"Mom!" sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya. Mukhang nagulat silang dalawa nang makita nilang naroon na kami ni Bettina sa loob ng kwarto nila. "What are you doing here?!" tanong ni Mommy habang umiiyak. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na pinansin pa ang tanong ni Mommy dahil masama kong tinignan si Daddy. "How dare you to hurt my mom?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya. "Z! Enough!" suway sa akin ni Mommy. Nakatingin lang sa akin si Daddy at kahit na hindi niya ipakita na nagulat siya ay ramdam ko 'yon sa kaniya. "Hindi pa ba sapat sa'yo ang pananakit kay Mom emotionally? I can't believe you, Dad!" sigaw ko sa kaniya. "Huwag kang mangialam sa away namin ng Mommy mo. At sino ang nagsabi pumasok kayo rito, huh?!" sigaw niya pabalik sa akin. Napailing naman ako dahil kahit na sumigaw siya ngayon ay hindi ako natatakot sa kaniya. "Can't you just stop shouting like you scaring me, Dad? After hearing everything I'm no longer scared at you. "Z! I said stop it! Bettina, lumabas na
"After all your mother said, para akong sinampal ng reyalidad. Your mom is right. Marami akong naging pagkukulang sa'yo dahil twenty one years kong pinapaniwalaan na na hindi kita anak," pagsisimula ni Daddy. Pinagbigyan ko siya na mag-usap kaming dalawa for the sake of my mom, dahil alam kong gusto niya rin na makapag-usap kami ni Dad. Nagpaalam din ako kay Brandon kanina nang makabalik siya at naiwan siya ngayon kasama sila Margot at Bettina. Masakit lahat nang narinig ko mula sa pag-uusap nilang dalawa ni Mommy kanina, pero kailangan kong tanggapin 'yon. Ang mas inaalala ko na lang ngayon ay ang kondisyon ni Mommy. "I admit that I was wrong for being hard on you. Sa sobrang lalim ng lamat sa marriage namin ng Mommy mo ay nakalimutan kong anak nga rin pala kita. Na galing ka nga rin pala sa dugo at laman ko," patuloy niya sa pagsasalita. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya habang nakatanaw sa mga ilaw ng malalaking building na nasa harapan namin. "I'm really sorry, Z. Sana
Hindi na ako nakakain ng almusal dahil sa pag-aaway namin ni Margot. Iniwanan ko siya sa bahay, at nagpahatid ako kaagad sa driver namin sa hospital. May dala rin akong ibang gamit ko dahil doon ko balak mag-stay ngayong gabi. Umaasa ako na gigising na si Mommy ngayon at gusto ko na ako ang una niyang makita kapag nagising siya. Masama ang loob ko kay Margot. Tama nga na may kasalanan ako sa nangyari, pero tama rin naman si Brandon na huwag kong isisi sa akin ang lahat. Kapag gano'n ang inisip ko ay tuluyan akong malulugmok sa lungkot, at galit kaya kailangan kong lakasan ang loob ko. Isa na rin sa nagbibigay ng lakas sa akin ay si Dad at Brandon. Gustuhin ko man na makipag-ayos sa dalawa kong kapatid ay hindi ko pa 'yon magagawa. Nang makarating ako sa hospital ay nagkatinginan lang kami ni Bettina. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin, at naiintindihan ko naman. Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang ay baka mag-away lang kaming muli kapag pinilit ko ang sarili ko. "Bab
I was right about the age of Alexis. Mas matanda lang siya sa akin ng dalawang tao dahil magka-edad silang dalawa ni Bettina. Tinuro niya sa akin lahat ng dapat kong gawin, at masasabi kong magaan at mabilis siyang katrabaho. "You're a fast learner. Good job, Ma'am Zariyah." Sabi sa akin ni Alexis. Hindi ko naman napigilan mapangiti dahil kahit ako ay na-proud sa sarili ko. Ngayon pa lang ay naa-apply ko na ang ibang napag-aralan ko sa school. "Thanks, Alexis. Hindi ko naman magagawa ang mga 'to kung hindi dahil sa tulong mo. I really appreciate your help," sabi ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat. "It's my pleasure to help and teach you, Ma'am. Kung hindi ay sigurado akong mapapagalitan ako ni Sir Del Real," sabi niya pagkatapos ay bahagyang natawa. Speaking of Dad, nag-message siya sa akin na hindi siya makakasabay sa akin sa lunch dahil hindi pa rin tapos ang meeting niya. Humugot ako nang malalim na hininga at inisa-isang ligpitin ang mga nakakalat na papers sa table ba
"Who's that?" tanong ni Brandon sa kabilang linya. Kahit na busy siya roon ay narinig pa rin pala niya na may kausap ako rito sa office. "It was Alexis. He just reminded me na lunch time na. Sabay kaming kakain ng lunch," sagot ko sa kaniya. "Kayong dalawa lang?" tanong niya. "Of course, not. Kasama sila Pinky, at Wendy," sagot ko sa kaniya. "Oh, okay then you should go and eat your lunch. Mamaya mo na lang ulit ituloy 'yan," sabi niya. Sumang-ayon ako kay Brandon dahil nakaramdam na ako ng gutom. Kumain lang ako kasama muli si Alexis at ang mga kaibigan niya. Gano'n lang ang naging routine ko sa mga sumunod na araw. Sa gabi ay ako ang naiiwan na magbantay kay Mommy. Patuloy pa rin akong iniiwasan nila Bettina, at Margot habang si Daddy ay mas dumami ang trabaho niya. Hindi ko maiwasang malungkot kapag nakikita kong magkasama si Bettina at Margot na nagkakasundo sa lahat ng bagay. Kapag naiiwan kaming tatlo sa hospital ay may sarili silang mundo habang ako ay ini-ignore nila.
