Only to survive, she need a work to earn money. Mauubos lang ang pera niya sa pagbabayad ng bills kada buwan hindi pa kasama ang budget niya sa pagkain at iba pang expenses.
Payapa na ang gabi. Tahimik na ang buong aligid ngunit ang kwarto ni Aliyah maliwag pa. Dilat pa ang mga mata ni Aliyah. Hindi dahil sa hindi siya makatulog, kundi ito ang oras ng kaniyang trabaho. Ito ang dahilan bakit may computer siyang dala sa kaniyang bagahi habang naghahanap ng bahay na matutuluyan. More client, more money to recieve. Iyan ang goal ni Aliyah nang pasukin niya ang mundo ng pagiging virtual assistant. Mahirap, nakakapagod at minsan hindi na healthy ang araw-araw na walang maayos na tulog pero dahil kagustuhan niya ito kailangan niyang panindigan ang trabahong pinasok. Tumilaok na ang manok. Oras na para gumising ang mga kapit-bahay niya ngunit si Aliyah ito palang ang oras ng kaniyang pagtulog. Ang biscuit na baon niya noong araw na napadpad siya rito sa Buenavista iyon muna ang ginawa niyang pantawid gutom dahil hindi pa siya nakabili ng groceries. Marahan niyang inunant ang katawan nang mahiga siya sa kama. Hindi na siya nagbukas ng aircon dahil malamig naman ang silid galing sa sariwang hangin mula sa labas. Nakabukas kasi ang bintana. Bukod sa makalanghap siya ng sariwang hangin makakatipid rin siya sa kuryente. Alas-onse ng umaga nagising si Aliyah sa tunog ng kaniyang alarm clock. Sinadya niyang i set ito dahil mag grocery siya ngayong araw at bibili na rin ng importanteng gamit. Mabilis siyang naligo dahil nagugutom na rin siya. Si Kisses lang ang alam niyang nagtitida rito sa subdivission. Hindi niya alam kung may karenderya ba dito o resto na pwedeng mabilhan ng ready to eat na makakain. Napakamot si Aliyah sa sariling ulo nang makita ang damitan niya. Halos kasi ng mga damit niyang panlakad ay bistida. Ang pangit namang tingnan kung lalakad siya sa pamilihan na naka pantulog o kaya ay pambahay. She peaked a floral summer dress na hanggang tuhod niya ang haba at white doll shoes. Hinayaan niyang nakalugay ang curly niyang buhok na hanggang baywang niya ang haba. Naglagay lang siya ng powder sa mukha at liptint at nag spray ng cologne. Wallet at cellphone lang ang kaniyang dala na umalis ng bahay. Lalakad na sana siya nang marinig ang boses ni Kisses, tinatawag siya. Kumakaway ang babae sa kaniya para kuhanin ang kaniyang atensyon. "May pupuntahan ka?" "Oo. Sa bayan ang punta ko. Bibili ng grocery!" sigaw pabalik ni Aliyah upang marinig siya si Kisses. "Sabay na tayo!" aniya at patakbo na lumapit kay Aliyah. "Bibili rin ako ng stocks sa negosyo ko," natatawang usal niya, hinihingal na huminto sa tabi ni Aliyah. "Medyo lumakas na ang paninda ko. Hindi pa umabot ng alas-sais kagabi ubos na. May suwerte ka talagang dala." "Natutuwa akong marinig 'yan," aniya at humakbang. "Pero hindi iyon dahil sa akin. Masarap talaga ang paninda mo kaya binabalik-balalikan ka ng mga bumibili." "Naku, salamat naman sa papuri mo," Kisses giggly said. "Nakatataba ng puso. Sana ganun palagi para naman may pambili ako ng gatas ng anak ko at iba pang pangangailangan niya." "Trust the process. Walang imposible sa isang tao na nagsusumikap. Malay mo isang araw hindi mo mamalayan umasenso ka na dahil sa sipag at tiyaga na meron ka." Nagpahid ng pisngi si Kisses.Bigla siyang naluha sa sinabi ni Aliyah. Ngayon lang siya nakarinig ng magandang advice at papuri galing sa tao. Ang madalas kasi niyang naririnig puro panlalait, pangungutya, mga salitang nakakasakit sa damdamin dahil maaga siyang nabuntis at hindi man lang nakatapos ng high school. Palagi siyang tinutukso na isa siyang disgrasyada at minsan nadadamay pa ang anak niya. "Thank you," naiiyak na wika ni Kisses. "Ito ang pinakamagandang salita na narinig ko. Kaya todo ang pagsusumikap ko para lang may sarili akong pera kahit man lang doon walang masabi sa akin ang mga tao... Palagi ko lang kasing naririnig sa kanila ang salitang disgrasyada," natatawang dugtong niya. "Iba ang disgrasyada sa hindi nakatagpo ng matinong lalaki," nilingon niya si Kisses. "Nasa maling lalaki ka lang napunta kaya ka humantong sa pagiging single mom. At saka huwag mong tawagin na disgrasyada ang sarili mo, nagkamali ka lang ng desisyon sa buhay at iyon ang dapat mong baguhin," dagdag pa ni Aliyah. "Ganoon parin 'yon, isa parin akong disgrasyada," puno ng hinanakit na wika ni Kisses. "Pero ang pagkakamali ko hindi ko hahayaan na maranasan iyon ng anak ko. Gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng maayos na buhay. Tuturuan at gagabayan ko siya habang lumalaki siya." Marahan na tinapik ni Aliyah ang balikat ni Kisses. "Yes, ganyan nga. Hayaan mo ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo as long as hindi ka humihingi ng pera at pagkain sa kanila para ipalamon mo sa anak mo. Fucoss ka sa paglago ng inumpisahan mong negosyo. Patunayan mo sa kanila na kaya mo. Proved them that you are strong and impowered woman." Sakto paglabas nila ng subdivision may paparating na trycle. Pinara iyon ni Kisses at pinaunang sumakay si Aliyah. "Pasin ko lang, hindi ka lang maganda, maputi, mabait" Kisses looked at Aliyah with an amusement in her eyes. "Magaling ka rin mag english." "Hindi naman. Sakto lang." "Pero ang ganda mo talaga. Kutis labanos pa. Anak mayaman ka 'no?" Natawa si Aliyah. "HIndi naman lahat ng maputi at maganda anak mayaman. Tingnan mo ikaw, maganda ka rin naman. Makinis rin ang balat mo. At saka gusto ko ang pagiging kayumanggi mo. Kaya ka siguro nabuntis ng maaga, e, dahil sa exotic beauty na mayroon ka," panunudyo ni Aliyah. "Exotic beauty? Ano ibig sabihin no'n?" curios na tanong ni Kisses. "Kakaibang gannda. Alam mo kasi, hindi lahat ng maputi maganda. Hindi lang kasi na appreciate ng iba ang ganda ng isang taong kayumanggi, ng mga morena. Madalas ginawaga nila itong dahilan para kutyain ang isang tao. Ito ang masakit na katotohanan, maputi ang pamantayan ng isang maganda o gwapo sa isang tao. Kaya ikaw, dapat taas-noo ka dahil sa mundong ito hindi batayan ang panlabas na anyo para masabihan na maganda. Kadalasan nasa loob makikita ang tunay na maganda lalo na kung ikaw ay may mabuting kalooban." Natawa siya nang malingunan niyang nakatulala si Kisses na nakatingin sa kaniya. Mukha itong nalilito at naguguluhan sa mga salitang binitawan niya. Gusto niya tuloy turuan ang dalaga dahil nakikita niyang handa itong matuto. Pero hindi muna sa ngayon. Busy pa ang schedule niya sa buong buwan. "Nandito na yata tayo," untag ni Aliyah para mahimasmasan si Kisses. Dali-dali naman bumaba si Kisses at nag abot ng bayad sa driver. "Sagot ko na pamasahe natin," aniya. "Ano ang bibilhin mo? Malaki kasi ang bayan baka maligaw ka. Tulog naman ang anak ko ng iwanan ko pwede kitang samahan habang bumibili rin ako ng akin." "May malaking tindahan ba dito? Iyong kompleto na doon ang bibilhin. Iyong parang grocery sa mall." "Oo, may mini mart dito." Doon sila unang pumunta. Pwede namang lakarin kaya naglakad na lang sila para kahit papaano maging pamilyar si Aliyah sa lugar. Sinasabi rin ni Kisses ang pangalan ng bawat kanto na kanilang madaanan at kung ano ang mga pamilihin doon. "May signedge naman bilang palatandaan kaya hindi ka malilito," usal ni Kisses. "Nandito na tayo." Si Kisses ang nagtulak ng push cart dahil wala naman siyang bibilhin dito. Ang budget kasi na dala niya ay para lang sa pambili niya ng lulutuin. Lahat ng pangangailangan ni Aliyah