"The Times' here," I updated Jelsey over the phone. "Bilisan mo ah, nandito na kami sa SM Pasig branch, Starbucks, 7th table from the door, left wing."Kinuha agad ni Jeffrey sa akin ang cellphone at sila naman ang nag-usap. Napairap na lang ako sa hangin habang nakatingin sa kaniya. Kanina pa ako naiinis sa isang 'to eh. Imagine, the table was half occupied because of his huge camera and few equipment. 'Yong bag ko nga ay sa tabing upuan ko na lang nailagay. Ipinatong ko rin 'yong binili kong frappe sa gilid dahil ayaw niya, baka raw mabasa yung gamit niya.Tapos ito ngayon, hinablot pa 'yong cellphone ko para kausapin 'yung loved one niya. "Why don't you call Jelsey by your phone, The Times? Cellphone ko 'yan eh!" I argued. I usually call him The Times when I'm pissed. Kaunti na lang talaga ay masisipa ko na ng pinagmamalaki nito."Shut up, Attorney." He shushed with the slightest respect. Sasagot pa sana ako kaso ibinigay na niya 'yung phone sa akin nang padabog. "Iyan na, Attorney
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya