Kabado ako dahil hindi ko alam kung magagalit ba sa akin si Mommy nang sabihin ko sa kaniya na boyfriend ko si Brandon, pero nang makita ko ang pagngiti niya at paghigpit ng hawak niya sa kamay ko ay para akong nakahinga nang maluwag kahit na hindi pa niya sinasabi ang opinyon niya. Humugot siya nang malalim na hininga bago magsalita habang nakatitig sa akin. "I support you on this, Z. Kahit na ngayon lang kami nag-meet ni Brandon ay nakikita ko kung gaano siya nag-aalala para sa'yo kaya kahit hindi siya magsalita ay ramdam ko ang pagmamahal niya sa'yo," sunod-sunod na sabi niya sa akin. Napangiti ako at hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang mga luha ko. "After all, you deserve that kind of love. Kaya hindi ako hahadlang sa bagay na makakapagpasaya sa'yo," patuloy niya sa pagsasalita. "Thank you, Mom." Sabi ko hanggang sa nagtuloy ang pag-iyak ko. Nagyakapan lang kami ni Mommy roon at kahit na hindi kami masyadong nagpapakita ng affection sa isa't-isa noon ay ramdam ko nga
Last Updated : 2025-02-28 Read more