Malapit na kaming mahuli ni Jeff. Nakatayo lang kasi kami doon habang pinapanood silang dalawa ni Lady na naglalampungan. Mabuti na lang at bago pa siya makalingon sa aming banda ay naging mabilis ang pagkilos ni Joyce. Hinila na niya kami ni Andrea papasok ng women's comfort room."Omg! Ano 'yong nakita natin?" eksaheradang sabi ni Andrea habang nakatakip ang kanyang mga palad sa kanyang mukha."Ang OA naman ng reaksiyon mo. Para namang hindi kayo ganoon maghalikan ng boyfriend mo," sabi ni Joyce na puno ng sarkasmo.Binaba ni Andrea ang mga palad niya. "Pero hindi kami naghahalikan sa trabaho.""Siyempre, hindi kayo magkasama sa trabaho."Umirap si Andrea. "Tigilan mo na 'yang pagkapilosopa mo, Joyce, ah." Bumaling sa akin si Andrea. "Okay ka lang ba, Mia?"Napansin niya siguro ang pananahimik ko.Tumango ako. "Hindi ka ba nasasaktan ngayon dahil sa nakita natin?" nag-aalala niyang tanong.Bahagya pa akong natawa. Umiling ako."Sure ka?" "Okay lang ako. Hindi ko na mahal si Jeff.
Last Updated : 2025-03-24 Read more