"What can you say about the accused, Ms. Rose Yuheño?" Sa aking harapan, sa witness stand, naupo ang isang babaeng nasa edad trenta pataas. Sa unang tingin, isa siyang tipikal na empleyada—maayos ang bihis, may bahagyang kaba sa kilos, pero puno ng kumpiyansa ang kanyang pananalita. Alam kong mahalaga ang kanyang magiging pahayag para sa kaso ni Sandoval, kaya tahimik akong naghintay habang siya ay nagsalita. "Nako, mabait po 'yang si Sir Anthony," simula niya, medyo nag-aalangan ngunit malinaw ang tinig. "Mapagbigay at hindi maramot. Wala ho sa karakter niya ang manakit o kahit ang akusa na pagpatay niya. Napakabuti po niyang tao." Sa bawat salitang kanyang binibitawan, ramdam ko ang paninindigan niya sa kanyang sinasabi. Hindi ito isang pilit na pahayag lamang—may halong damdamin, may halong pag-aalala, ngunit higit sa lahat, may halong paniniwala. Si Rose ay isa sa mga taong nakakakilala kay Anthony sa labas ng kasong ito—higit pa sa mga ebidensyang ibinabato laban sa kanya,
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya