Halos magkasabay sina Jeff at Jake sa paglangoy. Sabay nilang nakuha ang flag sa gitna ng dagat at sabay din silang lumangoy pabalik. Kasabay ng pagsigaw ko ang pagkalabog ng puso ko. Unang laro pa lang ay pinapakita na nila na wala sa kanilang dalawa ang magpapatalo.Napaatras ako ng kaunti nang umapak na sila sa buhangin at tumatakbo na sila patungo sa akin. Tila ba nag-slow motion ang paligid at matagal bago sila makalapit sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Jeff na seryosong nakatingin sa akin samantalang si Jake ay nakangisi na para bang alam niyang mananalo siya.Naunang nakalapit sa akin si Jeff at ilalagay na sana niya ang flag sa lagayan na hawak ko pero hindi nangyari iyon nang bigla akong hapitin sa baywang ni Jake palayo dahilan kung bakit nalaglag sa buhangin ang dalang flag ni Jeff. Naghiyawan ang mga empleyado nang matagumpay na nalagay ni Jake ang flag. Kaagad na lumapit sa amin ang ka-team namin at nagsitalunan sila. Hawak pa rin ako ni Jake sa baywang kaya nadala n
Narating namin ang VIP room ni Jake. Naghalikan ulit kami pagkasara ng pinto. Isinandal niya ako doon habang mapusok na hinahalikan. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang tshirt. Hinawakan ko ang matikas niyang dibdib at naramdaman ko ang init ng katawan niya. Sunod niyang hibubad ang tshirt na suot ko. Hindi ko siya pinigilan dahil gusto ko rin itong nangyayari sa amin ngayon. Gusto kong makalimot pansamantala. Nasisiguro ko namang matutulungan ako ni Jake sa pamamagitan ng gagawin namin sa gabing ito.Mabilis niya ring nahubad ang suot kong bra at bumagsak iyon sa sahig. Nangatog ang tuhod ko nang haplosin ng dalawang kamay niya ang magkabilang dibdib ko. Bilang suporta ay pinulupot ko na ang magkabilang braso ko sa leeg niya habang patuloy niyang minamasa ang dibdib ko. Napapapikit at napapaungol ako habang naghahalikan kaming dalawa. Nagsimulang uminit ang buong katawan ko dahil sa sensasyong dinudulot ng maiinit na kamay ni Jake. Bumaba ang isang kamay niya patungo sa suot kong
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa hindi ko mapigilan ang sarili na mapaisip. Na kung tama pa ba itong ginagawa ko? Dapat pa ba naming ipagpatuloy si Jake ang pagkukunwari?Simula nang magkunwari kami ni Jake ay ngayon pa lang nagalit nang husto si Jeff. Noong nakita niya nga kami ni Jake na naghalikan, ang naging reaksiyon niya lang ay hindi niya ako pinansin kinabukasan. Hindi katulad ngayon na parang napuno na siya at tuluyan na ngang sumabog. Oo at gusto kong makaganti sa kanya pero hindi ko gustong nag-aaway sila nang dahil sa akin. Hindi ko inaakala na dadating kami sa ganitong sitwasyon kung saan mag-aaway sila sa harap ng mga empleyado. Hindi ko man lang 'to napaghandaan. Hindi ko kasi naisip na mangyayari ito. Ang tanga ko din naman kasi. Siyempre mag-aaway talaga silang dalawa.Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. Lumapit ako sa kanila at tinanggal isa-isa ang mga kamay nilang mahigpit na nakakuwelyo sa bawat isa. Hinayaan naman nila akong gawin iyon at pagkatap