binili niya. Sinigurado niya ang pagkain at mga kailanganin sa loob ng kusina. Hindi na siya bumili ng gamit dahil kompleto naman ng gamit ang bahay. Napansin niyang panay ang tingin ni Kisses sa mg biscuits. Nangingislap pa ang mga mata nito ngunit kalakip no'n ay paghihinayang at pagdalawang-isip. Naintindihan iyon ni Aliyah dahil mas may mahalaga pang dapat na unahin si Kisses. "Kuha ka ng biscuit para sa anak mo," aniya na ikinagulat ni Kisses. "Oy! Hindi na. Next time na ako bibili. Hindi kasi kasali sa budget dito ang perang dala ko." "Sagot ko ang bayad. Sige na. Dali na." "Oy, teka lang. Seryoso?" tulala paring paniniguro ni Kisses. Hindi siya makapaniwala. "Minsan lang ako maging generous lubusin mo na." Nang makitang hindi parin gumagalaw si Kisses sa kinatayuan, si Aliyah na ang kumuha ng mga biscuits. "Anong gatas ang iniinom ng anak mo?" "A-ano bearbrand lang," nautal mula sa pagkatulala na sagot ni Kisses. Lalong nanlaki ang mata ni Kisses nang kumuha si Aliyah ng dalawang pack ng tig dalawang kilo ng gatas. "Tama na yung isa. Ang laki ng mababayaran mo niyan," awat niya. Puno na kasi ang dalawang basket sa push cart at nasisiguro ni Kisses na malaking halaga ang mabayaran ni Aliyah kung idadagdag pa nito ang dalawang kilo ng gatas at mga biscuit na si Aliyah rin mismo ang pumili. Hindi na naka awat si Kisses dahil balewala lang ang pagpigil niya sa dalaga kung ano ang dadamputin nito. Pati ang sabon at shampoo ng anak niya kumuha rin si Aliyah para dito. Nang makontento si Aliyah sa pinapili kusa rin itong tumigil. Hindi niya lang ma attempt na makitang uuwi si Kisses na wala man lang itong pasalubong sa anak. At saka ngayon lang naman ito kaya nilubos na ni Aliyah. Sadyang naawa lang siya sa sitwasyon ng dalaga na nagtitipid at handang isakripisyo ang maliit na bagay dahil mas may malaki itong paglalaanan. "Hindi ko alam ang sasabihin ko," untag ni Kisses matapos magbayad ni Aliyah. "Kulang ang salitang salamat dito, Aliyah," naiiyak na wika niya habang nakatingin sa bitbit nito. "Sabihin na lang natin na may blessings na pinadala sayo ang panginoon," nakangiting wika niya sa babae. Sunod silang nagtungo sa palengke upang mamili pa ng ibang pangangailangan. Marunog naman magluto si Aliyah kaya dinamihan siya ang pinamili nitong mga karne at isda para sa ilang linggo niyang stocks. Bumili rin siya ng mga gulay at prutas. Nang matapos sa pamimili saka pa lang nakaramdam ng gutom si Aliyah at doon niya lang naalala na hindi pa pala siya nag umagahan. Nalipasan na naman siya ng kain. Kahit hindi pa niya lubusan na kilala si Kisses magaan ang loob niya rito. Na para bang may nag uudyok sa kaniya na tulungan ang dalaga. Hindi na nakahindi si Kisses nang ayain siyang kumain ni Aliyah. May resto sa tapat ng mini mart kung saan sila namili kanina at doon sila kumain. Nahihiya na si Kisses sa dami ng nilibre ni Aliyah ngunit hindi siya makahindi sa babae gayong kusang loob naman itong nagbigya sa kaniya. Masaya si Kisses na marami siyang bitbit na pasalubong sa kaniyang pag uwi. Ito palang ang unang beses na marami siyang pasalubong sa anak pag-uwi niya galing bayan. Madalas kasi gatas at pandesal lang ang bitbit niya para sa anak dahil kailangan niyang magtipid, makaipon para sa emergency kung sakali. "Salamat ng marami, Aliyah." wika ni Kisses nang unang bumaba si Aliyah sa tricycle. "Bilang pasasalamat, dadalhan kita mamayang hapunan ng ulam." "Sige, hihintayin ko iyan mamaya." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Aliyah habang nakatingin sa kaniyang mga binili. Namoroblema siya kung paano niya ito bubuhatin lahat papasok sa loob ng bahay dahil malaki ang mga karton at mabibigat. Una niyang binitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Nakasupot iyon kaya niya iyon dalhin isa-isa sa loob ng bahay. Ipinatong niya iyon sa mesa bago binalikan ang karton sa labas. Dahil hindi niya iyon mabuhat, inunti-unti niyang kunin ang laman ng karton at dalhin sa loob. Napagod siya sa kababalik-paroon niya pero wala siyang pagpipilian dahil hindi sapat ang lakas niya upang magbuhat ng malaki at mabigat na karton. Pagod, hinihingal, masakit ang katawan ni Aliyah nang matapos niyang hakutin ang pinamili niya. Wala na siyang lakas para ayusin ang mga ito ngunit hindi naman pwede dahil ayaw niya sa bahay na makalat at baka masira ang mga gulay at karne na pinamili niya kung hahayaan niya lang ito. Inilagay niya sa lababo ang mga pinamili na dapat hugasan. Ang mga karne inilagay niya iyon sa plactic containar na bibili niya bago isinalansang sa ref. Pati mga frozen goods hinugasan niya muna ang mga ito bago ilagay sa ref. Sunod naman niyang nilinisan ang mga gulay at prutas at lahat iyon sa ref niya inilgay. Ang mga cangoods, noodles at iba pa sa cabinet na lang iyon inilagay ni Aliyah. Pagod na pagod siya nang matapos ang gawain. Parang nabigla ang katawan niya at pakiramdam niya lalagnatin siya. Naglinis muna siya ng katawan bago inihiga ang katawan sa kama. Kailangan niyang matulog para may lakas siya mamaya at hindi antukin sa oras ng kaniyang trabaho. Pipikit na sana siya nang may natanggap siyang email. :were are you? everyone is looking for you!"Paano nasikmura ng walang hiya na 'yon na magmensahe sa 'kin?" Aliyah said gritted her teeth. She ignore the email. She need to sleep peacefully. Hindi iyon mahalagang bagay para bigyan ni Aliyah ang ilang minuto para replayan. Nakabukas ang dalawang bintana. Ang preskong hangin mula sa labas ang nagsilbing lamig sa silid ni Aliyah. Isa ito sa nagustuhan niya sa bahay. Hindi na niya kailangan gumamit ng aircon o kaya electricfan dahil libre ang natural na hangin ang pumapasok sa kaniyang kuwarto galing kay inang kalikasan. Samantala, mula sa malayo nakatingin sa dalawang palapag na bahay si Dylan. Hindi parin mawala sa isip niya ang babaeng nangungupahan sa bahay niya. Ni limitahan niya ito ng isang linggo kung magtatagal ba ang babae na tumira doon kaya halos araw-araw siyang napapadaan at sinisilip ang bahay. Bago lamunin ng dilim ang liwanag nagpasya si Dylan na umuwi na sa kanilang bahay. "Bakit ang tagal mo?" salubong na wika ni Nyxia kay Dylan. Nagmamadali ito na dinampot
"Maniningil ako ng renta," nakangiwi na wika ni Dylan habang nakalapat sa noo ang icebag kung saan natamaan ng plastic bottle na tinapon ni Aliyah. Nakabalot na ngayon ng tuwalya ang katawan ni Aliyah. Hiyang-hiya siya sa nangyari lalo na sa ginawa niyang pananakit ng pisikal kay Dylan. 'Paano kung basta niya lang ako palayasin dito pagkatapoos ng ginawa ko?' kinakabahang usal niya sa isipan na mahigpit na nakakapit sa tuwalyang nakabalot sa katawan niya. "Kailangan ba talaga mag akyat-bahay para maningil ng renta kung hindi bubuksan ng pinto?" nagtitimping tiningnan niya ang lalaki na iniinda ang bukol sa noo. "I'm sorry. Alam ko mali ang ginawa ko. Hindi na mauulit ang pagkakamali na iyon," senserong wika ni Dylan. "Don't worry I am not interested on what I saw earlier--" Hindi nakapagsalita si Dylan sa gulat nang hablutin ni Aliyah ang kwelyo ng damit niya at kinaladkad palabas ng bahay. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ni Aliyah at pabalya niyang binitawan ang lalaki. "M
Bakit may mga taong magaling magsinungaling? Magaling magtago ng sekrito pero sa bandang huli sila pa ang magagalit at aaktong guilty sa kasalanang ginusto. Hindi matahimik ang isip ni Aliyah sa nasaksihan at nalaman kay Kisses. Hindi siya mapakali. Kahit anong pagpakalma ang gawin niya umuusbong parin ang galit at inis sa loob niya. Something triggered her. Hindi niya alam paano pakalmahin ang sarili gayong paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang eksenang pilit niyang kinakalimutan. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos sa ganoong sitwasyon. Dumagdag pa ang panibagong email na natanggap niya ngayong gabi. Nagagalita siya, napapatanong bakit ayaw pa siyang tantanan ng taong iyon kahit nagpakalayo na siya. MABILIS na bumaba ng kotse si Dylan pagkarating niya sa tapat ng bahay na inuupahan ni Aliyah nang matingalaan niya ang kwarto ng babae. Nataranta siya, natakot nang makitang nakabitay sa kisame ang kaniyang tenant. Umakyat siya sa bakod para makapasok sa loob ng bahay. Ngunit
It's already 9 a.m in the morning. Nakahiga parin sa kama si Aliyah. Kanina pa siya gising ngunit hindi siya bumaba. Ilang beses niyang sinapok ang sarili ng marealize ang ginawa niya kagabi. Kung bakit hinayaan niyang matulog si Dylan dito at hindi inisip ang mga marites nilang kapitbahay. Tama nga si Aliyah, dahil nagkandahaba ang leeeg ng kapitbahay niya nang silipin niya ito sa bintana. "Wrong move, Aliyah." pangaral niya sa sarili. Ang plano niya hindi muna siya bababa hangga't hindi pa naka alis si Dylan, ngunit tumawag ang delivery rider at sinabing naroon na raw ito sa labas ng bahay niya. No choice si Aliyah kundi ang bumangon at bumaba. Naabutan niya si Dylan na nakatayo habang nakatingin sa kasama nito na ginagawa ang bintanang sinira niya kagabi. Nagkatinginan lang silang dalawa hindi man lang binati ang isa't isa. Tinubuan ng hiya sa katawan si Aliyah. First time in her life na matulog sa isang bahay na may lalaking kasama at hindi niya pa masyadong kilala. Mabuti na
She didn't feel threatened. Bakit pa siya babalik sa buhay na tinakasan niya gayong nakapag adjust na siya sa bagong buhay na pinili niya. Tanga na lang ang babalik pa doon at magpagapos ulit. Hinayaan ni Aliyah ang mensaheng iyon dahil hindi naman siya natatakot sa banta. Galit siya dahil ayaw pa siyang tantanan kahit nagpakalayo na siya at pinutol ang ugnayan sa taong ito. ~FLASHBACK~ "Isang linggo na lang graduation niyo na. Any plans aside sa engagedment party niyo ni Aldrich?" Nawalan ng panlasa si Aliyah sa sinabi ng kaniyang ama. Itinabi niya ang utensils na hawak at kaswal na hinarap ang ama kahit masama ang loob niya dito. "Nothing, dad." "That's good to hear," anito habang nakatuon sa plato ang tingin. "This is for your own good." 'You, not mine!' galit na sagot ni Aliyah sa isipan. Her face remain calm and obident while listening to his father. "Nakausap ko na ang ama ni Aldrich at nagkasundo na kami. Hinihintay niya rin na makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang
Sa bahay ni Aliyah ang unang pumasok sa isipan ni Dylan na tumuloy matapos ang hindi niya inaasahn na insidente. Nang maubos ang isang bote ng beer naisipan ni Dylan na bumalik sa kaniyang tindahan ngunit hindi pa siya nakakalayo sa bar house na pinag inuman niya may apat na lalaki ang humarang sa kanyang sasakyan. Akala niya mag normal lang na tao na pinagkamalan siyang namamasada kaya huminto siya para sana kausapin ngunit sa isang iglap lang biglang nahilo si Dylan ang sinuntok siya sa panga ng isang lalaki pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kanyang sasakyan. Ang dalawang lalaki ang taga bantay, ang isa naman may nakatutok sa kanya na patalim habang ang isa ang naghahalungkat na pwede nitong makuha. Hindi nakagalaw si Dylan sa bilis ng pangyayari. Tila nahinto saglit ang oras, nakatingin lang siya sa kawalan na para bang nahipotismo. Isang malakas na bosena ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Mabilis na kumaripas ng tumakbo paalis ang apat na lalaki. Doon na lang nahimasmasan
