Hinatid ako ni Brandon no'ng gabing 'yon pabalik sa sasakyan ko. Hindi siya sumama sa akin dahil lunes na bukas at may klase na kami ulit. Ayos lang din naman 'yon dahil hindi naman pwede na lagi siyang matulog kasama ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Eight a.m pa naman ang klase ko pera alas sais pa lang ng umaga ay nagising na ako. Naligo ako kaagad at nag-ayos ng sarili, bago bumaba. Pagbaba ko sa sala ay naabutan kong bukas na ang pintuan ng bahay kaya kunot noo akong napatingin doon. Naririnig ko rin na parang may nagluluto sa kitchen kaya agad akong nagpunta roon, expecting na si Brandon ang makikita ko, pero si Manang Gina ang nakita kong nagluluto roon. "Good morning, Z. Kumusta ang weekend mo?" nakangiting tanong sa akin ni Manang Gina. Napangiti naman din ako at nagsimula nang magtimpla ng kape ko. "Good morning, Manang. Ayos lang po ang weekend ko. Kayo po? Mukhang marami po kayong trabaho kahapon," sabi ko sa kaniya. "Ah oo, pero pahinga nam
Last Updated : 2025-02-28 Read more