Lumipas muli ang dalawang araw. Naging busy kami ni Brandon dahil inaayos niya ang paglipat sa university kung saan nag-aaral si Addy. Hindi kami same school, pero ayos lang 'yon sa akin dahil magkikita pa rin naman kami. Muli naman kaming nagkita nila Wendy, Pinky, Paul, at Alexis. Medyo nahiya ako sa kanila dahil hindi ako nakasama sa night out nila no'ng nakaraan kaya naman pinagbigyan ko sila nang muli nila akong ayain. As usual ay nakasunod lang naman lagi ang mga bodyguards ko at alam kong nagkalat sila sa paligid ko. Kahit na sa ilang saglit na oras ay nag-enjoy naman ako kasama sila Wendy. "I hope we can do this again. Kailangan mo na talagang maka-graduate Z para lagi na tayong magkakasama!" natatawang sabi ni Pinky. Inabutan naman ako ni Alexis ng beer at agad kong ininom 'yon. Hindi ko alam kung nakailang bottle na ako ng beer, pero nili-limit ko ang sarili ko sa alcohol. "Let's dance!" sigaw naman ni Wendy at hinawakan ang kamay ko para itayo ako. Nagtawanan na lang
Tahimik lang ako buong byahe at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Namalayan ko na lang na nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat ni Brandon kaya agad akong umayos sa pagkakaupo nang magising ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil gising pala siya. Tinignan niya lang ako na para bang wala lang sa kaniya 'yon. Gumawa ako ng pekeng ubo para mawala ang awkardness na naramdaman ko at tumingin na lang akong muli sa bintana. "Malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver. "No. We're almost there," sagot naman ni Brandon kahit hindi siya ang tinatanong ko. Hindi naman na ako nagsalita at nagbuntong hininga na lang. Ilang sandali lang ay naging pamilyar na sa akin ang daan hanggang sa nakarating kami sa bahay. "I'll help you pack all your things para makatapos ka kaagad," sabi ni Brandon nang makababa kami sa sasakyan. "No, it's okay. I can do it by myself, besides nandito naman ang mga bodyguards ko. I can ask help from them," sagot ko sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya
TWO MONTHS LATER...... Maraming nangyari sa dalawang buwan na lumipas simula nang nawala si Mommy. Lahat kami ay nahirapan sa pagkawala niya at hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin kami. Mas tumindi ang galit sa akin ni Margot, at halos hindi na niya ako kilalanin bilang kapatid niya. Hindi ko naman pinilit ang sarili ko sa kaniya dahil parehas lang kaming nasasaktan. Si Bettina naman ay naging maayos ang pakikitungo niya sa akin, nag-sorry siya sa mga nasabi niya noon. Naintindihan ko naman sila dahil kung ako ang nasa sitwasyon nila ay gano'n din ang gagawin ko. Alam kong naging mahirap din kay Daddy ang pagkawala ni Mom, pero kinailangan niyang maging malakas para sa aming mga anak niya. Nakita ko naman na nagbabago siya tingin ko ay tinigil na niyang makipagkita pa sa ibang babae. Brandon and I broke up. He tried to pursue me, but I'm too occupied of what's happening in my life. Isang buwan na simula nang wala kaming naging update sa isa't-isa. I understand it dahil busy siya
"Meeting adjourned. Thank you everyone!" sabi ni Daddy.Halos makahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay natapos din ang meeting namin. Agad ko naman binalingan si River dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina. "I know what you was doing," sabi ko sa kaniya.Tinaas naman niya agad ang dalawa niyang kamay bago magsalita para magpaliwanag."I just want to see his reaction. He's been staring at you since our meeting started," paliwanag niya.Napairap na lang ako sa kaniya at napailing. Hindi ko alam kung eepekto ba 'yon kay Brandon lalo na at wala naman kaming relasyon. Iniwanan ko si River sa upuan niya dahil may lumapit sa kaniya para kausapin siya.Nagpaalam ang lahat ng mga kasama namin sa loob. Ang iba ay nag-uusap pa at ang iba naman ay nagsimula nang umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko si Brandon na may kausap kaya sinamantala ko 'yon para lumapit kay Daddy."Z, are you surprised?" tanong niya habang nakangiti."Surprised from what?" tanong ko habang nakakunot ang n
I can feel my soreness when I woke up in the morning. Gustong-gusto ko pang matulog pero nagising ako dahil sa tawag ni Clara."Good morning, Miss Zari! This is short notice. We'll be having urgent meeting today at ten thirty o'clock. Ngayon daw po kasi ang dating ng new investor ng Sacred Empire and you'll need to attend," paliwanag niya sa akin.Halos mapabuga naman ako ng hininga ko at napaikot ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. I'm planning not to work today to spend my time with Sky, pero urgent daw 'yon at hindi ako pwedeng mawala."Alright. I'll be there later." Sagot ko naman.Wala si Brandon sa tabi namin nang magising kami ni Sky. Mukhang hindi na siya bumalik dito kagabi at doon na siya tuluyang natulog sa guest room.Dinala ko naman si Sky sa kwarto niya at pinaliguan ko na siya para madala ko siya sa bahay nila Margot. Doon kasi iniiwan ni Bettina si Bella pansamantala kapag nagtatrabaho siya at gusto kong maka-bonding ulit silang magpipinsan."Do you want to s
Napatingala ako sa kaniya at hindi nakapagsalita kaagad. Nanatili kaming magkatinginan sa isa't-isa hanggang sa makakuha ako ng lakas ng loob para magsalita. "T-Talk about what?" nauutal na tanong ko sa kaniya. "About what happened to us in the past." Sagot niya. Kahit na ayaw ko nang balikan 'yon ay napatango na lang ako sa kaniya. Umakyat kami sa taas at sa veranda kami nag-stay para mag-usap. Kumuha rin siya ng whiskey para inumin 'yon at makatulog na kami. "What part do you want us to talk about?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa baso ko na may laman na whiskey habang nakasandal ako sa railing. Nakatingin lang siya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip niya. Hindi siya nagsalita kaagad dahil uminom siya ng alak. Hindi ko naiwasang mapatingin sa leeg niya kung saan nakabakat ang adams apple niya. Ninamnam niyang mabuti ang lasa nito bago sagutin ang tanong ko. "I'm sorry for what I did to you six years ago, but I want you to know na kung ano ang nakita ni
"Why don't you two get back together? Para naman hindi na kayo mahirapan na mag-set ng schedule para makasama ang apo ko," sabi ni Dad. Napalingon naman ako kay Dad habang naglalagay ako ng mga damit sa bag ko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko kaya napanguso na lang ako bago magsalita. "Matagal nang natapos ang relasyon namin ni Brandon. We're just doing this for Sky," sagot ko kay Dad. "I know, I know. Ang sa akin lang naman ay bakit hindi niyo subukan ulit? Brandon is single at gano'n ka rin," patuloy niya. "Oh come on, Dad. Hindi na ako mahal ni Brandon," sabi ko. "But you still love him." Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Dad bago mapabuntong hininga dahil alam kong inaasar niya lang ako. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay muli siyang natawa. "I'm just kidding. Kung ano ang maging desisyon mo ay susuportahan ko lalo na kapag para sa apo ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil alam kong mahirap ang magiging sitwasyon ng pamilya namin ni Brandon
"Can I eat ice cream too?" Nakatingala sa akin si Sky nang itanong niya 'yon sa akin. Agad naman akong napangiti sa kaniya at napatango. "Of course, baby. You can eat unlimited ice cream today," sabi ko pagkatapos ay natawa. "Yes, and you can eat all flavors you want!" sabi naman ni Daddy. Napatango lang si Sky pero parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa ice cream na nasa harapan namin. Napakunot ang noo ko dahil wala akong makitang excitemet sa itsura niya samantalang ang mga pinsan niya ay excited na excited na makakain ng sweets. "Why are you sad?" natatakhang tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Because Papa doesn't allow me to eat ice cream," sagot niya. Bakas sa boses niya ang lungkot kaya nagulat ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "What? Why?" tanong naman ni Bettina. "I don't know. He said that too sweets is not good for my health," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Nagkatinginan naman kami
I'm not yet totally healed, pero gusto ko nang makita at makasama ang anak ko. "Wow! Presents!" Nagmadaling kuhanin sa akin ni Sky ang mga laruan na binili ko para sa kaniya. Natuwa naman ako dahil mukhang hilig niyang magbukas ng mga presents. "She loves opening presents. Kahit na maliit na bagay ay masaya na siya," sabi ni Brandon. Napangiti ako at pinanood si Sky na excited buksan ang mga paper bag. "Really? I can't wait to spoil her with presents then," sabi ko. Limang taon ang nasayang ko dahil hindi ko nakasama ang anak ko kaya lahat ng bagay na gusto niya ay ibibigay ko hangga't kaya ko. Gusto kong mapunan lahat ng mga pagkukulang ko sa kaniya. "Mama! Let's play!" tawag niya sa akin. Mas napangiti ako at para bang tumaba ang puso ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng Mama. Masaya ako dahil kahit na matagal kaming hindi nagkasama ay kilala niya ako bilang Mama niya. Nakipaglaro ako sa kaniya at in-enjoy ko ang moment na 'yon hanggang sa naki-join na rin si Brandon sa ami
***ZARIYAH'S POV*** "Z, you have to go back. Your daughter is waiting for you. Hayaan mo na ako rito at huwag kang mag-alala sa akin dahil masaya ako rito." Nang hawakan ako sa pisngi ni Mommy ay bigla na lang siyang nawala sa harapan ko. Bigla rin nagdilim ang paningin ko hanggang sa unti-unti akong nakarinig ng huni ng mga machine. When I remembered my daughter, Sky. I immediately want to open my eyes. I'm not yet dead! Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at halos masilaw ako sa liwanag doon. Inikot ko ang mga mata ko para makita kung nasaan ako at ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa luminaw ang paningin ko at na-realize kong nasa hospital ako. "Z!" "Gising na siya! Tumawag kayo ng doctor!" Boses ni Bettina ang narinig ko. Ilang saglit lang ay may doctor nang pumasok sa kwarto para i-check ako. Kinausap din nila ako at nagtanong sa akin pero tipid lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil muli akong nakatulog at na
***Brandon's PoV*** I know it was all my fault why all the bad things that happened between me and Zariyah. I loved her at iyon ang sigurado ako. Lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na pinaramdam ko sa kaniya ay totoo. I never fake my love for her. Unang araw ko siyang nakita noon sa simbahan ay napasabi na ako sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama sa habang buhay. Alam kong masyadong mataas ang pangarap ko na 'yon dahil alam kong isa siyang del Real. Anak siya ng mayaman, samantalang ako ay mahirap at simpleng tao lang. Pero hindi ko ini-expect na ang isang katulad niyang babae ay mahuhulog sa akin. "Brandon, your daughter is already losing her patience. Inaantok na yata," sabi ni Addy na kalalapit lang sa akin. Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya bago ako tumango. "Alright. Just give me a second," sabi ko sa kaniya. Umupo ako nilinis ang lapida na nasa harapan ko gamit ang isa kong kamay. "I miss her so much, Addy. I wish she's still here at nakasama ko siya
Hindi ko na nilingon pa si Brandon dahil nagmadali akong pumasok sa loob. Hindi ako natatakot kung tatlo silang makakaharap ko roon dahil kaya ko silang labanan. Kahit na naririnig ko ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Brandon ay hindi ko siya pinansin. Inikot ko ang buong bahay hanggang sa nakita ko ang isang hagdan at mukhang 'yon lang ang nag-iisang daan para makaakyat doon. Humugot ako nang malalim na hininga at inihanda ko ang sarili ko. Maluwang ang hallway sa itaas at may apat na kwarto kaya lang ay hindi ko alam kung nasaan doon sila George, pero may naririnig na akong iyak ng bata. Bumukas ang isang pintuan at halos magmadali akong nagtago sa gilid nang makita ko ang isang lalaki. Tumayo ako sa gilid ng pader para hindi niya ako makita at nang dumaan siya sa harapan ko ay pinatid ko siya gamit ang paa ko. Nagulat ang lalaki at agad itong bumwelo para sugurin ako, pero lumaban ako pabalik sa kaniya. Malaki ang katawan niya kaya naman mas malakas ang energy niya kaysa