong tinanong ni Andrea."Oo nga. Nasanay na tayong may pagka-istrikto siya pero malala siya ngayon," komento naman ni Joyce."Nag-away ba kayo?" mahinang tanong ni Andrea sa aking tabi. Lumapit na siya sa akin ng tuluyan para mag-usisa.Tumango ako.Napataas ang dalawang kilay ni Joyce. "Talaga? First time 'to, ah."Tumawa si Andrea. "Tinotoo mo na talaga. Lumalaban ka na ngayon.""Actually, nakipaghiwalay na ako sa kanya."Parehong nagulat ang kanilang mga mukha."Ano?""Sure ka?""Seryoso nga?"Tumango ulit ako. Lumapit na rin si Joyce. "Anong dahilan ng hiwalayan ninyo, Mia?"Ito ang iniisip ko ng ilang araw kung paano ko ba sasabihin sa kanila. Isasaad ko ba ang katotohanan o hindi?"N
Last Updated : 2025-03-13 Read more