"Ale," pagkuha ni Aliyah sa atensyon ng matanda. Tumigil naman ito sa pagwawalis at nilingon siya. "Magandang araw ho. Itatanong ko lang kung may alam kayo kung saan pwede mangupahan ng bahay?" maayos niyang tanong rito. Kanina pa kinakabahan si Aliyah dahil hindi siya pamilyar sa lugar na binabaan niya. Basta na lang niya pinara ang bus na sinasakyan at sinabing dito siya bababa. Tatlong oras ang layo mula sa pinanggalingan niya. Sinundan niya ng tingin ang tinuro ng matanda. "Kumaliwa ka doon sa kanto. Sa pagkaka-alam ko may pinapaupahan na bahay doon. Itanong mo lang sa mga tao doon kung wala pang nakakuha," aniya at bumalik sa pagwawalis. "S-sige ho. S-salamat," aniya at mablis na humakbang. Bigla siyang natakot sa matanda sa hindi niya malaman na dahilan kahit mukha naman itong mabait. Magkadikit ang mga bahay ngunit iilan lang ang mga taong narito ang nakita niya. Kadalasan nakasarado ang kanilang bahay, naka lock ang gate, at walang mga ingay. Ang peaceful but a little
Last Updated : 2025-03-01 Read more