Matapos kong kumain ay bumalik si Allora, umalis siya kanina para magtungo sa silid niya. May inabot siya sakin na puting sobre, siguro iyon na ang sahod ko sa paglalaba. "Here. Alam kong napagod ka kaya dinagdagan ko na iyon ng limang libo, which is sampung libo na iyan in total." Nanlaki ang mata ko sa gulat bago chineck ang nasa loob ng sobra at binilang ang pera. Tama, sampung libo nga. "Wag ka nang magtanong kung bakit. Kakasabi mo lang sakin noong nakaraang linggo na sinisingil na kayo ng tita mo sa apartment pinapaupa niya sa inyo, diba? Kung ibabayad mo ng buo ang limang libo sa kaniya, wala naman kayong pangkain niyan. Kaya dinagdagan ko na. I don't take a no, kaya tanggapin mo na iyan, Dyosa. Tulong ko na iyan sa inyo." Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya at ngumiti. "Salamat, Allora. Salamat dito, laking tulong na ito sakin, samin." Ngumiti lang din ito saka tinapik ng marahan ang balikat ko. "Hindi pa tapos ang pagkakayod mo, Fionna. Babalik ka pa naman dito buka
Last Updated : 2025-03-03 Read more