Walang may umawat kay Nyxia habang sinisigawan at sinisisi niya si Dylan. Kahit awa sa mata ng mga taong nandoon para kay Dylan wala kang makikita. Kay Nyxia ang lahat ng simpatya at awa maliban kay Cianne na lihim na umiiyak habang nakatingin sa kanyang ama na binubogbog ni Nyxia. Hindi naka galaw si Dylan. Sinalo niya lahat ng salitang binabato ni Nyxia. Mga hampas, suntok at sampal, lahat iyon tinanggap ni Dylan ng walang reklamo. Alam niya kung bakit siya ang sinisisi ni Nyxia ngunit bakit siya lang? "Ipinagkatiwala sayo ni daddy ang tindahan pero anong ginawa mo?! Stress at sama ng loob ang ibinigay mo! Pagkakataon mo na sana iyon, Dylan, na makuha ang pagmamahal ng magulang ko, na magtiwala sila sayo ng buo pero bakit mo sinayang? Iyon na lang ang alas mo to prove to my family that I deserve you pero bakit hindi mo nagawa?!" "Doon lang ba ang basehan niyong lahat para ipakita ko sa inyo, sayo na karapatdapat ako sa buhay mo? Kase kung iyon ang batayan mo, bakit ka pumayag
Nagsisisi si Dylan kung bakit pinarenta niya ang bahay niya. Ang bahay na saksi sa lahat ng hinanakit niya. Ng mga luhang ibinuhos niya. Ng mga iyak at hagulgol niya. Ang bahay na ito ang naging sandigan niya mula noong araw na naging mag asawa sila ni Nyxia. Ito na lang sana ang mayroon siya pero binitawan niya rin kalaunan. At heto siya ngayon, nagmamaka-awa sa taong may karapatan na sa pag aari niya. Saktong pagsilip ni Aliyah sa bintana ng kwarto, naaninag niya si Dylan na natumba sa harap ng gate ng bahay. Mabilis siyang tumalima sa ibaba at walang pag alinlangan na iniwan ang trabaho niya. Nag alala siya baka napano na ang lalaki gayong hindi pa magaling ang sugat nito sa tagiliran. "Dylan!" nataranta siya ng makita ang lalaki na parang lantang gulay ng nakahandusay. Dali-dali niyang tinulungan ang lalaki na makatayo. Mabuti na lang at nakipag cooperate si Dylan kahit pa subrang lasing ito. Inakbay niya ang braso ni Dylan sa kanyang balikat at ipunulupot naman ni Aliyah ang br
Nyxia was preparing food when Dylan came home. Natigilan si Dylan ng makita ang asawa na busy sa pag asikaso sa kusina. Wala namang okasyon kaya siya nagtaka. Nilibot niya ng tingin ang buong bahay, hindi siya sigurado kung namalikmata lang ba siya na malinis at hindi magulo ang bahay na hindi naman iyon ang palagi niyang nadadatnan sa tuwing uuwi siya. Hindi napansin ni Nyxia ang kanyang pagdating dahil abala ito sa gawain. He didn't even greet her wife. Awtomatikong naging masaya ang mukha ni Dylan na tinungo ang kinaroonan ng anak. Naka upo ito sa lapag habang abala sa ito sa ginagawa niya. Natigilan si Dylan ng makita kung ano ang ginagawa ng anak. Nanikip ang dibdib niya. He was hurt by what he saw. "Daddy!" puno ng excitement na sambit ni Cianne ng makita ang tatay niya. Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap. Kaagad naman siyang kinarga ni Dylan. Doon lang nabaling ang atensyon ni Nyxia. Kung hindi niya narinig ang boses ng anak hindi pa niya malaman na naka uwi na pala ang
"Where the hell is she?!" dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni Mr. Corpuz ng malamang wala si Aliyah sa bahay. Walang may naka aalam sa pag alis ng dalaga. Walang may nakapansin na wala si Aliyah. Doon lang nila nalaman na nawawala ang dalaga ng pinatawag na siya ni Mr. Corpuz sa kanilang kasambahay para maghanda na sa nalalapit na oras sa gaganaping engagement party. Hindi mapakali ang ginoo. Kahit anong pagpakalma ang ginawa ng asawa niya hindi parin humuhupa ang galit nito sa lahat ng taong nasa bahay niya. "Hanapin mo!" sigaw niya sa driver ni Aliyah. "Ikaw ang may alam sa mga lugar na posible niyang puntahan," dali-dali namang tumalima palabas ng bahay ng matandang drayber. Napahawak sa batok si Mr. Corpuz sa konsemisyong naramdaman. "Ngayon pa talaga niya naisipang gumala gayong may kailangan siyang paghandaan." "Dad, calm down. Siguro nagpahangin lang. Pina relax ang sarili because today is the day that something big and special will happen in her life," pagpagaan