Napatawa ako nang pagpasok namin sa VIP room ni Jake ay nabunggo ang paa niya sa pintuan sa labis naming pagmamadali. Pero natigil din naman ako sa pagtawa nang kargahin niya ako. Automatic na pinulupot ko ang magkabila kong braso sa leeg niya at mariin naman ang paghawak niya sa magkabila kong binti na nakapulupot sa baywang niya. Naglalakad siya habang naghahalikan kaming dalawa. Nagtaka ako nang hindi kami sa higaan niya pumunta. Binuksan niya ang isang pintuan malapit sa bintana na yari sa salamin at tumambad sa akin ang isang maliit na swimming pool. Hindi ko 'to nakita kahapon dahil hanggang sa higaan lang kami umabot.Naramdaman ko ang lamig ng tubig nang bumaba si Jake sa pool habang karga ako. Natigil kami sa halikan nang umabot na sa dibdib niya ang tubig."Kanina pa kita gustong makasama," bulong niya."Bakit hindi mo ko nilapitan kanina?" tanong ko.Tinitigan niya ako. "Because the moment I get near of you for sure hindi ko na mapipigilan ang sarili na mahalikan ka kahit
Mabuti na lang din at hanggang halikan lang ang ginawa namin ni Jake. Tumulak na kami at habang nagmamaneho siya ay nakahawak ang kamay niya sa aking hita. Kalaunan ay marahan niyang hinahaplos iyon. Sa simula ay nakikiliti ako pero nang tumagal ay parang hinihila na ako para makatulog.Nakatulog nga ako sa biyahe at nagising ako na nakahinto na ang sasakyan. Nakita ko ang oras sa monitor na alas onse pasado na ng tanghali. Nakaandar pa rin ang makina ng sasakyan pero wala na si Jake sa driver side. Nasaan kaya siya? Bago pa ako nakapagdesisyon na hanapin siya ay nabaling ang atensiyon ko sa kasalukuyang lagay ko. Bahagyang nakababa ang uluhan na parte ng inuupuan ko. Kaya naman pala hindi ako nahirapan sa pagtulog at himbing na himbing ako. Napansin ko rin na may nakabalot na sa akin na isang makapal na jacket. Hindi ko napigilan at napangiti ako.Hinawakan ko ang isang button na nasa gilid ko kaya umayos na ang upuan ko at naibalik na ito sa dati. Ngayong nakaupo na ako ng maayos
Pagkagising ko ay doon pa lang nagdesisyon si Jake na uuwi na kami. Halos tatlong oras din ang naging tulog ko kaya naman paggising ko ay medyo hapon na. Masasabi kong nakatulog ako ng mabuti at sa mahabang oras na iyon nakapagpahinga ako ng maayos.Bumabawi siguro ang katawan ko dahil sa ilang araw na kapaguran. Sa team building at sa dalawang gabi na may nangyayari sa amin ni Jake... Nakagat ko ang ibabang labi ko sabay baling sa kanya. Kasalukuyan siyang nagmamaneho habang hawak ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga iyon. Nang bumaling siya sa akin ay ngumiti ako. Parang hinila-hila naman ang bituka ko nang ngumiti din siya. Hindi ko na muna tatanungin ang sarili kung ano itong nangyayari sa aming dalawa, kung ano ang kahulugan nito at kung saan ito patutungo. Ang importante ay masaya ako ngayon. Masaya ako kapag kasama ko siya.Kaagad din naman kaming nakauwi dahil isang oras lang ang biyahe. Gusto ko sanang matagal pa kaming makauwi para magkaroon pa kami ni Jake ng pagkakat
"Bumangon na tayo," yaya ko kay Jake. Kanina pa kasi kami nagising pero hindi pa rin kami bumabangon sa kama. Nagyayakapan pa kaming dalawa habang nakabalot sa aming hubo't hubad na mga katawan ang makapal na kumot. "Baka kasi biglang umuwi sina Nanay at Tatay. Natatakot ako na madatnan ka nila dito.""They will come back during lunch time," sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Paano mo naman nalaman?""Your Nanay texted you kanina and I saw it on the screen of your cellphone."Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa na katabi ng higaan. Nandoon nga ang text ng aking ina na mamayang tanghali pa sila makakauwi ni Tatay.Tiyempo naman na tapos ko nang mabasa ang mensahe ay kinuha na ni Jake ang cellphone ko. Siya na ang nagbalik no'n sa lamesa.Humigpit ang yakap niya sa akin dahilan kung bakit nagkadikit ang katawan naming dalawa. Uminit ang buong mukha ko. Lumapat kasi ang pagkalalaki niya sa tiyan ko. Naramdaman kong matigas na ito.Nagkatitigan kami ni Jake. Mahapdi pa ng kaunt