~FLASHBACK~ Buong araw nakamokmok sa kwarto si Aliyah. Nag iisip siya sa susunod na gagawing hakbang. Imposibleng nagkamali ang mata niya sa nakita. Imposibleng magka ibang lalaki ang kahalikan ng ate niya at ang lalaking nakaharap niya. Ano yun, may kambal si Aldrich at pareho sila ng suot noong araw na iyon? Napahilamos ng mukha si Aliyah. Kailangan niyang malaman ang katotohanan sa pagitan ni Aldrich at ng ate niya. Paano kung totoo ang hinala niya na magkasintahan ang dalawa, kawawa ang ate niya kung matuloy ang kasal nilang dalawa ni Aldrich. Ngunit sa kabilang banda kawawa rin si Aliyah kung mangyari mang matuloy ang kasunduang kasal. Maging mahirap iyon sa kanya dahil ang lalaking pakasalan niya nagmamahalan sila ng Ate Alyssa niya. Nagbalik-tanaw kay Aliyah ang lahat ng pangyayari mula sa mga pinapagawang business proposal ng ate niya. Ang hindi lang sigurado si Aliyah kung sinadya ba talaga ni Alyssa na mali ang folder na kanyang dadalhin dahil alam nitong susundan siya
~FLASHBACK~ Masakit man sa loob hindi na pinilit ni Aliyah na dumalo sa graduation niya. Ito ang pinakamasakit, pinakamalungkot na nangyari sa buong buhay niya. Naka upo siya sa harap ng vanity table niya. Kanina pa siya tapos sa pag aayos sa sarili at hinihintay na lang niya ang hudyat ng kanyang ama na pumunta sa lokasyon na dapat ay magkita silang dalawa ni Aldrich. She's wearing a white cocktail dress and black stelittos heels. Nakalugay lang ang kanyang buhok. Wala siyang ibang accesories sa katawan maliban sa black velvet chocker with a gold rectangular accent in the center. Gusto niyang umiyak sa sama ng loob ngunit walang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Siguro pagod na ang mga ito sa kakaiyak niya buong magdamag ng ilang araw. Galit na sinisi niya ang binata dahil pati ito naki isa rin na ipagkait ang mahalagang okasyon sa buhay niya. Panay ang ring ng cellphone ni Aliyah, si Laine ang tumatawag. Hindi iyon magawang sagotin ni Aliyah dahil ayaw niyang may ku
"Nyxia." Huminto sa paglakad si Nyxia at nilingon ang tumawag sa kanya. Pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. Hindi na nagtaka si Nyxia kung bakit may nakakilala sa kanya dahil kilala silang mag asawa sa barangay na ito dahil nagpapa utang sila ng pera. "Wag mo sana masamain ang sasabihihn mo, ha." ani ng ginang ng makalapit sa kanya. Mukhang alagad ito ng simbahan dahil may bitbit itong bible at nakasuot ng malaking kwentas na may krus. "YUng bahay niyo kasi sa Buenavista may babaeng nakatira doon, dalaga." aniya at hininaan pa ang boses at napalinga baka may makarinig sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Nyxia, nagtataka. "Ho? Sigurado kayo? Kailan pa?" "Mag tatlong buwan na. Hindi ba sinabi sayo ng asawa mo na may nangungupahan na roon?" umiling si Nyxia. "Naku! Sadyang tama nga ang hinala ko." Lalong lumalim ang gitla ng noo ni Nyxia. "Hinala? Sa alin ho?" Hinila ng matanda si Nyxia sa isang tabi at sinigurong walang makarinig sa sasa