Malapit na kaming mahuli ni Jeff. Nakatayo lang kasi kami doon habang pinapanood silang dalawa ni Lady na naglalampungan. Mabuti na lang at bago pa siya makalingon sa aming banda ay naging mabilis ang pagkilos ni Joyce. Hinila na niya kami ni Andrea papasok ng women's comfort room."Omg! Ano 'yong nakita natin?" eksaheradang sabi ni Andrea habang nakatakip ang kanyang mga palad sa kanyang mukha."Ang OA naman ng reaksiyon mo. Para namang hindi kayo ganoon maghalikan ng boyfriend mo," sabi ni Joyce na puno ng sarkasmo.Binaba ni Andrea ang mga palad niya. "Pero hindi kami naghahalikan sa trabaho.""Siyempre, hindi kayo magkasama sa trabaho."Umirap si Andrea. "Tigilan mo na 'yang pagkapilosopa mo, Joyce, ah." Bumaling sa akin si Andrea. "Okay ka lang ba, Mia?"Napansin niya siguro ang pananahimik ko.Tumango ako. "Hindi ka ba nasasaktan ngayon dahil sa nakita natin?" nag-aalala niyang tanong.Bahagya pa akong natawa. Umiling ako."Sure ka?" "Okay lang ako. Hindi ko na mahal si Jeff.
Hindi ako umasa na makikinig si Jake sa sinabi ko at hindi rin ako umasa na ititigil na niya ang pagpapabagsak sa kompanya. Pero laking gulat ko nang dumating ang lunes at nadatnan kong wala na ang mga taong nagrereklamo sa labas ng building. Noong sabado ay marami-rami pa sila, mayron pa ngang iba na doon na natutulog sa gilid ng kalsada. Pero ngayong araw na 'to ay wala na. Tanging mga basura na lamang ang natira at tila ba iyon na lang ang natirang bakas nila.Lumakas ang tibok ng puso ko.Talaga bang itinigil na ni Jake? Dahil ba hinamon ko siya? Dahil ba sinabi kong magdedesisyon ako na babalikan ko siya kapag patutunayan at nagawa na niya?Hindi ako makapaniwala. Kahit na wala nang nagrereklamo pero nakita ko pa rin ang mga pulis na nakatoka sa labas. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila umaalis gayong wala na ang mga tao na maaaring gagawa ng gulo.Nang dumating ang dalawa kong kaibigan ay iyon ang aming napag-usapan. "Narinig ko nga mula sa mga security guards na nagsimul
Hindi na muling bumalik si Jake sa kompanya pero patuloy pa rin siyang nagtetext sa akin at tumatawag. Kaya naman nag-iba na ako ng numero para matigil na siya. Pero sa bawat gabi na nakahiga ako sa kama ay napapaiyak ako. Ayokong makausap siya pero namimiss ko ang boses niya. Ayoko na siyang makita pero namimiss ko ang mga yakap niya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko. Gusto ko na siyang kalimutan pero nahihirapan ako.Oo at nasaktan din naman ako sa hiwalayan namin ni Jeff noon pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon sa hiwalayan namin ni Jake. Siguro dahil mas minahal ko siya at sa kanya ko mas naramdaman ang labis na pagmamahal. Kahit na alam kong hindi totoo ang lahat ng 'yon pero kahit papaano ay lumigaya ako dahil sa kanya.Sa bawat araw na pumapasok ako sa trabaho ay naiisip ko siya. Namimiss ko ang mga pagkakataon na masaya kaming magkasama.Hindi ko pa lubusang matanggap na hindi pala totoo ang mga ginawa niya para sa akin. Hindi ko kayang tanggapin n
Sinubukan kong makipaghiwalay kay Jake pero hindi ko nagawa. Ang tanging nagawa ko lang ay ang hindi pag-reply sa mga texts niya at ang hindi pagsagot sa mga tawag niya. Plano ko sana ay itext na lang siya sa kagustuhan kong pakikipaghiwalay dahil pakiramdam ko hindi ko kaya kapag kaharap ko na siya. Pero kahit sa text ay nahihirapan ako. Natatakot ako at naduduwag. Kapag naiisip kong maghihiwalay na kami ay napapaiyak ako. Pero iyon dapat ang kailangan kong gawin. Ayoko nang ipagpatuloy pa ang relasyon naming dalawa dahil alam kong niloloko niya lang ako at hindi naman talaga niya ako mahal.Mahal na mahal ko siya pero kailangan kong putulin ang ugnayan naming dalawa. Masama siyang tao at ayokong maugnay sa ganoong klase ng lalaki. Inaasahan kong babalik na siya sa kompanya sa ikatlong araw dahil iyon ang sinabi niya sa akin bago siya umalis pero hindi siya dumating. Dumaan ang isang linggo pero hindi pa rin siya bumalik at sa mga araw na iyon walang tigil ang pagtetext niya sa akin
Parang nagkaroon ako ng ugat sa aking kinatatayuan dahil kahit gusto ko nang umalis doon pero hindi ko magawa lalo na at patuloy pa rin sa pag-uusap sina Jake at ng matandang lalaki."Just dump her after this, Jake. Wala na siyang silbi pagtapos nito."Hindi ulit sumagot si Jake."Bakit hindi ka makapagsalita? What? You fancy her?"Bumaling si Jake sa kanya. "Of course not. I am just using her."Parang sinaksak ng matulis na patalim ang aking puso.Ngumisi ang matanda. "Good. Akala ko you are still weak just like before."Humapdi na ang mata ko. Sinikap kong makaalis doon kahit na nawawalan na ng lakas ang buong katawan ko sa panginginig. Mabilis akong pumara ng taxi pauwi.Doon na bumuhos ang mga luha ko nang maisip kong hindi totoo ang nararamdaman ni Jake para sa akin. Ginagamit lang niya ako at hindi niya talaga ako mahal. Lahat ng pinapakita niya sa akin ay hindi totoo. Lahat ng pinaparamdam niya sa akin ay pagkukunwari lang.Humagulhol na ako ng iyak.Minahal ko siya ng totoo ta
Dumaan ang ilang linggo at napagkasunduan namin ni Jake na mamamasyal kami. Dinala niya ako sa isang animal park. Nanood kami habang pinapakain ang mga buwaya sa loob ng kulungan. Nagsigawan ang lahat ng nanonood nang biglang gumalaw ang pinakamalaking buwaya. Napayakap ako kay Jake nang magtangka itong lumapit kung saan kami nakapwesto. Nakakatakot pero hindi naman delikado kasi makapal ang nakapalibot na fence kung saan sila inilagay. Nanood din kami ng acrobatic show. May isang lalaki na nakacustome na nagbibisikleta sa isang lubid. Sa ilalim niya ay ang mga buwaya na nakatingala sa kanya. Napapasigaw ang lahat at kasama na ako do'n nang magkukunwari siyang mahuhulog. Alam ko naman na magaling siya at hindi naman talaga siya mahuhulog. Nagkukunwari lang siya para magbigay ng thrill sa mga nanonood.Magkahawak kamay kami ni Jake habang nililibot namin ang buong park. Napatawa kaming dalawa nang mapadaan kami sa malaking cage ng mga unggoy. May dalawa kasing nagyayakapan sa gilid. "
"OMG, Mia! Kinikilig ako!" iyon kaagad ang sinabi ni Andrea pagpasok namin sa comfort room. Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay hinila na niya ako palabas doon habang si Joyce ay tahimik lang na nakasunod sa amin. Ni hindi nga ako nabigyan ng pagkakataon na kausapin si Jake bago kami umalis. Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan na lamang ako na papalayo. "Kaya pala napapansin ko palagi kang nakangiti.""Ha?"Pinandilatan ako ng mata ni Andrea. "Napapansin ko, hindi ko lang sinasabi."Tipid akong ngumiti.Bumaling ako kay Joyce at nadatnan ko siyang nakahalukipkip at seryoso ang mukha. Kabaliktaran sa mukha ni Andrea."Seryoso ba talaga siya sa 'yo? Baka naman pinaglalaruan ka lang?" Umiling ako. "Mahal niya ako, Joyce. Pinaramdam niya iyon sa akin.""Joyce, huwag ka nang nega diyan. Nakikita mo namang masaya na 'tong kaibigan natin. Mabuti pa at maging masaya na lang din tayo," sabi ni Andrea."Naninigurado lang. Ayoko lang masaktan si Mia."Nagpakawala ako ng isang buntong-h
Hapon na ako nakauwi dahil nakatulog ako pagkatapos akong angkinin ulit ni Jake. Naging mas mainit ang nangyari sa aming dalawa lalo na at mahal na namin ang isa't isa.Kinikilig ako habang nakahiga na sa kama para matulog dahil naisip kong totoong boyfriend ko na siya at kami na.Sabi niya ay dadaanan niya ako bukas ng umaga para sabay na kami papunta sa trabaho. Mahigit sampung oras pa bago ko pa siya makita pero parang hindi na ako makapaghintay pa. Gusto ko nang mag-umaga na.Nababaliw ka na, Mia.Humagikhik ako dahil parang nababaliw na nga talaga ako."Bakit parang ang saya mo ngayon, Mia anak?" biglang sabi ni Nanay habang kumakain kami ng agahan. "Po?""Kanina pa kasi kita nakitang paulit-ulit na ngumingiti.""Sweldo niyo ba ngayon, Mia?" sabi naman ni Tatay.Napatawa ako. "Hindi sweldo ang dahilan ng ngiting 'yan," makahulugan na sabi ni Nanay."Eh, ano?" inosenting tanong ni Tatay.Tinitigan ako ni Nanay at pinaliit niya ang kanyang mga mata na parang sinusuri ako.Yumuko
Walang kahirap-hirap akong kinarga ni Jake patungo sa loob ng kwarto niya. Habang papasok kami ay naghalikan kami. Iyong klase ng halikan na gigil na gigil sa isa't isa. Napasigaw ako nang ibagsak niya ako sa kanyang malambot na kama. Napatawa siya sa naging reaksiyon ko. Naghalikan ulit kami habang nasa ibabaw ko siya. Unti-unting uminit ang katawan ko nang unti-unti niya ring inaangat ang laylayan ng suot kong dress. Nang nalantad na ang suot kong panty ay hinubad niya iyon. Lumakas na ang tibok ng puso ko. Napaungol ako nang haplosin ng isang kamay niya ang maselang parte ng pagkababae ko. Nagtaka ako nang sandali lang niyang ginawa iyon na para bang gusto lang niyang bumasa ng kaunti ang gitna ko. Bumaba ang halik niya patungo sa leeg ko. Gusto ko sanang patuloy niyang haplosin ang pagkababae ko pero hindi niya iyon ginawa kasi may plano pala siya.Naging mabilis na ang paghinga ko nang binaba ni Jake ang katawan niya hanggang sa nasa harapan na ng mukha niya ang pagkababae ko.
Napabalikwas ako ng bangon nang pagdilat ng aking mga mata ay wala ako sa kwarto kung saan kami natutulog nila Nanay at Tatay."Hey, Mia? What's wrong?"Napabaling ako kay Jake na katulad ko ay bumangon na rin. Nasa likurang bahagi kami ng sasakyan niya. Pareho kaming dalawa na may kompletong suot ng damit. "Babalik na ako," mabilis kong sabi sabay hawak sa pintuan ng sasakyan na malapit sa aking banda pero hindi ko iyon nabuksan nang tuluyan dahil napigilan ako ni Jake. "Please stay for a while, Mia."Mabilis akong umiling."Hindi pwede baka hinahanap na ako."Ang huling pagka-alala ko ay nakapatong ako sa kandungan niya at gumagalaw ako. Paano kami napunta dito? Lumipat ba kami? Dito ba kami nagpatuloy kagaya ng ginawa namin kagabi? Bakit hindi ko matandaan?"Thirty minutes pa lang ang lumipas simula nang pumasok ka dito sa sasakyan ko.""Ha?"Thirty minutes pa lang? Pakiramdam ko ilang oras na akong natutulog.Napansin siguro ni Jake na naguguluhan ang mukha ko kaya naman nagsali