Pagod man ngunit masaya si Aliyah ng matapos niyang ilagay ang mga pagkain sa party bag. Wala pa man alam na ni Aliyah ang maging reaction ni Kisses kapag nakita nito ang mga hinanda niya sa birthday ni Gelo. Umidlip muna siya ng matapos sa ginagawa dahil magtatrabaho pa siya mamaya. Hindi man niya nito kadugo pero subrang excited ni Aliyah na paghandaan ang darating na birthday ni Gelo. She just wanted to heal her inner child. Madalas kasi she celebrate her birthday alone or with their maids. Kung may big party man hindi naman iyon na enjoy ni Aliyah dahil parang wala lang rin naman iyon sa pamilya niya. Kaya kahit gagastos siya ng malaki ayos lang sa kanya maranasan lang ng bata ang memorable na birthday sa buhay niya. Tahimik ang bahay nila ni Kisses ng magpunta si Aliyah. Diritsong pumasok si Aliyah dahil bukas ang pinto ng bahay. Naulinigan niya ang mga kalansing ng kaldero, marahil naghahanda na si Kisses sa lulutuin niya. Inilapag muna ni Aliyah ang dala nito sa upuan saka
~FLASHBACK~ "2 weeks from now nakatakda na ang unang pagkikita niyo ni Alrich," wika ng ama ni Aliyah. Sumimsim muna ito ng tsaa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napagkasunduan namin ni Mr. Lim na mainam siguro kung makilala niyo muna ni Aldrich ang isa't isa para hindi na kayo magka ilangan sa araw ng engagement party." "Kung iyon po ang napagkasunduan niyo, dad, walang problema sa akin," kaswal na sagot ni Aliyah. "Pero ang gusto ni Aldrich sa friday next week kayo magkita dalawa." Natigilan si Aliyah. Graduation day niya iyon, bakit iyon pa ang araw na pinili ni Aldrich na magkita silang dalawa? "P-pero, dad, graduation day ko iyon," sabi ni Aliyah sa mababang tono. Hindi nakitaan ng gulat at pag alala ang ama niya kaya alam na ni Aliyah kung ano ang ibig sabihin niyon. Ngunit hindi parin siya nagpakita ng emosyon kahit naninikip na ang dibdib niya sa sama ng loob sa tatay niya. Napatingin si Aliyah sa ate Alyssa niya na kararating lang galing sa vacation trip nito. K
May iilan sa sitwasyon na pareho silang dalawa ni Aliyah, tulad na lang ng kawalan ng kalayan. Ngunit minsan kailangan rin nating isipin ang maging resulta sa hakbang na ating pipiliin. Dahil hindi lahat ng taong pinili ang maging malaya ay malaya. Minsan, malaya lang sila sa taong nakapaligid sa kanila ngunit hindi malaya sa reyalidad ng sitwasyong pinili.Marami kang dapat na isaalang-alang. Iisipin na kapakanan ng kung sino man ang posibleng maapektuhan. Iyong gustong gusto mong ipaglaban ang karapatan mo ngunit may maraming humahadlang na katanungan; katanungan na posibleng mangyari sa susunod na hakbang."A good thing you should do is enjoy your life being alone. Don't think what will happen tomorrow. Just enjoy at paghandaang mabuti ang mga pangyayaring darating," nakangiti na wika ni Dylan, pinapagaan ang malungkot na atmospera ng paligid dahil pareho silang dalawa ni Aliyah na mabigat ang damdamin."I don't know if I can do that knowing that someone is threatening me," matu
Nagsisisi si Dylan kung bakit pinarenta niya ang bahay niya. Ang bahay na saksi sa lahat ng hinanakit niya. Ng mga luhang ibinuhos niya. Ng mga iyak at hagulgol niya. Ang bahay na ito ang naging sandigan niya mula noong araw na naging mag asawa sila ni Nyxia. Ito na lang sana ang mayroon siya pero binitawan niya rin kalaunan. At heto siya ngayon, nagmamaka-awa sa taong may karapatan na sa pag aari niya. Saktong pagsilip ni Aliyah sa bintana ng kwarto, naaninag niya si Dylan na natumba sa harap ng gate ng bahay. Mabilis siyang tumalima sa ibaba at walang pag alinlangan na iniwan ang trabaho niya. Nag alala siya baka napano na ang lalaki gayong hindi pa magaling ang sugat nito sa tagiliran. "Dylan!" nataranta siya ng makita ang lalaki na parang lantang gulay ng nakahandusay. Dali-dali niyang tinulungan ang lalaki na makatayo. Mabuti na lang at nakipag cooperate si Dylan kahit pa subrang lasing ito. Inakbay niya ang braso ni Dylan sa kanyang balikat at ipunulupot naman ni Aliyah ang br